Fanfics

2

10:00, 7 March 2025

Habang naglalakad ako papunta sa school, nag-iisip ako kung paano magiging araw ko. Wala akong kakilala, wala akong kaibigan. Hanggang sa may sumulpot na isang girl na mukhang masyadong masayahin para sa maagang umaga.

"Uy, ikaw 'yung bagong student, 'di ba?"

Napatingin ako sa kanya. May shoulder-length siyang buhok, naka-headband pa na may cute na design. Hawak niya ang isang milktea habang naglalakad sa tabi ko na parang matagal na kaming magkaibigan.

"Ako nga pala si Sara! Sara Chan!" ngumiti siya nang malaki. "Ikaw?"

"Abigail," sagot ko.

"Abigail! Nice name! Pero ang serious mo naman. Sige na, ngiti ka na," sabay kurot niya nang mahina sa braso ko.

Napataas ang kilay ko. "Bakit ka ba ang kulit?"

"Ganito lang talaga ako!" tawa niya. "Alam mo, pinangalan ako sa idol ni Mama—si Sarah Geronimo! Eh kaso, gusto niya ng unique spelling, kaya naging Sara lang. Tapos 'yung ate ko naman, si Millicent, galing sa paborito niyang Disney movie—Sleeping Beauty. Maleficent dapat, kaso parang masyadong kontrabida, kaya ginawa niyang Millicent."

Napatingin ako sa babaeng naglalakad sa unahan namin. Matangkad, mahabang buhok na parang hindi man lang nagugulo ng hangin. Naka-jacket kahit mainit, may earphones sa tenga, at halatang walang pakialam sa mundo.

"Siya ba si Millicent?" tanong ko.

"Yup! Mil!" sigaw ni Sara.

Bahagyang lumingon si Millicent, tinaasan lang kami ng kilay, tapos bumalik sa paglalakad na parang model sa runway.

"Wala siyang pake sa mundo, noh?" bulong ko.

"Ganyan lang talaga 'yun. Too cool to care," tawa ni Sara. "Pero mabait 'yan. Kunwari lang na hindi."

Hindi ko alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon, pakiramdam ko... baka hindi ko kailangang mag-isa.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories