Chapter 12: Common Sense
12:19, 6 May 2026Jhoanna's POV
"Johan, anong tingin mo sa outfit ko?" tanong ko habang naghihintay kaming matapos magluto si Mama ng breakfast.
He removed his attention on his manga book, tapos parang in-scan niya 'yung suot ko. Akala ko naman may matino siyang sasabihin, kase ngumiti sya
"Alam mo Ate Tin you look like a girl who put a heavy make up on your face while acting like a highschool na pupunta sa first date niya. 'Yan ba gusto mong marinig?" sabi niya, sabay balik sa pagbabasa.
I felt a furious anger while looking directly on my brother, bwisit talaga 'tong batang 'to. Kung alam ko lang na lalaki siyang ganito, I'll definitely make all the way just to have my mother a miscarriage back then! Okay, medyo harsh 'yon, pero wala akong pake!
I pulled his hair harshly. "Anong sabi mo? Mukha akong high school? Do you want to die early?" gigil kong sabi sa kanya
"Ate Tin! Ang sakit! Mama! Help me!" sigaw niya habang nagpupumiglas.
"Jhoanna! Ano na naman ginagawa mo sa kapatid mo? Tumigil nga kayo dyan dalawa!" sigaw ni Mama mula sa kusina.
"Ma, wala akong ginagawa! Sumbungero lang 'tong spoiled mong anak!" sagot ko, sabay tingin kay Johan
"If you want me to stop, tumahimik ka na lang," bulong ko sa kanya, "Say sorry!"
"Sorry your ass," nakangiting sagot niya.
Hinila ko ulit buhok niya, this time mas malakas. "Trust me, pagsisisihan mo 'to. Susunugin ko lahat ng libro mo after this."
"Aray! Pls stop! Ma, si Ate-ahsjshfksks!" Bago pa siya makapagsumbong nang buo, tinakpan ko na 'yung bibig niya.
"I said, shut up!" I glared at him
"I didn't know na ganyan ka pala kasama sa kapatid mo. Grabe, scary"
Napalingon agad ako sa boses na 'yon, and to my surprise, nandoon si Stacey, nakasandal sa pader habang nakangiti.
Sh*t.
Dahan-dahan kong binitiwan si Johan habang nakatingin pa rin kay Stacey. My younger brother quickly stay away from me after that, leaving me and Stacey alone.
"What are you doing here?" tanong ko kay Stacey
"What do you think? I'm here to pick you up for our appointment," sagot niya, sabay irap. "Come on Robles, ang dami pa nating gagawin." Lumapit siya sa'kin at biglang hinila ang kamay ko.
"Hoy! Hoy! Chill ka lang! Ang aga pa! Di pa nga ako nagbe-breakfast!" reklamo ko, sabay alis ng kamay niya sa'kin.
"No, Ma'am Sevilleja! Please, kunin mo na siya! Nananakit na mata ko pag andito lagi si Ate Tin. Sana nga last day na nya dito!" Johan just said from afar which tolerated me to hurriedly go on his direction and hit his head hardly.
"ATE TINNNN!"
Haha! One point for me!
Natawa ako sa ginawa ko, pero bigla kong naalala na andito nga pala si Stacey. Napayuko ako, realizing na nakita niya 'yung pagiging warfreak ko. Haysst, ang awkward! Malamang iniisip na niya ngayon na ang weird ko.
"Let's go, Jho" natatawang sabi ni Stacey
"Wait lang! Kakain muna ako! Sinabi mo na ba kay Mama na aalis tayo?" tanong ko.
She shrugged. "As far as I remember, sabi ni Tita Jhonna, I can have you all day, so no need to worry."
"Tsssk! Amfeeling talaga," sagot ko.
"Let's go na! Hindi mo na kailangang mag-breakfast, kakain din naman tayo sa restaurant after this. Ang dami nating gagawin,so we need to be early !" At bago pa ako makatanggi, hinila na naman niya ako palayo, leaving my house behind.
_
Timeskip-
Napakunot agad ang noo ko nung makita ko kung saan siya huminto.
Ano bang iniisip neto? Ano 'to, trip-trip lang? Bakit dito?
"Eh?" Napatingin ako sa kanya. "Bakit sa amusement park?" tanong ko.
Stacey faced me with disbelief look, "I just love this place" she answered nonchalantly. "What? May problema ba dun Robles?"
"Parang ang childish naman for an appointment? Don't get me wrong, Ms. Sevilleja, pero parang date 'to, ah. Are you really planning to set our appointment here?" Tumingin ako sa paligid at napansin kung gaano karaming tao ang nandito. Ang ingay, ang daming tao, tapos sobrang open pa ng lugar-paano kami mag-uusap nang maayos dito?
She placed one finger on her temple showing me a complete stressed look.
"Jho, nasaan ba utak mo? Ginagamit mo ba talaga yan?" inis niyang tanong. "Alam mo, bahala ka na kung anong gusto mong isipin. Magpa-park lang ako, umupo ka muna diyan sa bench. God! You're giving me stress"
I mentally rolled my eyes as I exited her car. Ako pa ang nagbigay ng stress sa kanya? Eh kung hindi niya lang naman ako pinilit sumama ngayon, edi sana hindi siya nai-stress! Kung ganun rin lang, dapat iniwan na lang niya ako sa bahay para nakapagpahinga ako buong araw.
Umupo ako sa bench habang hinihintay sya. Haysst, hindi ko alam kung paano at bakit nagkagusto ako sa kanya.She's really a pain in ass and a harsh person to be exact. As if she was a heartless human.Puro trabaho, parang walang lambing sa katawan. Naiisip ko tuloy, may sweetness ba 'tong tao na 'to? Pero malamang wala. Obvious naman, diba? Haysst, kawawa naman si Gelo, pinakasalan pa sya.
"Atleast, Gelo even have her and got a chance to marry you're one and only, Sevilleja. But what about you? You're just her fucking secretary and seriously nothing to her" my inner self annoys me.
Napairap ako sa sarili ko. Pati ba naman inner self ko, kalaban ko?! Ang kulit! Pwede bang patayin 'tong side ng utak ko? Wala namang ambag!
"I guess you're not just dumb but crazy as well. Hindi ko alam na may habit ka palang makipag usap sa sarili mo."
Biglang naputol ang iniisip ko nang may marinig akong nagsalita. Dali-dali akong tumingala, at bumungad sa'kin si Stacey, papalapit na sa direksyon ko.
Ang simple lang ng suot niya-isang coat, simple lang pero mukhang mahal na Chanel shirt, tapos naka-Guess na jeans, but she managed to look so elegant with that simple clothes. I can't help myself not to be mesmerized by her.
Biglang nawala lahat ng inis ko sa kanya kanina. Ano ba yan Jho. Ang rupok mo naman, paulit-ulit na lang 'to! Jusko, married woman na 'yan!
"Jho! Hey, are you listening to me?" Kumaway si Stacey sa harap ko para makuha ang atensyon ko.
Nagising ako sa daydreaming ko. Ha? Nag-uusap na ba kami?!
"Are you deaf? Dalawang beses na akong nagtatanong pero parang wala kang naririnig!" Naiiritang sabi niya.
"Wait, w-what? Ano 'yon? Ulitin mo nga?"
"Gosh, Jhoanna! Are you sure you're with yourself right now?" inis niyang tanong. "I'm asking you kung may gusto kang gawin."
"Huh?"
"Yes. Do you want anything to do?"
"Uh... I want to..." Nag-isip ako.
"Well, aside from anything, I know the only thing you want to do right now is to kiss her. Go, tell her!" biglang singit ng nakakarindi kong inner self.
"Jhoanna!, tinatanong kita, ano bang gusto mong gawin?" inis na ulit niyang tanong.
"A-ah! Wala! Wala akong gustong gawin!" dali-dali kong sagot. "As in wala!"
"Huh?" Napakunot ang noo niya. Kita ko sa mukha niya na hindi niya nagustuhan 'yung sagot ko.
Tsk. Bakit pa kasi niya tinatanong kung anong gusto ko gawin? Siya naman ang boss dito, diba?
"A-ah, ang ibig kong sabihin... depende sa'yo! Yeah! Ikaw ang magdesisyon."
Biglang nagbago ang expression niya.
"Then..." Tumayo siya at tumingin sa'kin. "Do you want to do what I want to do?" sabay abot ng kamay niya sa'kin.
Nag-aalok ba siya ng handshake?
"Okay?" I feel so confused, I still accepted her hand and shake it even though I'm not so sure about it but it only made Stacey furrowed her brow to me.
Ano? Ginawa ko lang naman 'yung gusto niya, ah? May mali ba?
"Idiot! Hindi mo talaga ginagamit 'yang utak mo!" Naiirita niyang sigaw sabay hatak ng kamay ko.
"Let's just go before I can't control myself and sliced your neck into pieces because of your dumbness"
At wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya papunta sa entrance ng amusement park.
Ni isa sa amin, walang nagsalita habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. Hindi ko na lang siya kinausap. Baka lalo lang siyang mairita kapag sinubukan ko pang makipag-usap.
"Hey!" tinapik ako ni Stacey.
"Ano?" sagot ko agad.
"Gusto mo nun?" sabay turo niya sa isang direksyon.
"Ayaw k-wait, woah! Cotton candy!" Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Natawa siya. "Come on Jho, it looks delicious," sabay hila sa'kin papunta sa cotton candy stand.
