CHAPTER THREE
09:59, 27 March 2022"Bea? Davin?! Davin apo ko?!", Agad na akong napangiwi ng marining ang malakas na tili na yun ni mom,nilingon ko si Kuya sa gilid, surprise pala ha.
Ngumiti ako at kumaway sa kaniya. Napatingin ako kay Daddy na nasa tabi lang ni mom habang nakangiti rin ng matamis samin. Si Kuya naman as usual nakangiti ng pilit. Ng makalabas ng gate ay agad akong sinabulong nina dad. He carried Davin at agad na hinalikan sa noo. Lumapit din siya sakin at hinalikan din ako sa noo.
Si Kuya naman ang kumuha ng mga luggage namin,napangiwi pa ako ng makita si Mom na nasa isang gilid na para bang kumukuha ng tamang angle if I know she's filming us again para sa IG story niya.
Nilanghap ko ang hangin ng Pinas,well.. it's good to be back.. for now.
Agad din kaming pumunta sa kotse dahil tulog si Davin at medyo pagod din ako. Ng makaupo ako sa backseat ay tumabi agad sakin si mom.
"So how's my Bea?". She asked as she gently touch my head down to my cheeks.
This is the feeling that I missed for a long time,I'm a daddy's girl but when mom does this to me it's the best. Hinilig ko Ang ulo sa balikat ni mom at pumikit.. feels good.
"I'm fine, we're fine not until pinauwi ako ni Kuya cause di daw kayo okay ni Dad?", Sagot ko sa tanong ni mom habang nakapikit pa rin.
"Haha parang napipilitan ka lang atang umuwi eh,alam mo ba anak medyo di nga kami okay ng dad mo kasi siya eh.. nakakainis pero kanina when your Kuya told us to accompany him at the airport doon ako kinausap ng dad mo. Buti nalang talaga medyo chismoso ang dad mo dahil kinausap Niya ako para tanungin kung para saan ang lakad namin hindi ko din naman alam pero medyo napahaba-haba kasi ang kwento namin kaya ayon when we arrived at the airport okay na kami". Mahabang kwento naman ni mom.
"Hmm so blessing in disguise pala tong uwi ko eh", asar ko sa kaniya.
"Yep blessing nga ata to,anyway Buti naman at napilit ka ng kuya mo noh? I miss Davin na rin kasi".
"Yeah.. we miss you too". Sagot ko habang antok na antok na talaga ako.
"You're daddy too anak,he misses you two sabi nga niya sakin,samin ng Kuya mo we should visit you at California before the opening baka daw mapilit ka niyang umuwi".
I can't help to feel guilty all of a sudden. I thought, do I took every time I have for myself? Kuya's right my family needs me.
"Well... I guess he doesn't have to do it since I'm here na". Pilit ang ngiting sagot ko kahit di naman nakikita ni mom.
Hindi ko na alam ang pinagsasabi ni mom after non dahil talagang hinihila na ako ng antok,medyo nagising lang ako ng kumilos si Mom dahil nakahilig ako sa kaniya ramdam ko.
"Naku Elmer halikana nga dito,di pa ba kayo tapos jan? Bigay mo na si Davin sakin masyado mo ng sinosolo ang apo ko ah". I heard mom saidl,sa pagod ko hindi ko na naasikaso si Davin,his with dad though at ayaw naman siya ibigay ni Dad ng kukunin ko na.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse.
"Oh? You're taking good care of our baby girl already . Sakin nalang muna si Davin,he's sleeping sa frontseat nalang kami". Ani dad.
Napangiti nalang ako,at the end of the day I'm still the baby girl .
Sa bahay kami agad dumiretso dahil gusto ko na talagang magpahinga,pero naagaw ng pamilyar na daan ang atensyon ko. Our Village, the place where i grew up at nagpamulat sakin ng buhay. I missed this so much,the trees were the same though bagong trim ang iba. Ang nagtataasang gate ng mga kapitbahay namin is still the same. And our house.. halatang bagong pintura lang ito, everything is still the same,walang pinagbago.. now this is home.
Bumaba na kaming lahat at agad kaming sinalubong ng mga kasambahay namin.
"Welcome home ma'am Bei". Bati nila sakin.
"Thank you ates".sagot ko din sa kanila.
Pumikit ako, memories flashes back... my childhood,teenage years. Teenage lang hanggang don lang ako eh. Nagmulat ng maramdaman kong may biglang tumalon sa paanan ko,nang magmulat ako..
George and Philip!! Babiess
Patuloy lang sila sa pagtalon sa legs ko at didilaan ang mga kamay ko,kung hindi lang ako balanse baka natumba na ako.
"I miss you babies",sabi ko habang hinihimas ang mga ulo nila. They kept on jumping so I went on my knees and play with them..
Pero maya-maya lang ay kinuha din sila ng care taker,tumayo naman ako para maglinis ng kamay ng matapos ay agad din akong sumunod kina mom dahil nauna na silang pumasok,ganon na Lang Ang gulat ko,namin ng biglang may sumabog na coffetti sa harap namin.
"WELCOME HOME BEA!!",sabay-sabay na sigaw nilang lahat.
Napaawang ang labi ko ng makita ang mga malalapit kong kaibigan na nandoon at nakangiti sakin.
Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ng iyak ni Davin,napabaling ang tingin ng halos lahat sa kaniya,ang kaninang nakangiti nilang mga mukha ay napalitan ng gulat at pagtataka.
Hawak ni Dad si Davin,pilit Niya itong pinapatahan pero ayaw.
"Mi! Mi! *Cries*".
Agad akong lumapit sa kaniya at kinuha siya kay dad.
"Shh mommy's here Davin".mahina kong bulong sa kaniya.
Tiningnan naman Niya ako agad tumahan.
"Mi mik". Aniya at yumakap sa leeg ko.
"Yes baby we'll drink mik". Sagot ko rin sa kaniya habang hinihimas ang likod Niya at sinasayaw siya ng bahagya.
I heard gasped from my friends. May ibang nagbubulungan pa.
"Hmm guys na busy na ata ang balikbayan kaya Tara kain muna tayo?what do you guys think?" Ani Deanna na ipinagpasalamat ko.
Agad namang nag-agree ang lahat,kaniya-kaniya silang pwesto sa living room namin. Ako naman ay agad na pumunta sa kitchen.
Nandoon na pala ang gatas ni Davin,kaya mabilis akong nagtimpla ng milk niya at agad siyang pinainom. Sinasayaw ko din siya ng mahagya. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mga yabag sa pinto ng kitchen pero walang pumasok.
"Eh sabi ko nga ba eh,Bea is up to something talaga non". Nakangiti akong umiling ng marinig ang bulong na iyon ni Ponggay.
"Oh? Bat di ko napansin non? Akala ko lang nagbreak sila ni Thirdy kaya siya umalis.. para alam mo yun magmove on?". Sagot naman ni Kianna.
"Duh hindi ka naman taga-Ateneo so malamang di mo knows yun". Narinig kong sagot ni Kat.
Umiling lang ako habang sinasayaw pa din si Davin,maging si Davin ay doon din nakatingin sa pinto dahil malamang rinig din Niya ang bulongang yun.
"Tss manahimik na nga kayo pwede ba? We need to talk to her". Ani Deanna
"Tss sa ingay ng mga to sa tingin mo di pa tayo narinig ni Bea?", Sure akong nagtataray na naman si Maddie.
Nagpanggap akong busy Kay Davin ng bumukas ang pinto,ng balingan ko sila ng tingin ay nakapasok na silang lahat. Nakangiti si Kianna habang nanlalaki ang mga mata ni Ponggay,si Kat naman may tipid na ngiti lang,si Deanna nakangiti ng bahagya at naka-peace sign pa,si Maddie naman ay mataray na nakatingin sakin.
"Hmm hi?". Bati ko sa kanila habang hawak pa rin si Davin.
Bumaba ang tingin ko kay Davin ng itaas niya ang Wala ng lamang feeding bottle niya,kinuha ko yun at nilapag sa lababo. Tahimik lang na nakamasid ang mga kaibigan ko.
Bahagya siya gumalaw paharap sa mga kaibigan ko,nakita kong mas nanlaki pa Ang mga mata ni Ponggay.
" ai.." Ani Davin na nag-Hi sa kanila,kumaway pa siya.
"Ahh cuteeee". Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko,maliban Kay Maddie.
Agad na lumapit si Kianna sakin.
"Bea! Ang cute naman niya.. pwede pahawak?", Tipid akong ngumiti sa kaniya habang inaabot si Davin.
Wala pa nga 3 seconds na hawak Niya si Davin ay umiyak na ito,kukunin ko na sana pero..
"Ayy bigay mo sakin,baka tumahan". Ani Ponggay na agad inabot si Davin,pero umiyak pa din.
"Akin na nga". Ani Deanna pero ganon pa rin.
"Hmm me? Let me try ". Ani Kat pero mas lumakas lang ang iyak ni Davin,naawa na ako sa anak ko.
"Try mo Mads".Ani Deanna
Agad kaming napatingin Kay Maddie,nakatingin lang siya Kay Davin habang may malambot na ekespresyon ang mukha. Tumingin muna siya sakin bago Kunin si Davin Kay Kat. Nabigla ako ng biglang tumahan si Davin at hinaplos ang mukha ni Maddie,nakangiti si Maddie Kay Davin at isinayaw-sayaw ito.
"Hi I'm tita Maddie".Ani Maddie at nilaro ng daliri niya ang pisngi ni Davin.
"I'm Tita Ponggay,pongs kung gusto mo at Pauline kung mataas ang respeto mo sakin".
"I'm Tita Kianna cutie baby".
" I'm shy HAHAH I'm Deanna Wong,little boy".
Sunod-sunod nilang pakilala,si Davin naman ay matamang nakikinig na akala mo naman naintindihan niya.
"He's Davin Forth De Leon ", sabi ko sa mabababg boses habang nakatingin Kay Davin.
He smiled at me.
"Oh? He knew his name ang cute cute". Ani Kianna at nilaro-laro si Davin.
"Oo nga ang cute niya". Sabat naman ni Kat
"Pero in all the fairness sayo Maddie Madayag sayo lang talaga tumahan ang bata kahit na mukha kang madzilla ha". Biglang ani Ponggay
Napatingin naman ako kay Maddie at nagtama ang paningin namin. Nginitian ko pero isang pilit na ngiti lang ang ginanti niya,di ko maiwasang masaktan.
Maya-maya pa
"Bea,if you don't mind me asking.. bakit di mo sinabi samin before?".panimula ni Kat.
Napalunok ako bago isa-isa silang tininingnan. Nandito na kami ngayon sa living room,ang iba kong mga kaibigan ay umalis na din matapos makipag-usap sa kin kanina. Tanging sina Maddie nalang ang naiwan. Huminga muna ako bago magsalita.
"Nung nalaman ko kasi yun it was the time when we started our journey sa Volleyball,with the frustrations and problems na kinakaharap natin non ayoko ng dagdagan pa Ang problema niyo". Sagot ko at tumungo,I feel bad dahil feeling ko walang kwenta sa sagot ko.
"But we're friends Bea,alam mong we won't mind it. Ang masakit lang kasi Bea kasama ka naming nangarap at nagsimula pero iniwan mo kami sa ere,sa gitna without saying anything". Puno ng tampo ang boses ni Maddie.
I looked at her,nag-iwas siya ng tingin pero nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya.
"Nag-alala ako Bea,Akala ko ba partners tayo? Akala ko malalim na Ang connection natin para e share mo sakin Ang problema mo,nakakatampo ka Bea at talagang hindi ka nagparamdam ha,si Jho lang ang binati mo nung birthday Niya eh dumaan din naman ang birthday ko ah". Patuloy niya.
"Ate Bea sa totoo lang naiinis din ako sayo,kasi nung isang araw okay ka naman kayo ni Thirdy tas bigla ka nalang mawawala? Ano yun?". Ani Deanna at nag-iwas din ng tingin.
Hindi ako makasagot,Akala ko naihanda ko na Ang sarili ko para dito, hindi pala,all I could do is to feel guilty. Ang sama kong kaibigan. I feel really bad , pero kasi.. I don't know anymore. I deserve these words though,I know I am at fault.
" And ang mas nakakainis is you hide this cute little boy sa amin". Sabat naman ni Kianna,napatingin ako sa kaniya at nakitang nilalaro na niya sa Davin,naglalakad-lakad na ito.
" I know you have reason Bei,I won't say anything kasi I am not at your shoes though nag-alala din ako for you". Ani Kat na ang paningin ay naka'y Davin din. Halos lahat ng atensyon nasa anak ko.
" Tss ano ba kayo!? Ang improtante she's here,baby Cutie is here. Saka Mads talagang ang greetings lang ang concern mo ha,bumati naman kami". Ani Ponggay kaya napatingin kamibg lahat sa kaniya,nakita ko namang inirapan siya ni Maddie.
Agad din siyang natigilan at lumunok bago tumawa.
"Look guys,I know you all feel bad about Bea leaving but.. what can we do about the past? Wala naman diba? Can we all just focus on the present? Kasi para sakin ito ang importante,ito ang dapat natin e cherish". Patuloy niya,hindi ako makapagsalita. Nagmature na Ang ray of sunshine namin.
"Naks naman na memorize mo pala yung script pongs? Galing mo ah". Biro ni Deanna,nakikita niya kasing nagiging emosyonal na kami.
"Oo naman ikaw lang eh,Wala kang bilib sakin". Ganti din ni ponggay,at pasimpleng pinunasan ang mata.
Nanahimik kami ng matapos niyon,nakikiramdam sa isa't- isa. Hanggang sa lumapit sakin si Kat at niyakap ako ng mahigpit,nagsunod-sunod na sila Hanggang sa mag-group hug na kami. Mahigpit halatang namiss ako ng mga kupal.
" Mi! Me! " ,Bumaba ang tingin namin Kay Davin na tinuturo ang sarili habang nakataas ang kamay na animo'y sasali sa group hug. Nagtawanan pa kami bago namin siya isinali. So I guess.. my friends are back.
Huminga ako ng malalim alam kong sooner or later magtatanong na sila about Davin.
"Nga pala Bea,,alam ba ni Thirdy?". Biglang tanong ni Kianna,halos maibuga ko ang juice na kakatunga ko palang. Nagsitayuan naman ang mga kasama namin,ayaw mabasa.
"HAHA grabe,sige wag mo ng sagutin gets ko na". Aniya at may mapang-asar na ngiti.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumunok at nagtaas ng tingin sa kaniya.
"He.. knows" . I honestly said,nagsibalikan naman ang mga kaninang tumayo.
"He what?". Ani Kat
"Luh totoo ba ate Bea?". Si Deanna
"Weeh?", Ani Kianna halatang ayaw maniwala.
"Ikaw ayaw mo magreact?" Tanong ko Kay Maddie.
"Nah,hindi naman ako OA eh". Mataray na ani Maddie.
"Luh nagreact lang OA na agad? Ang sama ng ugali mo Maddie ha". si Kianna
"Alam niya? Sure ka ba Bea? ". Paniniguro pa ni Ponggay.
Tumango ako
"Luh eh bakit may Julia?" , nagtatakang Ani Kat
Huminga muna ako.
"Alam niyang buntis ako non but he doesn't know na sa kaniya".
"What? But I'm sure sa kaniya si Davin di ba? I mean look at this face!". Ani Maddie na pinisil pa Ang pisngi ni Davin na ayaw na ata humiwalay sa kaniya.
