Bes, Di Tayo Panget, Mahirap Lang Tayo
13:38, 13 July 2018Summary:
Mula pagkabata, tampulan na ng tukso ang itsura ni *bida - not sure kung si R o G. Lalaking no boyfriend/ girlfriend since birth si bida na biktima din ng mga paasa dahil walang nagkakagusto sa kanya.
Magiging bitter si bida sa pag-ibig pero magiging successful siya sa career at friendships. Outcasts din ng society ang friends niya. Ironically, magta-trabaho si bida sa fashion world. Mabu-bully siya ng mga mapang-okray na "beautiful people" sa industry.
Hihilingin ni bida magpa-plastic surgery so other people would accept her... yun lang, waley siyang pera.
One day, suswertehin si bida. Maliligtas niya ang isang multi- millionaire sa *sakuna - not sure kung anong klase. Magiging BFFs sila dahil true friend si bida. Unfortunately, biglang mamamatay si multi-millionaire. Walang pamilya si multi-millionaire so kay bida niya ipapamana ang naiwang kayamanan but with a twist... hindi pwedeng magpa-plastic surgery si bida gamit ang mamanahin niya. Multi-millionaire wants bida to realize na ang tunay na kagandahan ay nasa puso.
Bida will start her own fashion brand. Mauungusan niya ang kumpanyang pinagwo-work-an. Mahihiwagaan ang fashion world kung sino ang successful newcomer.
Matatakot magpakita ng face si bida sa fashion world so she will hire a "puppet" na magpapanggap bilang siya sa public. Magandang babae si *puppet - not sure kung si G or R. Yun nga lang, diva si puppet at madaming demands. Walang magagawa si bida kundi tiisin ang ugali ni puppet at pangatawanan ang pagpapanggap or else mabibisto ng mundo ang tunay na siya
*About the title - inside joke ni bida and friends about their situation - basta may pera, gumaganda. Ironically, si bida may pera pero di pwedeng magpaganda.
Genre: RomCom
Status: Writing Prompt - care to write anyone? ;-)
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





