Fanfics

Indigo

08:41, 24 November 2019

Synopsis: Isang takas na preso at isang biguang chef ay pagkukurisin ng tadhana para tulungang makaahon ang isa't-isa.

Genre: RomCom/Drama

Status: Published - Unfinished

(Below is the complete draft with the ending)

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Magsisimula ang kwento sa piitan. Madilim at masikip ang selda ni Althea. Gabi na ngunit gising pa siya. Malakas humilik ang kakosa niyang nangbubully sa kanya. Nakulong si Althea for murder ng Tatay niya, ngunit inosente siya. Si Efren na Tito niya ang tunay na pumatay dito dahil sa agawan sa lupain.

Lilindol ng malakas sa buong siyudad. Mabubuwag ang selda ni Althea ngunit himalang makakaligtas siya. Makakatakas si Althea sa piitan.

Lilipas ang dalawang taon.

Lilipat ang setting sa Palawan. Magfo-focus ang kwento kay Denise. Lasing ito habang nakatambay sa naka-padlock niyang restaurant. Maaala ni Denise ang pagbaksak ng career niya bilang chef...

Busy noon sa resto at hindi niya namalayang nandoon ang kitatakutang food critic na si Terry Santos. Magugustuhan nito ang meal ngunit mafo-food poison ito. Mapapagalamang may bacteria ang lamb chops na kinain nito. Sa ibang meat shop pala ito inorder ng assistant ni Denise. Makakasuhan si Denise at ipasasara ang resto niya. Mauubos ang savings ni Denise sa damages. Tanging matitira ay ang kotse niya, antique chandelier at napabayaang ancestral house sa Palawan where she lives.

Magmamaneho si Denise ng lasing pauwi. Muntikan niyang mahahagip niya si Althea sa daan. Maa-outbalance ito at mabubuwal. Masusugatan si Althea sa noo. Buhay ito ngunit walang malay. Magpa-panic si Denise. Mahihimasmasan si Althea ngunit makikiusap na huwag siyang dalhin sa ospital. Walang magagawa si Denise kundi iuwi ito sa bahay.

Matatakot si Denise mademanda kaya't gagawin nito ang lahat para makuha ang loob ni Althea. Aabuso si Althea. Magde-demand itong manirahan sa bahay ni Denise until further notice. Kilala niya si Denise dahil celebrity chef ito. Magpapaturo siya rito magluto - na frustration niya mula pagkabata.

Magpapakilala si Althea bilang "Cha" from Cagayan. Ililihim niya ang tunay na pagkatao kay Denise. Malalaman ni Cha na naghihirap financially si Denise. Sasamantalahin niya ang sitwasyon by offering to restore the chef's house para mabenta. Magpapabola si Denise - na madaling ma-sway dahil lango sa alak and emotionaly unstable. Mahahalikan ni Cha si Denise sa tuwa. Matatakot sa kanya si Denise.

Denise will borrow money from her Tita sa U.S. ngunit mauudlot dahil maha-hack ang account nito. Still, Althea will do a good job fixing the house. Mai-impress si Denise ngunit palagi silang maga-argue. They will only bond sa pagluluto.

Mamumukhaan si Cha ng isang delivery boy. Malulusutan niya iyon ngunit pagdududahan siya ni Denise .

Maiisipan ibenta ni Denise ang chandelier ng lola niya. Manghihinyang si Cha sa antique. Maiisipan ni Cha na gamitin ang savings niyang nakatago sa isang secret shed sa dalampasigan para ma-restore ang bahay. Sisingilin niya ng malaki si Denise bilang kapalit. Hihiramin niya ang kotse ni Denise upang makapunta sa dalampasigan ngunit hindi papayag si Denise. Maiisahan ni Cha si Denise by locking the latter sa CR. Aalis si Cha para kunin ang pera sa shed using Denise' car.

Magagalit si Denise kay Cha. Babalik si Cha sa bahay na gusgusin at patang-pata. Maaawa si Denise sa itsura ni Cha kahit bwisit siya dito.

Magugulat si Denise sa dalang pagkain, goods and renovation materials ni Cha. Yamot pa din si Denise kay Cha sa pagkulong nito sa kanya sa CR. Susubukan ni Cha na palamigin ang ulo nito but Denise will give her the silent treatment. Cha will even try to seduce Denise pero hindi matitinag si Denise. Ihe-head butt niya si Cha para takasan ito. Maaalog ang ulo ni Cha at mahihilo.

Magigising si Cha sa guest room. Maaabutan niya si Denise na nagluluto ng agahan sa kusina. Magtataka si Cha sa kilos ni Denise. Malalaman ni Cha na nag-sleep talk siya at na-reveal niya kay Denise na siya si Althea. Kukulitin siya ni Denise sa detalye. Mapapaamin si Cha na isa siyang interior designer dati ngunit naputol ang career niya. Makakarelate si Denise sa kanya. Magwa-walk out si Cha sa hiya.

Maaabutan ni Denise si Cha na nagtatanim. Magso-sorry si Denise sa pangungulit niya kay Cha. Magmo-moment ang dalawa. Maiisipan nilang huwag nang ibenta ang bahay at gawin na lang bagong restaurant ni Denise. Aalukin ni Denise na maging business partner si Cha. Magbo-bonding ang dalawa habang naglilinis ng bakuran.

Magtatapat si Cha ng tunay niyang pagkatao, ngunit aakalin ni Denise na joke ito. Malulungkot si Cha. Mapagtatanto niyang mas mabuting lumayo siya kay Denise para hindi ito madamay sa gusot niya.

Maagang matutulog si Denise nung gabi. Pipinturahan ni Cha ang bahay at aayusin ang dapat ayusin one last time. Cha will sneak out on Denise while the latter is asleep, never to come back.

Masusunog ang bahay habang wala si Cha. Babalik si Cha to save Denise. Wala siyang maaabutan sa nasusunog na bahay. Dadating bigla si Denise para iligtas siya - nasa labas pala ito all along. Makakaligtas ang dalawa. Itatakbo sila sa ospital.

Tatakas sana si Cha sa ospital ngunit mahuhuli ni Denise. Magdadramahan ang dalawa. Ipagtatapat uli ni Cha ang totoo. Maniniwala na si Denise this time. Mapapapayag niya mag-stay si Cha. Uuwi Denise sumandali para asikasuhin ang tutuluyan nila. Maiiwan sa ward si Cha.

Matatagalan si Denise. Magdududa si Cha kay Denise. Matatakot itong baka sinumbong na siya sa pulis. Tatakas sana si Cha ngunit mapapansin ng isang nurse. Magpapalusot si Cha na magsi-CR lang. Susundan siya ng nurse sa banyo.

Itutulak si Cha ng nurse sa banyo. Pahihirapan siya nito. Mare-reveal na ang nurse ay si Tanya, ang pinakasiga sa city jail noon. Iba na ang itsura nito at hindi agad mamukhaan ni Cha. Iba-blackmail nito si Cha na nakawin ang mapa sa munisipyo or else ay masasaktan si Denise. Walang magagawa si Cha.

Maaabutan ni Denise sina Cha at Tanya sa di kanais-nais na tagpo. Magseselos si Denise ngunit hindi pahahalata. Magwa-walk out si Denise. Hahabulin siya ni Cha. Magkakaayos sila.

Manunuluyan mula ang dalawa sa pad ni Paul. Si Paul ay ex ni Denise na nasa states. In-offer nito ang bakanteng bahay kay Denise. Pagseselosan ito ni Cha.

Ipagtatapat ni Cha ang tungkol kay Tanya. Mapagaalaman nila na ang mapa ay piraso ng treasure map na alamat sa isla. Mananakaw ng iba ang mapa. Hindi ito paniniwalaan ni Tanya. Pagbibintangan nito si Cha na tinakbo ang mapa.

Matutunton ni Tanya sina Cha at Denise. Susugod ito habang tulog ang dalawa. Gagawin nitong hostage si Denise. Tututukan ni Tanya si Denise ng kutislyo para umamin si Cha sa kinaroroonan ng mapa. Maaagaw ni Denise ang kutsilyo. Masasaksak nito siTanya. Mamamatay si Tanya.

Saktong araw ng uwi noon ni Paul mula States. Maaabutan nito ang bangkay sa bahay niya. Magpapanic si Paul. Tatawag ito ng pulis. Aakuin ni Cha ang responsibilidad. Itatago nito ang ebidensya. Magpo-protesta si Denise ngunit magmamatigas si Cha. Makakasuhan si Cha. Makukulong uli si Cha. Walang magagawa si Denise.

Ipagtatapat ni Cha na mahal niya si Denise bago siya bumalik sa kulungan. Magiging sila officially.Bibisitahin siya ni Denise sa piitan araw-araw.

Eeksena si Paul. Kababata nito ang presidente. Mag-ooffer itong bulongan si presidente na i-pardon si Cha. Paul will add na gagawin niya iyon kung mapagpapakasal sa kanya ni Denise.

Ipaaalam ni Denise kay Cha ang balita. Hindi papayag si Cha. Magmamatigas si Denise dahil iyon lang ang pag-asa ni Cha na makalaya. Pag-aawayan nila iyon. Ipagtatapat ni Denise na plano niyang ipa-annul ang kasal oras na lumaya si Cha. Hindi pa rin papayag si Cha.

Against Cha's will, Denise will marry Paul sa isang civil ceremony. Mawawasak si Cha. Papayag si Denise sa lahat ng gusto ni Paul dahil pang-blackmail nito ang pardon ni Cha.