"Nah,kamukha kaya ni Ate Bea". Kontra ni Deanna.
"Yes Bea nga mukha pero yung kulay ng balat? Halatang Moreno si Davin eh". Ani Kianna
"Hmm yeah kianna's right". Kat
"Oh bakit di niya alam Bea? Don't tell sinabi mong sa iba si Davin?". Si Ponggay
Tumango ako
"What? Pinalabas mong nagcheat ka? For what? Tanga lang ang maniniwala na magchecheat ka Bea". Kianna
"Oh?edi tanga si Thirdy kung ganun?" Si Deanna naman
Huminga ako ng malalim,I need to do this.
" When I found out about Davin,we are on our way to start our journey sa Volleyball same na din sa college. Ganun din sina Thirdy non,he was so determined to do well sa basketball at ayokong sirain yun. Alam kong hindi yun masyadong valid na reason,hindi ko na dapat sasabihin sa kaniya pero.." huminga ako ng malalim.
"Nalaman Niya eh,napaamin ako. It was okay though,may plano na talaga kami ng pamilya ko na aalis na ako. Nung malaman ni Thirdy mas naging mabigat ang rason ko para umalis. Handa siyang talikuran ang European League para sakin. You kow how much he worked for it at ayokong sirain yun kaya pinalabas kung hindi siya ang daddy ni Davin,so he won't chase me,he should chase his dreams.. " halos hindi ko na maituloy ng sunod- sunod na bumagsak ang luha ko.
Lumapit sakin si Kat
"Hindi pala ganun kadali yun, the moment I saw him cry feeling ko sinaksak ako,dinaganan ang puso ko,it's so painful... But I have to .. I need .. so I did". Napayuko ako at napahagulgol
Naramdaman ko ang yakap ni Kat sakin,patuloy lang ako sa pag-iyak ng lumapit si Davin sakin at kumadong.
"Mi luv yoo". Aniya at hinalikan ang mga mata ko.
Mas napaluha ako.
"Wala naman nagsasabing hindi Valid ang reason mo Bea,Ikaw lang ang makakapagsabi kung ano ang value ng ginawa mo,but isn't it unfair on your side? Naging unfair ka kay Thirdy dahil nagsinunggaling ka, unfair din sa sarili mo dahil naghirap ka". Si Maddie,I know Maddie's right.But I can't say anything but to cry.
Ilang minuto din akong ganun Hanggang sa natigil din ako sa pag-iyak.
" Tss sorry about that guys". Nahihiya kong sabi.
"Sus okay lang yan". Ani Kianna
"Basta Bea,please no secrets na ha,let Davin be your last one,sana magpromise ka". Napatitig ako kay Maddie.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango,yes Davin will be the last secret and no more.
Ngumiti din siya sakin at agad akong niyakap.
"My partner's back". Sabi niya habang nakayakap pa din sakin.
I tapped her shoulder.
"Welcome home Beadel!!" Sabay-sabay naming sabi,it felt good to actually welcome yourself home.
"Nga pala nasan si Jho? " Tanong ko maya-maya
"Ahh pupuntahan daw si Dani eh".
Magsasalita na sana si Kat ng tumunog ang phone ni Ponggay.
"It's Dani nagtext nasan daw tayo?" Si Ponggay
Tumingin silang lahat sakin ngumiti lang ako sa kanila.
"Sige itetext ko--".
Nagring na ng tuluyan ang phone niya.
"Uy tumatawag si Dani". Tarantang Ani Ponggay.
"Tarantang- Taranta Pongs?" Pang-aasar ni Deanna
Tumingin ulit sakin si Ponngay.
"Answer it". Sagot ko at ngumiti.
Sinagot ni Ponggay ang tawag at en-on speaker...
"Ate Pongs!" Bati ni Dani sa kanilang linya.
"Oh hello Dans, what's up?" Sagot ni Ponggay,walang nagsasalita samin lahat nakatingin sa phone na akala mo lalabas ang mukha ni Dani.
"Hmm where are you? Kasi need ko ng help mo!".
"Hm I'm somewhere down the road eh, pero anong tulong ba need mo?". Si Ponggay,di ko mapapigilang mapangisi kahit kailan talaga.
"Need ko ng help kasi si Kuya gusto na niyang magpropose Kay Ate Julia!". Tili ni Dani
Pero nabingi ata ako,ang lakas ng tibok ng puso ko na akala ko lalabas yun sa dibdib ko. Nag-ijnit ang mukha ko,I don't like this feeling. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko.
"Propose?" Wala sa sariling tanong ni Ponggay sakin nakatingin.
" Oo, as a girlfriend na niya alam mo yun? They're dating pa naman kasi and Kuya wants to make it official so nanghihingi siya ng help".
Narinig ko ang malalim na paghinga ng nga kasama ko,parang mga nakahinga ng maluwag at maging ako man,ewan but I felt relief.
Pero kasabay paghinga ko ay siyang pagtulo ng di ko namalayang mga luha, nabasa kasi ang kamay ko. Huminga ako ng malalim,nakita kong nakatingin silang lahat sakin.
"Di pa pala ubos luha ko kanina,lol". Biro ko,but I knew better, they knows, we all do.
Girlfriend..
•••
detdeleon 2 hrs ago.
*Video* And my babies back..
She's back,Bea' s Back .
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko,it's her standing near her dad and Kuya. She's so beautiful,nakangiti siya sa daddy niya...na may hawak na baby.Tinitigan ko ang bata and that's when I realize it's Bea's Son. Kamukhang-kamukha niya ito ang pinagkaiba lang nila ay ang kulay halatang moreno ang bata.Biglang nagzoom in sa mukha ng baby,hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng sakit instead, nakaramdam ako ng paru-paru sa tiyan ko at ang sarap niyon sa pakiramdam. Knowing that his not mine and Bea had him when we are still together hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng galit,I should be right?
Agad na kumunot ang noo ko,why feels this way Thirdy? Maybe because of Bea? Do I still love her? Mahal ko pa rin ba? I don't know..But.. I think she's already happy with what she have maybe she is with that baby' dad,sino kaya ang daddy ng baby ang swerte naman Niya for having Bea and that Baby. I look at her again and this time the video has a great angle kay kitang-kita ko ang ngiti niya,nabaling ang tingin Niya sa Camera,maybe she's looking at tita Det. Natawa ako,same old Bea ang kunot ng noo niya noon kapag inaasar ko siya at ang kunot ng noo niya ngayon is still the same.
She's still the same though medyo nagkalaman lang siya at medyo short hair din siya,she's still beautiful as always. Natapos na Ang vid kaya nalipat na sa ibang IG story,ililipat ko sana ng makitang IG story yun ni Kianna,and it's Bea again, boomerang iyon ni Bea habang pumapasok at nagulat dahil sa coffetti,magugulatin pa rin. Ang isang story naman ni Kianna ay isang Bata,napangiti ako ng makitang anak yun ni Bea. Naglalakad-lakad ito at pilit namang sinusundan ni Kianna para e video kaya nagtago ito sa gilid ng sofa, natawa nalang ako ng parang ginugulat Niya si Kianna.
"Abu! Abu! " Anito at humahagikgik. Natawa nalang din ako. He's really cute,nawawala din ang mata niya kapag tumatawa.
Patuloy lang ako sa kakanood ng mga stories pero inulit-ulit ko iyong kay Kianna dahil ang cute talaga ng anak ni Bea.
"Kuya! May plano na ako para sa proposal mo kay ate Julia!", Ani Dani na tumatakbo papunta sakin, napatitig lang ako sa kaniya but I don't feel anything,bakit di ako excited? Bumaba ang tingin ko sa phone,nagpiplay pa rin ang story ni Kianna kaya nanuod nalang ulit ako not minding Dani whose telling me her plans.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





