Fanfics

INTRODUCTION

03:00, 2 January 2022

  Sabi nila ang pagkakaibigan ang mahalaga sa lahat nang bagay. Pa'no isang araw pwedeng masira yun nang dahil sa isang pangyayaring hindi inaasahan? Maisasalba pa nga ba ang pagkakaibigan ilang taon binuo?

Hi my name is Athena, 19 years old. Masasabi kong napakaperfect nang buhay ko. Bukod sa meron akong mapagmahal at supportive na pamilya. Meron rin akong limang lalaking kaibigan.

Sa totoo lang, simula pagkabata magkakaibigan na talaga kaming lima. Kilalang kilala na namin ang bawat isa. Hayaan niyo muna akong ipakilala ang limang kaibigan ko at prinsipe nang buhay ko.

PABLO and ATHENA POV.   Sisimulan ko ang pagpapakilala kay

Pablo, ang kaibigan kong ubod nang sungit. Ewan ko ba, sa kanilang lima siya ang kakaiba. Ayos lang mahusay naman siya sa pagsusulat nang mga kanta.

"Hi Pablo" saad ko. Nandito na naman siya hawak ang papel at panulat niya. "Ikaw pala, athena" sagot ni pablo  "Maupo ka muna" dagdag pa niya. "Sige" pauna kong wika. "Pablo,  anong ginagawa mo?" patay malisya kong tanong. Alam ko naman na talaga ng ginagawa niya. Wala lang trip ko lang mang-asar.

Heto na naman ang mga tinginan niya, senyales na pikon na siya. "Pablo, ayaw ko nang ganiyan tingin" pagbibiro ko. "Kaasar kasi ang tanong mo" masungit niyang sagot. "Hay naku pablo, kaya palagi kang inaasar ei, pikunin ka kasi" saad ko pa. "Ewan ko saiyo" sagot pa niya.

Oh diba, napaka sungit at pikunin talaga niya. Kaya palagi naming siyang pinagkakaisahan. Kahit na ganun, kapag naman may nasusulat siyang kanta sa akin niya unang pinaparinig.

Sobrang humahanga ako sa galing niyang magsulat. Number one supporter na niya ako. Ay mali siyempre lahat kami.

STELL and ATHENA POV.   Siyempre, kung may masungit may ubod din nang sweet. Nakakadala na kaya siya minsan.

"Athena, bat 'di mo sinabi sa akin na dadalaw ka" paunang wika niya. "Hay naku, hindi ka pa nasanay sakin" natatawa kong sagot. "Para sana ipinagluto kita nang paborito mong pagkain" saad pa niya.

"Hoy, ikaw talagang lalaki ka. Wag ka ngang ganiyan. Gusto mo mahampas?" saad ko. "Ayos lang, alam ko naman may kasamang pagmamahal yan ei" sagot lang niya.

Meet Stell, diba napakasweet niya. Kaya maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya ei. Halos araw-araw hindi nababa sa limang babae nagpapatulong sa akin.

Siyempre bilang kaibigan ni Stell, hindi ako nanghihimasok pagdating sa ganiyan. Ayokong diktahan ang puso niya. Kaya nirerespeto ko na lang siya. Kahit na ganun siya kasweet hinding hindi ako mafo fall sa kaniya.

JOSH and ATHENA POV. "Athena?" tawag naman sa akin nang kaibigan kong gamer. "J-josh" utal kong sagot. "Hep, hanggang diyan ka na lang" sigaw ko. Papalapit na naman kasi siya sa akin. "Akala ko pa naman maiisahan na kita, what i mean is makakalapit na ako" natatawa niyang sagot sabay kamot sa ulo. "Akala mo lang yun" sagot ko.

Sa kanilang lima, si Josh lang talaga ang hindi ko pinapalapit sa akin. May malalim kasi akong dahilan kung bakit kailangan kong gawin yun. Gustuhin ko man siyang yakapin o kaya naman lapitan. Hindi ko magawa.

"Athena, bakit ba kailangan ganito palagi kalayo ang pagitan natin sa isa't-isa? Magkaibigan naman tayo" tanong niya. "Josh, darating ang araw na malalaman mo rin at masasagot ko rin yang tanong mo" sagot ko lang. "Sa ngayon, ganito muna tayo" dagdag ko pa. "Sige" pagsang-ayon ulit niya.

Alam kong hanggang ngayon isang malaking palaisipan parin kay Josh kung bakit ganito ko siya itrato. Wala ei, kailangan ko talagang gawin ito. Hindi pa kasi tamang panahon para malaman niya. Masyado pa kasing komplikado sa mga oras na ito.

KEN and ATHENA POV.   Maiba muna ako, siyempre hindi mawawala sa magkakaibigan ang palaging may sariling mundo. Ganiyan na ganiyan ang kaibigan kong si Ken.

"K-ken?" sigaw ko. Ang layo na naman niya sa amin. "Bakit athena?" sagot naman niya. "Halika nga dito, sumabay ka na sa amin" aya ko. "Athena, sige na mauna na kayo. Mamaya na lang ako" sagot niya.

Ikaw talaga ken. Palagi ka na lang may sariling mundo. Halos lahat kami nagkakatuwaan na at kumakain na, ikaw nakatutok parin sa cellphone mo. Kakaiba ka talaga sa amin.

"Bahala ka nga diyan. Wag mo akong kakausapin mamaya hah" sigaw ko pa. Alam kong kapag sinabi ko na iyon, hindi na siya makakatanggi. "Ok fine, papunta na ako diyan" sagot niya. Diba, alam ko ang kahinaan niya. Kapag ako nagsalita nang ganiyan, tiklop na siya.

JUSTIN and ATHENA POV.  And lastly ang pinaka corny kong kaibigan si Justin.

"Athena, may knock knock ako" panimula niya. "Jusko nagsisimula na naman siya" mahina kong wika. Bigla siyang napatingin sa akin.

"Ang panget mo talaga kabonding, athena" naiinis niya pang wika. "Ito naman hindi mabiro, who's there?" depensa ko. "Pinya" sagot niya. "Pinya? Who?" tanong ko naman. "Ikaw ba si Pinya? Yung PINYA kilig pero di inibig?" natatawa niyang sagot.

"Aray naman" sagot ko. "Ang pasmado nang bibig mo, Justin" dagdag ko pa. "Mabenta ba?" tanong pa niya. "Di lang mabenta, sold out pa, tagos hanggang buto" sagot ko.

Sa totoo lang, minsan rinding rindi na kami sa kacornyhan ni Justin. Minsan nga, kahit di nakakatuwa, tumatawa na lang kami, para ipakita na support parin kami kahit corny na talaga siya.

Sila ang limang bestfriend ko. Sa totoo lang, our friendship is perfect in first, pero ngayon para na kaming may virus, kung kalayuan ang bawat isa. Sobrang nakakamiss yung unang pagsasamahan namin. Ayoko nang ganito.

  Ngayon napagtanto ko, posible palang masira ang friendship na matagal na nang pinagsamahan, dahil lang sa isang pangyayaring hindi inaasahan. Sana maayos pa ito, yung bumalik kami sa dati.

           TO BE CONTINUE...

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories