4
04:02, 26 April 2026Filipino Play (Florante at Laura)
AZ's POV
"Okay, Ralph this is yours to memorize and AZ this is your mga kasuotan AZ parang princess naka dress ang suot tapos Ralph naka pam prince na may cape ang kasuotan." sinabihan kami ni Ma'am Castro at sa ibang karakters ay mamaya ko nalang sabihin basahin nyo na muna ang libro sa pahina 47
"Tagapagtanggol ng Albanya" si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya't naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin - na isa palang Persa (Persian) - ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya't napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.
"Charlie, ikaw si Flerida at si Aladin naman ay si Esnyr." salita ni Ma'am
"Adolfo, Adolfo Adolfo... Dustin can you do it?" tinawag ni Ma'am Castro si Dustin
Dustin: "Okay po ma'am, payag po."
"Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante, si River Joseph?" sabi ni Ma'am at tumanggo si River
At si Sultan Ali Adab walang iba kundi si Brent Manalo
AC and Kira kayo ang tagapaglahad ng Florante at Laura...
"Anong gusto nyo gagawa ng sariling script or stick to the book?" salita ni Ma'am Castro
Kaya ang sabi ko "gagawa ng sariling script para that way masaulo namin agad ang piyesa."
Charlie ang isusuot mo ay yung parang kay Princess Jasmine at Esnyr ang susuotin ay
Esnyr: "Gown mæm?"
Ma'am Castro: "Di ka maga gown dun, Aladin nga ehh..."
"Aww Oonga pala si Cinderella nasa isip ko." hagalpak kami ng tawa pati narin si Ma'am
Nagsimula na kami ni Ralph gumawa ng piyesa para sa play hanggang sa bahay nagsama kaming dalawa para ito'y matapos, hanggang ala una kami'y gumawa at natulog ng magkayakap.
Sunod na araw
Wala munang pasok gawa ng may meeting ang mga guro kaya pinapunta ko sa bahay sina AC, Kira, Charlie, Esnyr, Michael, Emilio, Ashley at Brent para magpractice ng aming piyesa.
At nagkwentuhan tungkol dun sa dalawang magjowa
AC: Si Dustin ba at si Bianca?
Kira: Mhmm... parang
"Diba nanliligaw pa lang." yun ang alam ko at nalaman ko
Ralph: "Sila na ata diba, Z parang tayo lang."
"Hah?" Napatingin ako sa kanya
Ralph: "Ahh wala sabi ko saing muna ako."
Nagtuloy kami ng pag uusap habang si Ralph nagsaing, biglang nag doorbell.
Ashley: "Sino yun"
Michael: "I'll go get it."
Josh: Si Kira nandyan?
Michael: Hey Kira yung boyfriend mo?
Dumungaw kami sa pinto nang kausapin ni Kira si Josh bigla kaming tinili sa kilig pano ba naman may pa flowers and cupcakes, I think lima yun at pinapasok namin
At kumpol kumpol kami sa sala at nanood, after a few minutes luto na ang pagkaing inihanda ni Ralph at Emilio.
"Kakain na guys." sabay silang bumoses ni Ralph
At kumuha ako ng mga plato, kutsara at tinidor at inihanda sa lamesa dun kanya kanya na silang kuha ng plato, kutsara at tinidor saka kanin, ulam ay kare - kare at fried chicken luto nung dalawa
Ansarap talaga ng kare kare, lalo na yung baka it melts in your mouth.
Pagtapos namin kumain, kami ni Ralph ang naghugas ng pinagkainan sinamahan narin kami ni Emilio. And then we talk about our play
Ralph: "Emilio, sino ngang pambato ninyo."
Emilio: "Si Ashley at si Michael pre, Noli Me Tangere at El Fili."
"Mahaba diba yun." sa isip isip ko
Emilio: "I don't know sa kanila si Ma'am Castro pumili ng Role play."
"Samin din si Ma'am Castro. Sino si Padre Salvi?"
Emilio: "Si Sir Juancho."
"Pwede guro hayy?" tanong ko
"Joke lang, pano bagay siyang maging si Padre Salvi kung naiimagine mo, tatawa ka talaga." sabi ni Emilio
"Ahh gets gets." Hagalpak na kami nito, loko talaga ni Emilio
Emilio: "Kwento nya bayy samin naging Padre Salvi sya nung play sa Noli nung highschool, at sabi pa talaga nya ang suot nya yung walang buhok sa taas sa side lang meron."
Tawang tawa kami ni Ralph, hagalpak gid ng tawa si Ralph ayy
Pagkatapos naming maghugas ng pinggan ay dumeretso kaming sala at tinapos namin yung piyesa namin saka ni-rehearse pagtapos, tulong tulungan kaming lahat sa pag process at pagsasaulo ng aming piyesa para sa play.
9:00 pm na kami nakatapos, tapos ay nag midnight snacks at nag movie marathon, si Esnyr natulog na, tapos nag aya naman si Brent mag inuman kasama kami except kay AC, Charlie kasi di papayagan ng mga jowa so kami ni Ashley at Kira ang taga tira ng pulutan, ayaw ko na talagang uminom nadala na ko, baka iba nang magawa ko...
Lumapit sakin si Ralph lasing na lasing I mean lasing na lasing he's so fine as hell, di kalaunan ako'y hinila nito papuntang loob ng bahay
"Bakit Ralph?" Tanong ko
"Wala gusto kong sabihin na ang ganda mo AZ..."
"Thank you." dun na sya lumapit at hinalikan sa lips
I can taste the beer but I like it you know, I know Ralph's just a friend and Arvin and I have broken up, what if naging friends kami ni Ralph noon instead of Arvin, what if naging kami, what if may chance... AZ stop you're having delusional thoughts again, kaibigan mo lang sya and that's it.
Madaling araw, di ako makatulog pakatitig ako kay Ralph, gwapo kasi at naiimagine ko what it's like if naging kami. Tas tinawag tawag nya pangalan ko ehh magkatabi lang kami kaya yumakap nalang ako sa kanya hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan
" Umagang umaga AZ ahh!" Nagising na ako dahil sa boses nya
"Morning y'all." sabi ni Esnyr
Diretso kaming kitchen at tumulong magluto
Nagchat si Ma'am Castro about sa Role play mga 2:00 pm ang start. 10:00 am pa lang kaya naman sinulit na namin ang oras at naglaro ng I wanna be a tutubi sumali naman si Charlie, Ashley, Esnyr at Brent. Ang taya si Brent 1st game unang pili si Charlie ehh wala sa kanya yung bato
Pabirong sabi ni Charlie: "Don't stop, go on."
"Last chance last chance." tawang tawa si Ashley
Kaya kinanta namin "I wanna be a tutubi na Walang tinatanong batoNa nahulog sa lupaTinuka ng manok At nasa bundok."
Brent: "Charlie ulit..." Pagkabukas ni Charlie wala, na kay Ashley
Tawa kami ng tawa, masaya palang kasama si Ashley akala ko talaga nun nakikisama lang sya kayna Michael at Will dun sa matatalino. Average lang naman kami.
Pagkatapos naming maglaro pumunta kaming Barangay court at dun kita namin si Ralph, Michael, Emilio naglalaro ng basketball sa Barangay court kaya umupo muna kami.
"AC, Kira kanina pa kayo dito?"
Kira: "Oo san kayo?"
"Sa Bahay, at mag 2:00 pm na." saad ni Ashley
"Ayy Oonga pala boys may play pa tayo tara school..." sigaw ni Kira at dali dali kaming naligo si Ralph at Michael sa bahay ni Ralph naligo tapos kami naman sa bahay ko naligo we have 3 CR dalawa sa baba, isa sa taas, sa taas ako naligo kasi may bath tub at dun ang kwarto ko sa taas although may banyo din sa closet ko I let Kira, Charlie and AC maligo dun. Sina Emilio at Josh naman sa may pool naligo. Nakatapos akong makaligo si Michael at si Ralph tapos na din ang inaantay nalang namin ay yung dalawang lalaki at tatlong babae na sobrang bagal maligo, at hindi pa nakakaligo si Esnyr dahil dun sa tatlong mabagal maligo.
"Girls bilisan nyo dyaang maligo 1:30pm na, di pa kayo tapos hayy."
Josh:"Ash, ikaw naman!"
Ashley: "Mabilis lang naman akong maligo."
Emilio: "Esnyr sa labas ka na maligo tapos nanaman ako."
Esnyr: K thanks Emili-yo."
"Boys labas muna kayo please bihis muna sila."
"AZ sama ka na dito, dali." yaya sakin ni Ralph
"Bakit baga Ralph." naiinis na ko kaya sinara ko ng malakas ang pinto at hindi sya pinansin
Ralph's POV
"Anong nangyari kaya dun." Kausap ko sa mga boys
Michael: "Bro suyuin mo kasi."
Esnyr: Kakatapos ko lang, what seems to be the problem?
"Si AZ parang nagsusungit sakin."
Emilio: "Ayy alam ko na, yung nangyari sa inyo kahapon?"
"Bakit ano nangyari samin kahapon?" tanong ko at napakibit balikat sila
"Okay naman kami kanina ahh, ngumiti nga si AZ sakin." sabi ko
Josh: "Bro the kiss."
"Anong kiss? ohh my gosh did I?" napaisip isip ako
"Bro did I kiss her?"
Josh: "Yeah bro, kita ko."
Esnyr: "Yung ano?"
Josh: "Nagkiss sila."
Esnyr: "Aruyy..."
Guys nagchat si Brent, nasan na daw kayo sabi ni Ma'am?
Ralph: "Nauna na si Brent?"
"Abayy Oo Ralph para alam nya kung anong oras tayo..." mukhang galit si AZ sakin, wag kaya akong umatend
AZ's POV
Nagsi puntahan kaming stage pero asan si Ralph?
Kaya naman nagpaalam ako kay Ma'am na wala si Ralph, sabi ni Ma'am "ayy hanapi nak, ako nang bahala dito."
"Salamat Ma'am Castro." at hinanap ko si Ralph
Nakita ko sya sa Basketball court ng aming school
At kinausap ko sya: "Ralph sorry for the way I acted earlier"
Ralph: "I'm the one who should be apologizing if I did anything to point towards na alam mo na kung may actions man ako na nakakabahala sa ting pagkakaibigan, alam kong tropa kita at sina Esnyr, kung may gusto man ako sayo sasabihin ko sayo agad pero as of now hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sayo, AZ. Ano balik na tayo?"
Yinakap nya ko at pumunta na kami sa auditorium ng magkaakbay
Nagsimula na kami sa play namin and we got 1st place
"Congrats Cousin!" sabi ni Will, wait magpinsan silang dalawa
"Magpinsan kayo, so apelyedo mo Will? De Leon?" tanong ko
"Parang ganon na nga..." ngayon ko lang nalaman na magpinsan sila
Paalala: This is just an AU, ginawa ko nalang magpinsan sila ni Will at Ralph.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