Well, wala naman akong reklamo. I love cotton candy! Hindi ko tatanggihan 'to.
"Sir, dalawang cotton candy po," order ni Stacey sa matandang vendor.
"Eto na po ma'am," abot ng vendor sa kanya.
"Magkano po?" tanong niya.
"100 pesos po, ma'am."
Hinahanap niya ang wallet niya sa bulsa, I almost want to cursed when she showed her credit card to him.
"Do you accept credit card po?" seryoso niyang tanong.
Ay Sevilleja. Ginagamit mo ba 'yang utak mo?!
Napakamot-tenga 'yung vendor, halatang nahiya. "Ma'am, cash lang po ang tinatanggap namin."
Before anything else happened, I immediately intervened on their discussion, Alam kong may sasabihin pa si Stacey pero mabilis akong naglabas ng pera at iniabot kay manong vendor.
"Sir, eto po 'yung bayad. Pasensya na po, first time niya kasi dito sa amusement park," nahihiya kong sabi.
"Ano ba problema mo?I should be the one to paid for it!!" Naiirita niyang sabi.
"Tsssk! Kung may plano kang pumunta sa amusement park, dapat nagdala ka ng totoong pera, hindi credit card. Ang daming maliliit na tindahan dito, ano sa tingin mo? May credit scanner sila? Haysst, kung ako sa'yo, gagamitin ko na lang ang common sense ko, Ms. Sevilleja."
At ayun na naman kami, nagsisigawan na naman.
"Ano? Look who's talking! Gamitin ko ang common sense ko? Eh ikaw? Sigurado ka bang ginagamit mo rin 'yang common sense mo?" sarkastikong tanong niya.
"Ni hindi mo nga ma-figure out kung bakit tayo nandito at kung anong dahilan kung bakit ko 'to ginagawa para sa'yo! Tapos sasabihan mo akong gumamit ng common sense? Plsss Jho, gamitin mo rin 'yang common sense mo!" Dagdag pa nya
"Ayan, ang cotton candy mo kainin mo lahat!" sabay bato niya sa'kin ng cotton candy.
Pagkatapos nun, bigla na lang siyang tumalikod at naglakad palayo, iniwan akong mag-isa habang hawak ang dalawang cotton candy sa kamay ko.
"Fine! Ako lang talaga kakain neto mag-isa, ako naman ang nagbayad eh! Sige, iwan mo na lang ako kung 'yan ang gusto mo!" pasigaw kong sabi habang nakatingin kay Stacey na naglalakad palayo
Siya pa ang nagyaya sa'kin ngayon pero iiwan niya lang ako dito? Fine! After all, I'm nothing for her. Wala na akong pakialam kung iniwan niya ako dito. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko, duh! andami ko kayang pamasahe pauwi.
Umupo ako sa isang vacant bench habang kinakain ang cotton candy ko. Idinivert ko na lang ang atensyon ko sa mga taong nag-eenjoy dito sa amusement park habang unti-unting kinakain ang cotton candy ko. Lahat sila masaya. Yung iba kasama mga friends nila, at ang pinaka common dito ay ang mga pamilyang nagba-bonding ngayong weekend.
Napangiti ako habang pinapanood sila. Kahit paano, nabawasan ang inis ko kay Sevilleja. Tssk!
I'm having so much fun on watching people here, that I didn't notice the time. Halos isang oras na pala akong nakaupo dito, at seryoso, narealize ko na wala na talagang balak bumalik si Stacey dito. Talagang iniwan niya lang ako. Ang sama niya talaga, grabe!
"Uy, tingnan niyo 'yung mga tao doon! Tara, silipin natin!" sabi ng isang teenage boy sa mga kasama niya habang may tinuturo sa kung saan.
"Oo nga, parang ang saya! Tara!"
Napaisip ako kung ano ang pinag-uusapan nila, kaya dahil sa curiosity, sumilip ako sa direksyong tinuturo ng mga teenager. Ang daming tao na nagkakagulo at nagsisiksikan sa isang booth. Lahat sila nagsisigawan at nagtatawanan habang nakatingin sa isang tao and I'm not so sure what this person is doing but this someone really can get the attention of all people here.
Sinubukan kong silipin kung ano'ng meron, pero nagulat ako nang makita kung sino 'yung pinagkakaguluhan ng mga tao-walang iba kundi si Sevilleja ang terror boss kong basta na lang akong iniwan kanina.
"Grabe, ang pangkal naman nyan" bulong ng isang matandang babae habang pinapanood si Stacey na hindi matamaan ang lobo gamit ang darts.
Bakit ba siya naglalaro niyan? Hindi naman siya mahilig sa ganito.
'Yun ba ang dahilan kung bakit niya ako iniwan dun?
"I want to try more. Another 1,000 pesos," seryosong sabi ni Stacey sa lalaking nagbabantay sa booth.
