Fanfics

Series 2: The Downfall pt. 6 [2/8]

06:41, 28 May 2020

Credits to Uno Omorfos for making this part - Kiel

Jacob's POV

'Fourth floor'

'Yan ang nasa isipan ko habang pasimpleng naglalakad na parang anino na hindi nila mahahalata o makikita. Kapag sakaling makita ako, siguradong mamumukhaan agad nila ako. At sigurado akong kilala ng iilan ang pagmumukhang 'to.

"Ano na pre?" Tanong ko mula sa suot kong earpiece na naka-konekta kay Lampe.

"Ulol" sagot niya na bahagyang ikinatawa ko. Akalain mo nga naman, mukhang seryoso ata ngayon si Lampe pft.

"Malapit na ako," sambit ulit nito. Hindi na ako sumagot at naglakad patungo sa elevator para maka-akyat agad ako ng mabilis. Kailangan kong umabit dun ng hindi napapansin. Mahirap na at baka may makakita sa akin at mapapalaban ako, siguradong mahuhuli ako sa pag konekta sa system nila. Napatingin naman ako sa relos ko; may limang minuto pa ako, at dahil masyado ata akong swerte, heto ako kakaliko lang sa isang pasilyo ng bumungad sa akin ang limang kalalakihan. Anak ng--

"Sino ka?"

"Pre, bawal ka dito"

Saad nung dalawa

"Lee, mukhang bantay nila ang buong lugar" rinig kong saad ni Lampe sa earpiece.

"Alam ko" sagot ko kay Lampe. Mukhang walang dalang armas 'tong mga 'to, maswerte parin pala ako kahit papano. Hindi ko pa naman nalalagyan ng silencer ang dala kong baril.

"Aba't sumasagot ka pa." Sabi ng nakaitim na lalaki sabay lapit sa akin at susuntukin sana ako sa panga ng maka-iwa ako. Tanga, hindi naman siya kausap ko ba't biglang manununggab?

"Too slow," ngising sabi ko at ginantihan ito ng suntok sa batok na ikinawala ng malay niya.

Paanong hindi mawawala kung vital organ niya ang tinamaan ko. Mas maayos na rin 'tong mapatulog ng maaga ang mga 'to, para wala nang sagabal sa misyon ko.

Pagkatapos kong mapatulog ang isa nilang kasama ay sabay sabay silang sumugod sa akin na madali ko namang nailagan, pero dahil nga malas ako, ang swerte nitong naka-green at tinamaan ako sa mukha.

Tulog na ang apat at siya nalang ang naiiwan.

"Not that bad." Ngising kong sabi at agad inambagan ng isang malakas ng uppercut na dahilan ng pagkatulog niya.

"Ano ng nangyayari d'yan?" Tanong ko ng Lampe ng matapos ako sa pagpapatulog sa lima.

"Heto, pinagkakagulugan nanaman ang makarismang tulad ko. Ayos lang 'tol, kayang kaya 'to" tsk, walang pinagbago.

Itinago ko muna ang katawan nila sa cr ng babae. Mukhang ayos naman dun at hindi agad mahahalata dahil para namang walang babaeng trabahante dito.

Tumungo na agad ako sa elevator at napatingin ulit ako sa relos ko at meron nalang akong tatlong minutong natitira.

Kinukha ko na agad ang baril kong Glock 17 at Smith Wesson at nilagyan ang mga 'to ng silencer. Pero nasasa-ikatlong palapag palang ako ng building ng maramdaman kong huminto ito, sheyt naman. Wala pang silencer ang Glock 17 na hawak ko.

Bumungad sa akin ang tatlong kalaban. At agad umakmang bumunot ang mga 'to ng baril kaya inunahan ko na. At dahil dun, umalingawngaw ang putok ng baril na nakaagaw ng atensiyon ng iba pa.

Tang'na!

Agad na nagsibunutan ng baril ang iba pa. Pero bago pa man nila tuluyang mabunot ang mga baril nila ay pasara na ang elevator kaha nakatago pa ako. Kaso nakita ko mula sa glass wall sa kanang bahagi ang mga Leaders na nagsitayuan dahil siguro sa umalingawngaw na sunod sunod na putol ng baril. Takte.

Mabuti nalang at sumara agad ang pinto ng elevator dahil kung hindi ay baka mapapagastos ng karo si Lampe, kabaong si Lerwick at tinapay at kape si Boul.

Nang makaabot ako sa 4th floor, agad ko ng tinungo ang kanang bahagi ng at pinuntahan ang nag-iisang silid dito at walang pasabi sabing binuksan ito na ikinagulat ng tao sa loob.

"Tada!" Ngising sambit ko at itinutok ang Smith Wesson at Glock 19 na dala ko sa dalawang nagbabantay ng control room nila.

"Langya Lee, all clear." Rinig ko ulit na saad ni Lampe. Napatingin naman ako sa relos ko, 30 seconds left.

"Ge, stand by" sagot ko lang at inilabas ang dalawang laptop na dala ko, MSI GL 63 8RP 067 at ACER ASPIRE 5 SLIM. Ayos na 'tong dalawang 'to para sa pangha-hack at pang-download ng kailangan kong files.

Agad kong ikinonekta ang laptop ko sa hard PC dito.

"Ayos na. Roll call"

"I'm here" saad agad ni cass

"Husband here" sabi ni Lionhart matapos magsalita ni Cassandra.

"Meisha's here"

"Baby Mei-" naputol naman ang sasabihin ni Lerwick ng magsalita si Jerson

"Blood" tipid na saad

"Poging Lampe on the air"

"Bathalang Lerwick at your service"

"Boul, on eye"

Nice.

"Ayos na, Bossing."

------------------

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories