Fanfics

Part 5

11:10, 5 July 2025

Part 5

🐣 Ken's POV-

Nang marinig ko ang sinabi nang police, tuluyan nang gumuho ang mundo ko. No! I can't handle it!

"NO!! HINDI TOTOO YAN!!" -Bulyaw ko sa kanila, nilapitan ko ang police at hinawakan ko sya sa damit. "Sabihin mo!! hindi si Stell ang nakita nyo!! buhay ang asawa ko!!

"Tama na Ken!" -bulyaw ni Josh sabay hila sakin kaya nabitawan ko ang police

"Sir sumama nalang kayo samin, para ma confirm nyo po. Nasa murge na ang katawan nya. Hindi narin po namin ma identify ang mukha nya dahil nga sumabog ang barko kaya po sunog po ang ibang parte ng katawan nya." -police said, tumalikod sila ata agad akong sumunod. Natigilan ako ng mag salita si Liam

"Dada, wala na po si daddy?" -umiiyak na saad ni Liam, Hindi nya sana narinig ang lahat. Pero matalino ang anak ko alam kong maintindihan nya rin ang lahat na nangyayari

"Dito ka muna sa babay ah, babalikan ka ni dada."

"Ken samahan kana namin, yaya kayo na muna bahala sa dalawang bata." -Josh said

Naglakad na ko palabas, sumunod naman si Justin at Josh. Si Josh na ang nag drive, sumunod kami sa police. Ilang minuto lang nakarating na kami.

Naglakad na kami papunta kung saan ang katawan na sinasabi nila.. hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para akong nahihirapang huminga, sana hindi si Stell yun! hindi pwedeng patay na sya! buhay pa ang asawa ko!!

Nakarating na kami, pag bukas ng pinto parang ayoko nalang pumasok, tanaw ko na ang katawang nakahiga na nakabalot ng puting kumot. Bigla akong pinag pawisan ng malamig, unti-unti pumapatak ang mga luha ko, nanginginig na ang mga kalamnan ko.

"J-Josh hindi ko kayang tinggnan, ikaw nalang muna." -saad ko at pinauna ko na sya.

🍢Josh POV-

Pinauna ako ni Ken, maging ako ay di kayang tinggnan parang bibigay ang katawan ko. Ang hirap! ramdam ko na ito na ang umpisa nang pagbabago nang buhay namin, my brother is gone pero umaasa ako na sana hindi sya ito. Nasa harapan na ko ngayon ng bangkay na nakabalot na kulay puting tela, tumutulo na ang mga luha ko at nanginginig na ang mga kamay ko. Nilingon ko si Ken patuloy parin syang umiiyak ganun narin si Justin.

"H-hon gusto mo ako na muna titingin?" -Justin said kaya nilingon ko sya hindi na 'ko nakapag salita, lumapit sya sa harapan at agad na binuksan ang telang puti.

🌽 Justin POV-

Pag katanggal ko nang puting kumot bumungad sakin ang isang bangkay na halos hindi na makilala dahil sunog ang mukha nito. Napatakip ako sa bibig ko at yumakap ako kay Josh dahil sa takot. Hindi ko kinayang tinggnan ng matagal.

Lumapit naman si Ken at tinulak nya kami, kaya napatingin ako sa kanya. Tinanggal nya ang buong kumot sa bangkay tila pinag masdan nya ito.

"His not my husband!" -singhal ni Ken

"His body proportion, ganyan ang katawan ni Stell" -saad ko sa kanya

"No!!" -muling sigaw ni Ken. "Nararamdaman ko, his not my husband! hindi sya si Stell!!-umiiyak na saad ni Ken

"Mag papa-test ako ng DNA sample Ken para ma confirm kung Kapatid ko ba sya o hindi." -Josh said at sumang-ayon naman agad si Ken

"What if si Stell nga yan?" -saad ko, binangga lamang nya ako.. hindi na sya nag salita at iniwan na nya kami ni Josh.

Nagtungo kami sa hospital kung saan pwede mag pa test ng DNA. Lumipas ang oras na kuhaan narin si Josh ng DNA sample.

"Kelan po kaya lalabas ang DNA results?" -Josh

"One week lang po sir makukuha nyo narin ang results."

Umalis na kami ni Josh para umuwe. Ilang minuto nakarating na kami ng bahay. Nadatnan namin si yaya na pinapakain si Elias

"Yaya bakit kayo lang? where's Liam?" -tanong ko sa kanila

"Ayy sir kinuha na po ni sir Ken si Liam eh, kakaalis lang po nila." -yaya said, nagkatingginan pa kami ni Josh

"Hon pupuntahan ko lang sila," -Josh said pero pinigilan ko sya

"Mag aaway lang kayo ni Ken, pag sinundan mo sya. Naniniwala ako na hindi nya pababayaan si Liam. Hayaan muna natin sya, ok? bukas nalang natin sila puntahan." -saad ko sa kanya at nakinig naman sya sakin.

🐣 Ken's POV-

Nandito na kami ni Liam sa bahay, nakatulog na sya kakaiyak kaya dinala ko na sya sa kanyang kwarto.. lahat nang palusot ginawa ko na para lang hindi masaktan si Liam. Ihahanda ko nalang ulit ang sarili ko pag lumabas na ang DNA results, if si Stell nga yun hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinanghahawakan ko nalang ngayon yung kutob ko na hindi si Stell yun, malakas ang pakiramdam ko na hindi sya ang asawa ko!

Nandito ako ngayon sa sofa, pilit kong pinapakalma ang sarili ko, uminom ako ng bear pang patulog.. Lumipas ang ilang oras hindi ko namalayan na marami na pala akong nainom. Tumingin ako sa bandang gawi kung saan makikita ko ang larawan naming tatlo ni Liam at Stell, kinuha ko ito at pinagmasdan.

Love, hindi ko alam kung anong nagawa ko para pahirapan mo ko nang ganito, love ikaw lang naman ang gusto kong makasama eh.. masaya naman tayo love, tayong tatlo ni Liam. Love naniniwala akong buhay ka pa, sana nga buhay ka pa. Love hindi ko kakayanin, please kailangan ka namin ng anak mo. I want you back! miss na miss na kita love..

~Kinabukasan ng umaga,

🍢 Josh POV-

Maaga akong ginising ni Justin para mag punta sa bahay nila Ken. Nagdala narin sya nang pagkain dahil alam namin na hindi marunong mag luto si Ken. Ilang minuto nakarating na kami, nadatnan namin na bukas ang pinto.. dumungaw samin ang magulo at makalat, tanaw naman namin si Ken sa sala na natutulog. Nagpakalasing sya dahil kita namin ang mga nakakalat na bote. Pinagmasdan ko ang mukha ni Ken, he looks tired. Naawa na ko sa kanya, halatang magang-magang ang mata nya kakaiyak, napansin ko rin na yakap-yakap nya ang larawan nilang tatlo ni Liam at Stell.

Hindi na muna namin ginising si Ken, tininggnan ni Justin si Liam sa kwarto pero tulog pa ito. Nagpasya muna kami ni Justin na linisin ang buong bahay, pagkatapus namin mag linis nag tungo naman si Justin sa kusina para initin ang dinala naming pagkain. Maya-maya lang ay nagising na si Ken.

"Ken? kamusta ka?"-saad ko sa kanya, agad naman syang bumangon at tumingin sa oras. Nakarinig sya nang ingay sa kusina kaya tumayo ito at nag tungo sa kusina.

"Hey what are you doing!" -bulyaw ni Ken kay Justin

"Ahmm Ken ginamit ko lang kusina nyo...." -hindi natuloy ang sasabihin ni Justin dahil muling sumigaw si Ken

"Si Stell lang ang dapat na nakikita ko dito!! umalis ka dito!" -galit na saad ni Ken sabay hila nito kay Justin papuntang Sala

"Ken naman nasasaktan ako!" -reklamo ni Justin

"Bakit ba kayo nandito!? umalis na kayo!!" -bulyaw ni Ken

"Ken nandito kami para damayan ka, para samahan ka. Hindi mo kami kaaway wag mo naman kami pagtabuyan!" -galit kong saad sa kanya

Umupo sya at humagulgul,

"Paano kung wala na nga si Stell? Josh hindi ko kakayanin! mamatay ako Josh!"-umiiyak na saad ni Ken, hindi ko napigilan at umiyak narin ako. Tinabihan ko sya at hinagod ang likod nya

"Stay strong Ken, kung nasan man ngayon si Stell sure akong hindi nya gugustuhin na nag kakaganito ka." -malumanay kong saad sa kanya, basta tumataas lang ang boses ko sa kanya dahil sa inaasal nya. Pero isa lang ang alam ko hindi ko magawang magalit sa kanya, kailangan nya ko ngayon. Kailangan nya nang karamay kami lang ang makakaintindi sa kanya.

"Paano kung buhay pa sya, paano kung wala pa syang kain? wala pa syang tulog? Baka nilalamig sya, walang yayakap sa kanya.. Josh paano kung hindi sya ok? paano kung kailangan nya ko ngayon? Josh takot sa dilim si Stell, what if natatakot sya ngayon? baka sya lang mag-isa.. What if may sakit sya.. Walang mag alalaga sa asawa ko.. Kailangan ko syang hanapin."-sunod-sunod na saad ni Ken kasabay sa pag-patak ng mga luha nya, tumayo ito pero pinigilan ko sya at niyakap ko sya nang mahigpit.. humagulgul naman sya nang malakas sa balikat ko.