Iiwasan ni Cha si Denise tuwing bibisita ito. Denise will try to win Cha back ngunit galit talaga ang huli. Ilalayo ni Paul si Denise kay Cha. Maninirahan sila sa States. Iisipin ni Cha na tuluyan na siyang kinalimutan ni Denise. Malulungkot si Cha.

May makikilalang mabait na inmate si Cha sa piitan. Magiging karamay niya ito sa loob. Mahuhulog siya rito. Magiging love interest niya ito.

Lalong papakla ang pagsasama ni Denise at Paul. Kukulitin ni Denise si Paul tungkol sa presedential pardon. Laging isasagot ni Paul na inaayos na. Makakahalata si Denise na pinaglololoko siya ni Paul. Denise will leave Paul.

Paul will finally make the call sa presidente to win back Denise. Mapapardon sa wakas si Cha. Denise will not get back with Paul ngunit kasal pa rin sila. Hindi papayag si Paul sa annulment. Liligawan nitong muli si Denise much to the latter's annoyance.

Maiiwan ang love interest ni Cha sa piitan. Ayaw niyang iwan ito sa kulungan dahil malapit na rin itong lumaya. Malulungkot si Cha ngunit wala siyang magagawa. Bibisitahin ni Cha si love interest everyday gaya ng ginagawa sa kanya dati ni Denise.

Uuwi ng Pilipinas si Denise para makalayo kay Paul. Magdadalawang-isip kitain ni Denise si Cha kahit miss na niya ito dahil nahihiya siya dito. May bibili ng lupa ni Denise na kinatitirikan ng sunog na bahay. Babalik sa Palawan si Denise. Mahahagip si Denise ng bisekleta habang papunta sa bahay. Si Cha ang nagmamaneho ng bike.

Denise will take the encounter as a sign. Cha will help Denise ngunit hindi sila mag-uusap ng matagal. Iiwasan ni Cha si Denise.

Malalaman ni Denise na si Paul ang bumibili ng lupa gamit ang ibang pangalan. Hindi ito ibebenta ni Denise. Pagtatagpuin muli si Denise at Cha. Manghihingi ng tawad si Denise sa biglaan niyang pagkawala noon. Ipaliliwanag niya kay Cha ang nangyari. Aamin si Denise na mahal niya si Cha. Patatawarin siya ni Cha ngunit ipagtatapat nitong may mahal na itong iba. Malulungkot si Denise.

Maaabutan sila ni Paul na magkasama. Sinusundan pala nito si Denise. Mawawala si Paul sa sarili. Babarilin nito si Cha. Matatamaan si Cha. Mabubuhay ito ngunit mababaldado waist down. Makukulong si Paul.

Makakalaya si love interest sa kulungan. Matutuwa si Cha sa balita. Makikita ni Denise kung pano alagaan ni love interest si Cha. Makikita niyang masaya si Cha dito. Magpaparaya si Denise.

May makikilalang babae si Paul sa piitan. Maiinlove siya dito. Papayag na siyang pa- annul ang kasal nila ni Denise. Makakalaya si Denise kay Paul sa wakas.

May bagong bibili ng lupa ni Denise. Makikipag-meeting si Denise dito. Magugulat siyang si Cha ito. Ipagtatapat ni Cha ang tungkol sa secret shed niya sa dalampasigan. Doon nakabaon ang maalamat na treasure na hinahanap ni Tanya noon. Nadiscover ito ni Cha by accident nang una siyang mapadpad sa isla years ago. Nilipat niya roon ang hiding place ng treasure kaya walang makakahanap.

Aamin si Cha na wala siyang balak bilhin ang lote ngunit ipaayos niya ang nasunog na bahay gaya ng pangako niya noon - this time for free. Hindi niya kukunin ang property kay Denise bilang ganti sa lahat ng kabutihan nito sa kanya. Ie-encourange ni Cha si Denise na magtayo ng pangarap nitong restaurant. Papayag si Denise sa huli. Magiging business partners ang dalawa.

Pakakasalan ni Cha si love interest. Denise will be happy for them. Denise will remain unmarried but will live a happy life. Si Cha na ang huling taong mamahalin ni Denise.

Lilipas ang napakaraming taon. Cha will live a happy long life with her wife until old age. Mamahalin niya ito at hindi pagtataksilan kahit minsan. At love interest's death bed, she will call for Denise. Mahihiwagaan si Cha dahil di siya kasali. Ihahabilin pala ni love interest si Cha kay Denise.

Cha will mourn her wife's death but Denise will help her recover. Cha and Denise will take care of each other until the end of their life.

**THE END**

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

As promised, this is Indigo's draft. Sorry I don't know how to write this anymore. Sharing the draft is the best I could do to give the story closure. Thanks for your understanding.  

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories