Fanfics

Chapter 17

16:05, 28 October 2021

*Your Pov*

Naghanda muna ako ng breakfast namin para na rin pasalamatan si Simon. I'll just cook sunny side up ehh, hotdogs and tocino kasi yun lang meron sa fridge niya.

Tulala pa rin akong nagluluto dito ng bigla "Good morning Y/n" saad ni Simon.

"M-morning Si" sambit ko at narealize ko na nasa iisang bubong lang kami ngayon. Na-awkward-an tuloy ako.

He's just watching me habang inihahanda ang pagkain namin sa lamesa.

"Kain na tayo Si" sambit ko at umupo na sa mini dining table dito sa kusina.

Hindi ganun kalakihan ang condo mas malaki lang ng konti sa apartment ni Krizel. Sabay kaming kumain ng tahimik.

"So, how are you now? Feeling good?" tanong ni Simon at sumubok ng kanin.

"M-medyo okay naman na ata ako" tugon ko at naglagay ng tubig sa baso ko.

"Ata? You mean di ka sure?" he asked again looking at me.

"Di ko alam" simpleng tugon ko tyaka sumubo.

"If you need something just say it Y/n, di naman ako others" saad niya before taking his last spoon.

I chuckled sightly before speaking "I know naman po, pero nahihiya din ako" saad ko at tumingin sa plato niya na wala ng laman, ang bilis talaga kumain nitong tao na to.

"Ako nga dapat ang mahiya Y/n, still if you need something I'm always here" saad niya at ininom ng straight yung tubig na nasa baso niya.

"Opo, Salamat talaga Si" nakangiti kong saad.

"You look prettier when you're smiling, always wear that" nakangiti niyang sambit tyaka siya tumayo at inilagay yung pinagkainan niya sa lababo.

I just smiled to what he said, pero di ko pa rin maiwasang malungkot. Pagkatapos ko ay inilagay ko na rin sa lababo yung pinagkainan ko.

"Just leave that there, I'll wash it" sambit ni Simon na ngayo'y kumakain ng orange "Want some?" tanong niya at binigay sakin ang kalahati ng orange na binalatan niya.

"Thank you" saad ko at sinimulan ang pagkain "Marunong ka palang maghugas ng pinggan" dagdag ko habang nakatayo sa tabi niya.

"Of course, it's just a basic course" tugon niya. Di ko pa kasi sila nakikitang naghugas ng plato.

Umupo na lang ako sa couch iniisip kung anong gagawin ko. Umupo sa tabi ko si Simon na gumagamit ng phone.

"Kuya, message me a lot. Asking if I found you na" saad niya at ipinasilip sakin ang mga message ni Sandro.

I sighed. Naalala ko nabitawan ko yung phone ko habang tumatakbo ako kagabi. Malamang may nakakuha na nun.

"Gusto kong kunin lahat ng gamit ko sa bahay, gusto ko ng lumipat ng Manila" sambit ko at tumingin lang sa bintana.

"Oh God, mom and dad, they're already at our house" saad niya at tumingin sakin.

Nanlaki ang mata ko at biglang kinabahan. "Wag mong sasabihin sa kanila na nandito ako" sambit ko.

"Yeah, don't worry I won't tell them that you're here, but I have to go back so they won't think suspicious on me.

"O-okay" saad ko at kumalma "Sorry talaga sa abala Si ha"

-----------------------

P. S. Sorry for wrong grammars.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories