Fanfics

Chapter 35

02:24, 5 November 2021

*Your Pov*

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Infernes nawawala na eyebags ko. Bumaba na ko sa sala at nakita ko yung maids na inaayos ang bag na dadalhin nila tita.

Nagpunta muna ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Napansin ko rin si Simon na umiinom ng tubig.

"Good morning Si" bati ko sa kaniya at napalingon siya.

"Good morning" bati niya pabalik.

"Di daw makakasama si kuya mo mamaya sa paghatid kina Tita at Tito" saad ko at nagtimpla na ng gatas.

Di naman ako pala inom ng gatas noon pero ngayon kailangan kasi buntis ako.

"Okay" tipid niyang sagot at naglakad na palayo.

After kong inumin yung gatas ay hinugasan ko na ang ginamit kong baso. Kumain na rin kami ng umagahan kasi nga kailangang umalis ng maaga ni Sandro at late na rin siya uuwi.

"Update mo ko ha, magpadala ka ng pic sakin kung saan saan ka pupunta" saad ko at inayos ang butones ng polo niya.

"Opo ma'am" tugon niya at kinuha ang eco bag sa mesa.

"Take care mom dad" saad ni Sandro bumeso sa magulang niya.

"You too Sands ha, take care of Y/n" tugon naman ni Tita Liza.

"Yung mga binilin ko sayo ha. Kapag umulit pa to sa ginawa niya, ipakulong mo" pabirong sambit sakin ni Tito Bong.

I chuckled and looked at the serious Simon on our back. Nagpaalam na ko kay Sandro bago siya umalis. Pagkaalis niya nagsipasok na rin kami sa van papunta sa airport.

Katabi ko si Simon tahimik lang na nagccp. Gusto ko sana siyang kausapin kaso parang iniiwasan niya ko.

Tumingin ako sa kaniya at napatingin din siya sakin. Kakausapin ko na sana siya kaso bigla siyang nagsuot ng earphone.

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay nakarating na rin kami sa airport ng Ilocos. Solo nila ang isang helicopter syempre nga presidente si Tito Bong. Ang daming guards ang nakaantabay sa kaniya sa loob at labas ng helicopter.

"Ingat po kayo Tito Tita" sambit ko sa kanilang dalawa at kumaway.

Nagsimula na ang pag-ikot elisi ng helicopter. Nakita kong kumaway samin si Tito Bong pero hindi ko na narinig ang mga sinabi niya. Basta tumango na lang ako.

Para rin akong napupuwing sa lakas ng hangin. Nang makaalis na ang helicopter ay pumasok na kami sa van umupo si Simon sa pinaka hurling seat. Nagbato ako ng nagtatakang tingin sa kaniya pero umiwas lang siya ng tingin.

Wala na kong nagawa. Sinubukan kong tawagan si frenny pero walang sumasagot baka natutulog na siya, iba talaga kapag night shift.

Nang makarating na kami sa bahay ay naglinis na lamang ako sa may garden at backyard. Nagwalis ako at nagdilig ng halaman.

Naalala ko tuloy nung 20th birthday ni Simon. Nandito kami sa pool kasama ang mga kaibigan niya na naggi-gitara. And that time he kissed me.

Pero wala namang meaning yung kiss na yun. Nakainom lang talaga siya that time kaya niya nagawa yun. Tyaka imposibleng magkagusto sakin yun ang taas taas ng standard ng lalaking yun. Unlike his kuya, hindi katulad ni Simon ang magkakagusto sakin. Bestfriends lang kami nun.

Dahil sa pag-iisip kay Simon napalingon ako sa may bintana ng kwarto niya pero laking gulat na nakatingin siya sakin habang nalagay ang earphone sa mga tainga niya.

Ngumiti ako sa kaniya pero bigla niyang itinakip ng kurtina sa bintana. Anong problema nun?

------------------------------

PS. Sorry for my wrong grammars.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories