Fanfics

Chapter 15

15:04, 7 June 2023

Szymon's

I never planned to like her. I just found myself looking for her presence. Everytime that we spend our time to talk about Veina, hindi ko namalayan na nagugustuhan ko na pala siya.

I tried to stop this feelings by avoiding her, I tried everything I can just to stop this, but I can't.

Until that day has come.

The day that made me question everything.

The day that Veina confessed...

Flashback

"Mon, pwede ba tayong mag usap?" napalingon ako kay Veina na nasa likod ko.

It's Sunday kaya walang pasok at nandito ako sa bahay ngayon.

Tinigil ko naman ang ginagawa ko at lumapit sa kaniya.

"Ano yun, Veina?" tanong ko.

"Pwede bang sa likod tayo ng bahay niyo mag-usap? Yung walang makakarinig." she seems serious kaya tumango ako.

"Sige." sabi ko.

Nauna akong maglakad papunta sa likod ng bahay at nakasunod naman siya sa'kin.

"Ano nga yung sasabihin mo, Veina?" tanong ko sa kaniya.

"Mon..." tiningnan ko naman siya ng may pagtataka.

"Matagal ko ng tinatago 'to, hindi ko na alam kung kaya ko pa bang itago. Nahihirapan na ko sa tuwing nakikita kita, hindi ko man lang masabi sayo..." naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Simula nung mga bata pa lang tayo, simula nung lumipat kami dito, we're both 10 years old back then..." putol niya sa sinabi niya at tumawa ng mahina.

"I make friends with you hindi man masyadong close but I'm still thankful." sabi niya sabay ngiti sa'kin.

"I like you, Mon. I really like you. I'm saying this right now dahil hindi ko na kayang itago sa sarili ko." pagkasabi niya non ay agad niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko.

What happened? Bakit wala akong maramdaman sa kaniya? Kung dati ay abot langit ang kaba at ngiti ko pero ngayon, she's holding me but I can't feel anything.

"Veina..." sabi ko at nilayo ang kamay ko sa kaniya.

I look at her and starts realizing something.

Sam...

"I like you..." sabi ko na nakapagpakinang ng mata niya.

"but that was before." she looks at me na may pagtataka.

"What do y-you mean?" tanong niya.

"I was planning to confess sayo, all those flowers, chocolates and everything. It was my way to tell you that I liked you pero nagbago ang lahat, hindi ko rin maintindihan yung sarili ko kung bakit nawalan ako ng interest sayo. It was never my plan to like someone else bukod sayo pero biglang nagbago ang lahat."

Hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang sasabihin ko because her eyes starts to look sad.

"Am I too late?" tanong niya.

"No, you're just in time to make me realize everything. I'm sorry, Veina." sabi ko.

This moment I thought I was going to be happy na sa wakas yung taong gustong gusto ko, umamin sa'kin na gusto rin ako.

"It's alright, I just want you to know about my feelings. But Mon..."

"Magkaibigan pa rin tayo ha?" sabi niya na naluluha na.

"Oo naman, we're still friends." sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

Tumango naman siya at ngumiti sa'kin.

We talk a little and she asked me who I like now. Hindi ko sinagot dahil I still have something to confirm.

And she better be ready for me.

Present

After that day, I always think about Sam, on how to tell her that I like her, but that day happened, she confessed to me.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang mga ngiti sa mga labi ko.

Gosh, I'm so lucky.

Ngayon naman ay nag-iimpake na ako ng gamit ko na dadalhin mamaya para sa camping namin.

Nag pack din ako ng mga ready to eat na foods at gumawa ako ng mga sandwiches para may kainin kami mamaya.

I'm so happy right now dahil makakasama ko siya.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko agad si Nanay sa sala.

"Kompleto na ba ang dala mo, Mon?" tanong niya sa'kin.

"Opo, Nay. Isang araw lang naman po akong mawawala kaya konting gamit lang din ang dinala ko mas marami pa nga ata akong dalang pagkain kesa sa gamit." sabi ko sabay tawa.

"Ikaw talagang bata ka, yung panlaban mo sa lamok? Dala mo ba? Dapat talaga ay magdala ka ng kulambo para may proteksyon kayo ni Sam sa mga lamok." seryosong sabi ni Nanay.

Kulambo? E may tent naman na kami.

"Nay, hindi naman ako maramot kaya ishe-share ko yung dugo ko sa kanila." sabi ko.

"Tumigil ka nga dyan, Mon. Ito dalhin mo." tumayo si Nanay sa pagkakaupo at may inabot sa'kin.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong inabot ni Nanay sa'kin.

"Nay, l-lubricant? Aanhin ko po ito?" tanong ko kay Nanay na tiningnan naman ako ng may pagtataka.

"Nabili ko yan sa palengke, sabi ng totoy doon e panlaban daw sa lamok yan. Anong lubricant ba, Mon? Patingin nga" tanong ni Nanay.

"Ano nay, wag na parang ano lotion din po ito hihi." awkward akong natawa kay Nanay.

Kung sino man ang nagbenta kay Nanay nito ay ibabato ko talaga sa pagmumukha niya to.

Parehas kaming napatingin kay Nanay ng may kumatok sa pintuan.

"Ako na ang magbubukas." sabi ni Nanay at tumungo na siya sa pintuan.

Agad na binuksan yun ni Nanay at pumasok naman si Sam.

Nagkasalubong ang mata naming dalawa, isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya na ginantihan ko rin.

"Hi." bati niya sa'kin.

Bigla naman akong namula ng biglang bumaba ang tingin niya sa hawak hawak ko.

Nakita ko ang pag ngisi nito kaya walang ano ano ay tinapon ko yun sa kung saan.

Bahala na kung saan yun mapunta.

"Hi, ano uhm maupo ka muna." sabi ko sa kaniya na sinunod niya naman.

"Gusto mo ba ng juice? Tubig? Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw." mabilis na sagot niya.

Mas lalo atang namula ang mukha ko dahil nandito pa si Nanay.

Na-realize niya rin sigurong nandito pa si Nanay kaya umisip ng lusot.

"Ikaw, I mean ikaw lang naman yung pinunta ko dito para sunduin. Uhm ano ready ka na ba?" pag-iiba niya ng usapan.

Napatingin naman ako kay Nanay na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin.

"Nay, aalis na ho kami." paalam ko kay Nanay.

Tinulungan naman ako ni Sam na dalhin ang isa kong bag.

"Mag iingat kayo mga apo ha?" sabi ni Nanay.

"Opo, Nay. Ibabalik ko po ng kompleto ang apo niyo." pabirong sabi ni Sam kay Nanay.

"Ikaw rin, Mon. Ibalik mo rin to ng buo ha." sabi Nanay sa'kin.

Para namang kakainin ko yung isang bahagi ng katawan niya kung makapagbilin naman tong si Nanay.

"Opo, Nay."

Sabay na kaming lumabas ng bahay at nakasunod naman si Nanay sa'min sa likod.

Bago kami pumasok ng kotse ay kumaway muna kami kay Nanay, nasa tabi niya na rin si Joli at ang mama niyo. Sina Joli at ang mama kasi nito ang makakasama ni Nanay muna sa bahay ng isang araw.

Pumasok naman kaming dalawa sa kotse.

"Pretty." puri niya sa'kin ng magkatitigan kaming dalawa.

Bigla namang uminit ang pisngi ko.

Sinimulan niya ng paandarin ang kotse niya.

"You're like a tomato right now." tukso niya sa'kin.

"Kasalanan mo kasi." sabi ko.

"What did I do?" tanong niya.

Hindi ako sumagot sa kaniya, nahihiya pa rin ako kasi nakita niya yung hawak ko kanina.

"I didn't mean to saw that lubr---" hindi na niya natapos ang sinabi dahil tinakpan ko ang bibig niya ng kaliwang kamay ko.

"mmHmm" pagpupumilit niyang magsalita kaya binitawan ko rin ang bibig niya.

"I'm driving, Princess. My goodness gracious!" sabi niya, bigla naman akong napatingin sa kaniya.

What did she call me? I can't hear it clearly.

"Anong sinabi mo?" tanong ko sa kaniya.

"W-what?" sabi niya.

"The first word, hindi ko narinig masyado. Can you repeat it?" sabi ko.

"I'm not saying anything, Mon. Sabi ko, I'm driving." sabi niya.

No, I heard something after that.

"Are you sure?" tanong ko.

"Yes, I am sure." sabi niya sabay ngiti sa'kin.

Tumango naman ako.

Hindi ko naman na pinansin yun at tinitigan siya habang nagd-drive.

I smiled when she looks at me too and wink. Gosh, this woman is a flirt.

A/N: Good evening, sorry sa late update gaes.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories