UNEXPECTED CONFESSION
15:09, 5 January 2022"Teka, ano na naman ba ang nangyayari dito?" tanong ko. "Nag-aaway na naman ba kayo?" tanong ko pa. Akala ko talaga magiging perfect ang araw na ito. Yun pala nagkamali ako. Mas lalong naging magulo at komplikado.
Para na silang hindi magkaibigan kung magkasakitan. Bakit kasi kailangang umabot ang lahat sa ganito?
"Stell, Ken at Justin, ayaw niyo talagang magpa awat? Bahala kayo" galit kong wika. Nagmadali na akong umalis. Uuwi na lang siguro ako at ayaw ko muna silang makitang tatlo.
"Athena, sorry" wika ni Stell. Huli na para sabihin niya o nila ang katagang iyan. "Stell, Ken at Justin, sobrang na disappointed ako sa ginawa niyo" umiiyak kong sagot. "Athena, sorry" pahabol pa ni Ken. "Please, wag niyo na lang muna akong kausapin" saad ko sabay nagmadali nang umalis.
Wala akong choice kundi gawin ang bagay na iyon. Gusto ko kasing marealize nila ang mga pagkakamali nila. Minsan napapaisip ako at napapatanong sa sarili ko.
"May chances pa kaya na bumalik kami sa dati naming samahan?". "Maayos ka kaya lahat nang ito?". Naghihintay parin ako sa kasagutan.
JOSH and ATHENA POV.
"Athena" saad ni Josh. Hindi ko na lang siya pinansin. Ayaw ko kasing ipahalata na naiyak ako. "Teka, athena, umiiyak ka ba?" pag-aalala niya. "Hindi josh, napuwing lang ako" depensa ko. "Athena, don't lie. May nangyari na naman ba?" tanong pa niya.
Gustuhin ko mang magsinungaling kay Josh pero alam kong hindi na lulusot yun. Alam ni josh kung hindi sko ok. Ewan ko kung sinasadya ba talaga nang tadhana na siya palagi ang nagko comfort sa akin. Always present kasi siya kapag ganito ang eksena.
"Josh, may hindi lang kami pagkakaintindihan nila Stell, Ken at Justin" sagot ko sabay buntong hininga. "Hindi nga ako nagkamali nang iniisip" malungkot niyang sagot. "Josh, don't mind us na lang" payo ko. "Athena, minsan napapaisip ako, bakit ba ganito mo ako itrato? Compare kila pablo, ken, stell and justin" emosyonal niyang tanong.
Heto na naman kami sa puntong ito. Wala akong magawa kundi manahimik na lang.
"Athena, answer me, is there anything wrong happen here?" tanong pa niya. "Ba-bakit kailangan ganito lagi kalayo ang agwat natin sa isa't-isa?" tanong pa niya. "Josh, alam mong hindi ko masasagot ang bagay na iyan" umiiyak kong wika. "I'm sorry" mahina kong wika.
Hindi pa talaga tamang panahon para malaman ni Josh. Ayokong mas lalong gumulo. Kung kailangan magsinungaling at itago ko, gagawin ko. For the sake of our friendship.
"Athena, alam mo naman siguro na mahal na mahal kita" saad pa niya. "Josh, alam ko ang bagay na iyan" sagot ko. "Yun naman pala ei, ano bang pumipigil saiyo na mahal rin ako pabalik?" umiiyak na tanong ni Josh. Talo ako kapag ganito ang eksena. Ayaw ko nang patagalin pa anpausapang ito.
Kailangan ko nang magpalusot. Para matakasan ang eksenang ito. "Josh, kailangan ko nang umuwi. Wala namang patutunguhan ang pag-uusap nating ito" saad ko. "Athena, please sagutin mo naman yung tanong ko. Iiwan mo na naman ako sa ere" sagot pa ni Josh.