"Josh gusto ko nalang mamatay! ayoko nalang mabuhay kung mawawala si Stell sakin." -saad ni Ken habang patuloy na humahagulgul. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, naubusan nako nang lakas, ramdam ko ang pinag dadaanan ni Ken. Kita ko naman si Justin na umiiyak na at tumakbo ito palabas. Wala na kong time sa kanya, naawa narin ako sa asawa ko.

🌽Justin POV-

Nandito na ko ngayon sa labas nang bahay nila Ken, sumigaw ako nang malakas alam ko naman na hindi nila ako maririnig. Humagulgul ako hanggang sa mapa-luhod ako, sobrang sikip ng dibdib ko. Stell patawarin mo 'ko. Kasalanan ko kung bakit nag durusa si Ken ngayon. Ramdam ko ang hirap na pinagdadaanan nya.. Ang hirap pala, paano nalang kung ako ang nasa sitwasyon nya. I'm sorry Ken, I'm sorry. Hindi ko man masabi sayo lahat ng dahilan pero sana balang araw maintindihan mo ulit ako. Mahalaga kayo sakin pero mas matimbang sa buhay ko ang asawa't anak ko. Stell alam kong maiintindihan mo rin ako, sana naririnig mo 'ko, I'm sorry Stell.. wag ka mag alala aalagaan ko si Liam.

Patuloy parin akong umiiyak, humahagulgul, I blame myself for what happened, it's all my fault!! ang tanga ko talaga! ang sama kong tao! Deserve ko bang mabuhay!! natigilan ako nang may humawak sa likod ko

"Hon anong nangyayari sayo."-Josh said, pinatayo nya ko at umupo kami sa upuan, yumakap ako sa kanya at muling humagulgul

"Hon I'm sorry, kasalanan ko. I'm sorry." -umiiyak kong saad at Hinarap naman nya ako kaya medyo nagulat ako sa sinabi ko

"What do you mean hon??" -takang tanong ni Josh sakin

"I mean wala manlang akong nagawa para maligtas si Stell, hon nahihirapan ako. Nasasaktan rin naman ako sa pagkawala ni Stell." -saad ko sa kanya, habang patuloy na umiiyak

🍢 Josh POV-

Niyakap ko si Justin, ramdam ko na na-aapektuhan rin sya sa mga nangyayari. But I feel something about him, basta di maganda pakiramdam ko. I remember nung nasusunog ang barko he looks nervous at tila balisa. Bago pa man sumabog ang barko, sorry sya ng sorry I don't know what his reason is, ayoko nalang pag-isipan ng masama ang asawa ko.

"Hon wag kana umiyak, nandito lang ako huh." -Hinarap ko sya and I look at his eyes full of pain

"Hon, deserve ko bang mabuhay? deserve ko bang maging masaya? Hon hindi ko alam kung matatahimik ba 'ko? Hon I don't deserve to be happy!"-saad ni Justin na para bang may ibig syang sabihin na hindi ko maintindihan. Hindi ko sya magawang tanungin, dahil nasasaktan ako sa tuwing umiiyak sya knowing na masayahing tao ang asawa ko. Niyakap ko lang sya nang mahigpit at tumutulo narin ang mga luha ko sana mali ang nasa isip ko. Hihintayin ko nalang ang mga susunod na sasabihin ni Justin sakin, ayoko syang pangunahan. Ayoko syang masaktan dahil lang sa pinagdududahan ko sya.

"Hon kinausap ko na si Ken, kahit papano kumalma na sya. Nagising na si Liam ayun kinakain nila yung niluto mo." -malumanay kong saad sa kanya at mapait syang ngumiti sakin, he kissed me at muli syang nagsalita

"Hon lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, lahat kaya kong gawin para lang sa inyo ni Elias." -Justin said at niyakap nya ko nang mahigpit, napapikit ako at muling kumabog ang dibdib ko mukhang tama na nga ang kutob ko pero sana mali ako. Hindi ko matatanggap!

~Fast forward~

-Sa bahay ni Josh at Justin

🍢Josh POV-

Ilang araw ko din nababalitaan kay Liam na laging umiiyak ang dada Ken nya. Nag bigay kasi ako nang number para Incase na may problema ay matawagan nya 'ko. Liam always said that his strong at yun ang pinapakita nya samin,  believe ako sa batang yun. Sabi kasi ng daddy Stell nya na wag syang iiyak na kailangan maging malakas sya para sa dada Ken nya. Ayokong makitang umiiyak o nasasaktan si Liam lalo akong nadudurog. Nandito ako sa terrace tanaw ko sa ibaba si Justin at Elias they are playing with our cats. Natigilan ako nang may dumating na rider mula sa labas ng gate, nag door bell ito at agad naman lumabas si yaya, nag madali na akong bumaba. Naalala ko ngayon pala ipapadala ang DNA results. Naiabot na toh kay yaya at pumirma nalang ako then umalis na ang nag deliver.