"Alright!" sagot nito, sabay abot sa kanya ng bagong set ng darts.
"Maglalaro na naman siya?"
"Ang yaman siguro niya. Pangatlong beses na niya yan ehh."
"Dapat sumuko na siya, malas naman sya ehh."
Naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao sa paligid, pero parang wala lang 'yon kay Stacey. Ang focus niya, nasa laro lang.
Kitang-kita ko kung paano niya inayos ang pagkakahawak sa darts, seryoso ang tingin niya sa target. Natahimik ang lahat, hinihintay ang tira niya. Pati ako, parang kinakabahan bigla.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
"Awwts! Wala nanaman!" sigaw ng isang babae, at sabay-sabay na namang tumawa ang mga tao nang hindi na naman tinamaan ni Stacey ang balloon.
"Alam mo ate, nagsasayang ka lang ng pera mo, ipangdate nalang nating dalawa yan!"sabat ng isang bastos na teenager habang tumatawa.
Napakunot ang noo ko. I don't like the way this kid is talking!
Napayuko si Stacey, halatang naiinis na siya. Pero imbes na patulan yung bata, tahimik lang siyang kumuha ulit ng darts.
Hindi ko na napigilan. Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya bago pa siya makapaghagis ulit.
"Can I try this time?" tanong ko, may ngiti sa labi.
Nagulat siya sa ginawa ko, pero hindi naman siya tumanggi. Tahimik lang niyang ibinigay sa akin 'yung darts. Kinuha ko 'yon at pumwesto sa harap ng booth.
"Nag recruit pa ng isang pangkal!" narinig kong bulong ng bastos na lalaki.
"I'm not dumb! And please, shut up. I'm doing this for my beloved girlfriend, so unless gusto mong makita yang sarili mong lumulutang sa Manila Bay, better keep your mouth shut. Hindi ako nagbibiro," sabi ko
Tahimik siyang napalunok at umiwas ng tingin.
Good boy.
Huminga ako ng malalim at nag-focus sa target. Pumikit saglit, tapos inihagis ang dart-bull's eye.
"Wow! Eto pala yung magaling ehh!" sigaw ng isang babae habang pumalakpak.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang ako. Isa, dalawa, tatlo-lahat ng tira ko, tumama. Isa na lang, panalo na ako.
Bago ko ihagis ang huling dart, napangiti ako. Easy.
Tinira ko 'yon, and just like the others-boom! Pasok!
Nagpalakpakan ang mga tao, parang nanalo ako sa Olympics o something.
"Here! The stuffed toy cat that your girlfriend really liked," sabi ng lalaking nagbabantay sa booth.
Wait, girlfriend?! Napakurap ako. Did I just call her my girlfriend earlier?!
Hayst! Screw me and my big mouth!
"Thank you po!" sabi ko na lang, medyo namumula pa. Kinuha ko 'yung stuffed toy at humarap kay Stacey.
"Here, sa'yo 'to," sabi ko sabay abot ng stuffed toy.
"How could you play that for 3,000 pesos? Gusto mo ba talaga 'tong pusang toh?" tanong ko
Hindi siya sumagot.
"Hey Stacey, gusto mo ba talaga 'to?" tanong ko ulit.
"This is yours," biglang sagot niya.
"Huh?"
"I said, this is yours," ulit niya, sabay abot ulit ng stuffed toy sa akin.
"He-hey! At least ibigay mo naman nang maayos!" reklamo ko nang bigla niyang ihagis sa mukha ko 'yung stuffed toy.
"Bakit ko gagawin 'yon? You let me waste my money just because of that. Ingatan mo 'yan, okay? Ang hirap kayang kunin niyan," sabi niya, mukhang naiinis pa.
"Ayaw ko neto! Kamukhang kamukha mo yung stuffed toy oh, It just reminds me kung paano mo ako pinaghintay sa bench nang isang oras!" sagot ko, inis na tinuturo ang bench.
Natawa siya.
"Exactly! That cat looks like me, so you should treasure it just like how much you love your girlfriend," sabi niya, sabay kindat.
Napalunok ako.
"A-hm... I just told them that para lang tumigil sila sa pangha-harass sa 'yo! I-I didn't mean it!" paliwanag ko, hindi makatingin nang diretso.
"Awww, you're so loud and noisy Robles. Hindi ko na kailangang marinig 'yan," sabi niya, mukhang inip na habang tinatakpan ang tenga niya. Then, out of nowhere, hinawakan niya ang kamay ko.
"Let's just eat girlfriend. Gutom na ako," sabi niya casually, sabay hila sa akin palayo.
Tangina, ano yun?!
⋆⋅𖤓⋅⋆ ── End of Chapter 12 ── ⋆⋅𖤓⋅⋆
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