Hindi ko na lang siya nilingon pa. Nagmadali na akong naglakad kasabay nun ay ang walang tigil na pagtulo nang mga luha ko. "I'm really sorry josh, mahal din kita pero" bulong ko sa sarili ko. Hindi pwedeng mangyari ang iniisip mo, ayokong maging selfish.
Pagkakamali bang magmahal? Gustuhin ko mang mahal si Josh pabalik hindi ko magawa. Kasi masasaktan ko sila Stell, Ken, Pablo at Justin.
*/FLASH BACK
PABLO and ATHENA POV. "Pa-pablo? A-anong meron? B-bakit ang daming flowers?" tanong ko. "Athena, lahat nang kantang sinusulat ko ay para talaga saiyo. Athena, ikaw yung pinag-aalayan ko nun" emosyonal na sagot ni Pablo. "Pablo, sa akin? What do you mean?" pagtataka ko.
Tinitigan ako ni Pablo nang kakaiba, kasabay nun ay ang paghawak sa aking kamay.
"Athena, i like you" emosyonal niyang wika. "A-ano?" gulat kong tanong. Halos di ako makagalaw. "Se-seryoso ka ba?" tanong ko pa. "Athena, marunong ba akong magsinungaling? Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" natatawa niya pang tanong. "Pa-pablo, pe-pero bakit ako?" utal kong tanong.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa bagay na inamin niya. He likes me but were just friends.
"Athena, puso ko na mismo ang pumili. Hindi ka naman mahirap mahalin. Mag-iilang taon na rin akong may gusto saiyo. Sana bigyan mo ako nang pagkakataon. Papatunayan ko lahat" dagdag pa niya.
"Pero, pablo" putol kong wika. Bigla niya kasing tinakpan ang bibig ko. "Ayoko nang marinig ang bagay na iyan. Basta gagawin ko lahat para iparamdam saiyo na totoong gusto kita" saad pa niya.
Mas lalong hindi na ako nakasagot. Halos mautal ako sa mga sinabi niya. Ayokong masaktan si Pablo, pero, kasi, kaibigan lang talaga turing ko sa kaniya. Iba talaga ang nakakuha nito.
STELL and ATHENA POV. It's stell birthday. Hindi ko alam kung bakit sa ibang venue place niya ako dinala. Sobrang romantic dito. Hindi koa alam kung anong pakay niya. Wala talaga akong ideya.
"Stell, saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Hindi mo pa ba tatanggalin ang blind fold ko?" tanong ko pa. "Athena, malapit ma tayo" stell answer. "Wala kang dapat ikatakot, hawak kita, hindi ka mahuhulog sa iba" sagot pa niya. Bigla akong napahinto.
Kung talagang nakikita ko lang siya baka nabatukan ko na naman siya. "Stell, napaka mo talaga" pikon kong wika. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit na kailan hinding hindi ako mafo fall sa kaniya.
"Alam mo, athena, ikaw hindi ka parin nasanay sa athena" natatawa niyang wika. Kahit nakablind fold ako nakikita ko parin ang mga ngiti niya. Ilang saglit pang paglalakad...
"Nandito na tayo, athena" saad pa niya. Kasabay nun ay tinanggal na ang blind fold ko. Hindi ko inaasahan ang makikita ko. "Stell, anong ibig sabihin nito?" tanong ko pa. Gulong gulo talaga ako.
"Athena, i'm in love with you" emosyonal niyang wika. "Stell, hindi nakakatuwa yan, wag kang nagbibiro nang ganiyan" sagot ko. "Athena, i'm serious. I'm in love with you" sagot pa niya.
Hindi ko rin inaasahan na pati si Stell, sasabihin sa akin ang bagay na ito. Mas lalo akong nahihirapan at naguguluhan. Silang dalawa parehas na mahalaga sa akin, pero ayoko silang saktan. Pa'no ka ba sasabihin sa kanila na "WERE JUST FRIENDS?".
TO BE CONTINUE...
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