Nagsimula nang kumabog ang didbib ko ng mahawakan ko ang papel,  lumapit sakin si Justin at pinasok muna ni yaya si Elias.

"Hon buksan mo na" -Justin said, parang di ko kayang makita ang results.

Huminga ako nang malalim bago buksan ang papel,  it's 99.9998%

"No!! hindi maaari!" -saad ko at sunod-sunod na tumulo ang luha ko

"Hon, what's wrong?" -Justin asked

"Hon siya nga si Stell." -umiiyak kong saad, natigilan ako nang biglang dumating si Ken, narinig nya ang sinabi ko dahil iba ang tinggin nya sa akin

"Tama ba yung narinig ko?" -malumanay na saad ni Ken dahil kasama nya si Liam..

Lumapit sila at agad na kinuha ni Ken ang hawak kong papel.. pag kabukas ni Ken ng papel kita agad sa mga mata nya ang pag ka dismaya at unti-unting tumulo ang mga luha nya. Mabilis nya yung pinunasan bago nag salita

"Ahm Justin pakipasok muna si Liam." -utos ni Ken pero pinigilan ko ito

"Wag, Ken I think deserve ni Liam malaman ang totoong nangyari sa daddy nya. Look Ken, matalino anak mo maiintindihan nya rin ang lahat, alam kong mahirap pero hindi naman pwede na lagi tayong mag sisinungaling sa kanya ayaw natin na patuloy syang mag hintay sa wala." -saad ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko

Sabay kaming tumingin kay Liam at kita namin na tumutulo na ang mga luha nya.

🐣 Ken's POV-

Doble-doble na ang sakit na nararamdaman ko, para akong unti-unting pinapapatay! nilapitan ko si Liam, umupo ako at hinawakan ko ang mukha nya para punasan ang mga luha nya. Hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanya na wala na si Stell, hindi ko matanggap na wala na ang asawa ko, napayuko ako sa harap ni Liam at nag simula akong umiyak. Natigilan ako ng hawakan ako ni Liam sa baba at Inangat nya ang mukha ko.

"Dada, I understand po. I know daddy is gone at hindi na sya babalik.. I saw daddy Stell in my dreams last night, he always said that he loves us. Gusto po nya na maging strong ako para sa inyo, alagaan ko daw po kayo kasi big boy na ko. Diba po sabi ko naman na ako lagi ang mag protect kay daddy pero wala na sya, kaya kayo nalang po ang po-protectahan ko."-Liam said while crying,

Mahigpit ko syang niyakap at humagulgul ako nang malakas, sobrang sakit! bakit mo kami iniwan Stell! hindi ko alam kung kakayanin ko pa! Stell I need you! kailangan ka namin nang anak mo! I'm still crying hindi ko na alam kong matatapus pa 'tong sakit na nararamdaman ko.

"Dada I am so much hurt because daddy is gone, but I need to be ok para po sa inyo. Promise ko po na hindi ko kayo iiwan. I'm mad at daddy kasi iniwan nya tayo, but I understand kasi pagod na si daddy, kasama nya na po si papa god, no one can hurt him na po. Sabi naman po nya sakin lagi nya tayong babantayan." -Liam said again habang patuloy na umaagos ang kanyang mga luha

Napaka bata pa ni Liam but he understand the situation kahit na sobrang sakit, sobrang hirap at hindi katanggap-tanggap! He is just 9 years old pero napaka tatag nyang bata siguro dahil ganun sya pinalaki ni Stell. I hug him so tight para lang iparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. I don't know if kaya kong maging matatag katulad nya, si Stell ang lakas ko sya rin ang kahinaan ko.. Kakayanin ko ba lahat ng 'toh, kakayanin ko bang mag simula ulit nang wala si Stell sa buhay namin.

"Baby, Liam.. I'm sorry if walang nagawa si dada to save your daddy huh. But I promise everything will be ok, andito lang si dada, mahal na mahal kita." -I said to him at mahigpit naman syang yumakap sakin

"Nandito rin si Tito Josh, If you need something wag kang mahihiya na mag sabi sakin ah. Alam mo naman na mahal din kita,"-Josh said at tumango lamang si Liam sa kanya

"Ako nalang mag papa-crimate nang katawan ni Stell, if ok lang sayo Ken." -saad ni Justin at tumango nalang ako

Hindi ko kaya na ako ang gagawa nun, ayoko sanang maniwala na patay na si Stell pero nawalan na ako nang pag-asa.. his gone, my husband is gone! he is dead at hindi na sya muling babalik!

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by kentellhearts

Similar stories