Series 2: The Downfall pt. 6 [4/8]
06:41, 28 May 2020Credits to Vash Boulstridge who made this POV
Vash's POV
"Yo!" Rinig kong sambit ni Lee mula sa earpiece na gamit ko. May bahid na ngisi sa tono ng pagsasalita niya. Sigurado akong nasa control room na s'ya para ma-hack ang CCTV ng buong building.
"Status?" Tipid kong tanong habang nag-aabang para sumalakay na papasok.
"Paakyat ng 4th floor ang target mo Boul." Matapos niyang sabihin kung saang palapag ay maingat akong naglakad pasakay sa elevator. 'Wag lang sanang malasin.' Sabi ko sa isip ko.
Habang nasa loob ako ng elevator ay hinanda ko na ang baril na hawak ko. Chineck ko kung may laman ba ang amos nito. Glock 17, in 9x19. Low-weight with 17 rounds. Magandang klase ng baril para sa ganitong bakbakan. May natitira pang limang bala. Wengya! Kailangan ko atang magtipid.
Saktong pag bukas ng elevator ay binulaga ako ng tatlong kalalakihan. Pinaputukan ako ng isa sa kanila at mabuti nalang ay naka-ilag ako sabay paputok sa sintido ng dalawa habang ang isa naman ay sinipa ko ang hawak niyang baril dahilan para mabitawan niya ito.
"Tang'na! Kakasabi ko lang na wag sana malasin." Pupulutin pa sana ng n'ya ang baril ng pinaputukan ko rin siya diritso sa sintido niya.
"Gago ka Lee. Hindi ka man lang nagbigay abiso." Inis na sabi ko na sinagot lang ng tawa ni Lee. Tarantado talaga.
"North wing. May isang kwarto dun. Good luck, baka matuluyan ka haha."
"Gago!"
Dire-diretso lang akong naglakad hanggang sa makita ko yung kwarto na tinutukoy ni Lee.
"Boul, wala na akong mata sa loob. Binasag niya ang CCTV." Sambit ni Lee. Malas naman. "Ge."
Nang makarating ako sa mismong harap ng pinto ay pumusisyon na ako. Ng mabuksan ko ang pinto ng kwarto ay walang katao-tao kaya agad na akong pumasok. Pero sakto ring pagkapasok ko ng makaramdam ako ng presensiya mula sa likuran ko. Aatake na sana ako pero nahuli ako ng masipa niya ako. Tado! Minamalas talaga ako. Nakng!
"You think you can defeat me that easy, kid?" Ngising saad ni Larrineth Martin. Ang target ko.
Pupulutin n'ya sana ang baril na nabitawan ko ng matumba ako pero agad ko siyang sinipa sa kaliwang tuhod niya dahilan rin ng pagkatumba niya at sabay sipa ko na rin palayo ng baril sa kanya. Magaling na sniper 'to kaya mahirap na pag siya ang unang makakuha ng baril. Agad akong bumangon para sana lumapit at kunin yung baril ng hawakan niya ako sa kanang paa ko na ikinatumba ko ulit. Pinatungan niya ako at sinakal pero sinuntok ko siya sa tagiliran niya. Sigurado ako na basag ang buto niya dahil na rin sa lumuwang ang pagkakasakal niya sa akin kaya pinagpalit ko ang pwesto namin at ako nanaman ang nakapatong sa kanya. Mukha niya sana ang susuntukin ko pero naka-ilag siya kaya imbes na mukha niya ang sementong may carpet ang tinamaan ng kamao ko. Napangiwi naman ako sa impact ng ginawa ko.
"You son of the bitch!" Mura niya habang kumakawala sa pagkakapatong ko sa kanya. Ilang beses pa kami nagbatuhan ng suntok sa bawat isa kahit pariho na kaming nakatayo. Nginisihan niya pa ako ng makadistansiya sa akin at nakatayo malapit sa baril na nabitawan ko kanina.
"I think I'm lucky enough, idiot!" Sabi niya. Ngumisi naman ako ng may maalala ako.
"Hindi naman. Nag-exercise lang talaga ako." Sabi ko na ikinakunot ng noo niya. Kaya para masagot ang natatanong niyang mata ay binunuot ko mula sa holster sa jacket na suot ko ang X Lock Tactical at tinutukan siya ng baril.
"Any last words?"
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

![Dust Bones [Harry Styles]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/1198/conversions/a640cdb809d084e5d20475eedbf3c663.jpg)



