Part 8
17:46, 2 October 2024🐣Kai POV-
Sumunod kami ni Jace kay Jai.. nag elevator kami.. pag kabukas dumungaw agad sa amin ang mga tao sa ibaba, makikita ang mga nag lalaban.. maririnig din ang ingay ng mga espada..
"Anong meron dito?" tanong ko kay Jairo.
"Mga trainee din sila, diyan kayo mag training." tugon ni Jairo..
mula dito sa itaas nag lakad lakad kami habang naka tinggin sa ibaba.. natanaw ko naman si Parker na nag iinsayo mag karate..
"Si Parker trainee parin ba sya?" tanong ko..
"Hindi, actually tuwing saturday nag te-training din kaming lahat, ako lang nag libot sa inyo dito." sambit ni Jairo..
"So kelan kami mag training?" sabat ni Jace.
"Mamaya after ko kayong e tour dito." sagot ni Jai..
Habang nag papaliwanang si Jairo sa amin naka tinggin parin ako sa ibaba.. Maya-maya may lumabas na lalaki, agad ko itong nakilala.. Si Sean, lumapit ito sa lamesa at kinuha nito ang Archer.. napansin din naman ito ni Jace,
"Si Sean yan diba? nag iinsayo din sya.. eh magaling naman na sya pag dating sa ganyan." sambit ni Jace..
"Well gusto nyang gawin yan eh, wala tayong magagawa." tugon naman ni Jairo..
"Bakit naman pana yung gamit nya sa pakikipag laban?" tanong ko.
"Gaya ng mother nya pareho silang magaling sa ganyan, pero lahat naman kaya nya, mas gusto nya lang talagang gamitin yan." sagot naman ni Jai sa akin..
Habang nag uusap si Jairo at Jace.. Nakatinggin lang ako kay Sean, bawat pana nito ay tumatama naman iyun sa target gold..
"Ang galing mo talaga!" sigaw ni Parker
Kita ko naman na binato sya ni Parker ng apple, agad naman kumuha ng knives si Sean, binato nya yun at dumikit naman sa pader ang apple.. di ko maiwasan na hindi humanga sa kanya, ang galing nya. Kita kong nag tawanan sila.. Nilapag ni Sean ang Archer at baril naman ang hinawakan niya, lumapit sa kanya si Parker.. nakaramdam ako ng selos kaya iniwas ko ang tinggin ko sa kanila.. Kita ko naman sa kabilang dako, nag kakarate, nag sasalitan ng suntok.. mayroon naman gumagamit ng matatalim, halos mag patayan na ito. Napansin kong pareho lang ang mga suot nila..
"Teka, kasama ba sa training yan." tanong ko ulit
"Oo, daan kayo sa ganyan ni Jace.. aabot sa point na kayo mismong dalawa mag papatayan." tugon ni Jairo at tumawa pa ito.
"Hala totoo ba yan?" tanong ni Jace at tumango lamang si Jairo sa kanya
"Ok trainee's magsi-tigil muna kayo!" sigaw ni Parker kaya napatingin ulit ako sa ibaba
"Yung last day of trainees today yun ang maiiwan, yung mga bago pumunta muna kayo ng kwarto nyo." sigaw naman ni Sean.
"Wait nasan ba si Jairo?" tanong ni Parker.
"Wait dito lang muna kayo wag kayong aalis ah." agad naman bumababa si Jairo.
umalis ang ibang trainee's, anim na lamang ang naiwan.. Lumapit ang dalawa sa anim na lalaki.
"Gusto kong malaman ang lakas nyo, fight us." pag hahamon ni Sean
"Hindi nyo kami kailangan matalo pero kung matalo nyo kami, mas maganda." bigkas ni Parker.
"Ipakita nyo ang mga tinuro ko sa inyo, ngayon wag kayong mag dalawang isip na tamaan kami.. isipin nyo kalaban nyo kami." sambit ni Jairo
"Nagsimulang gumalaw si Parker para laban na sya ng trainee, Sinundan naman ito ni Sean.. tatlo vs. anim.. seryoso ba sila, kita ko naman na halos pagtulungan ng dalawa si Sean, hindi ako mapakali.. para akong nanonood ng wrestling.. Natalo naman ito ni Sean, grabe ang lakas nya.. Halos patas lang ang labanan,
"Grabe ang galing nyo na." hinihingal na sambit ni Parker
"Pwedeng pwede na kayo sa grupo." sambit naman ni Jairo
kumuha naman ng espada si Sean at inabot yun sa anim...
"Dalawa, laban sa isa.. kayong dalawa, sakin kayo. tayo ang mauuna" sambit ni Sean.
Tumayo ang dalawa at inihanda ang sarili ganun narin si Sean.. umupo naman yung apat na trainee si Jairo at Parker.. pinanood lamang nila si Sean na nakikipag laban sa dalawa.. matatalim ang espada, bawat wasiwas nito ako ang natatakot para kay Sean buti nalang magaling siyang umiwas.. Nasugatan nya ang isa sa hita kaya hindi na ito lumaban.. Maya maya lang ay tumigil sila dahil nakatutok na ang espada ng lalaki sa leeg ni Sean, nag titigan lamang sila.. Nagulat ako ng bigla lumipad ang espada ng lalaki at agad napatumba ni Sean ang lalaki.. Hinawakan nya ito sa kamay at inalalayan nya itong tumayo..
"Good job, welcome to the group." sambit ni Sean sa dalawa..
"Salamat po!" natutuwang tugon ng dalawa.
"Pwede na kayong mag pahinga, yung sugat nyo may gagamot nyan." sambit ulit ni Sean
Yumuko ang dalawa bago umalis.. Ngayon si Parker naman ang susunod na makikipag laban sa dalawa, pareho syang nasugatan ng dalawang lalaki.. Magaling makipag laban si Parker pero mas magaling ito sa pag gamit ng baril kaya nga sya ang sniper ng grupo dahil sya ang pinaka asintado. Kita ko ang pag aalala ni Sean ng lumapit ito kay Parker kaya pinutol nito ang labanan..Sumunod naman si Jairo, mabilis nyang nasugatan ang dalawa dahil sa liksi at galing nitong makipag laban..
"Enough! parang gusto mo na silang patayin Jai!" sigaw ni Sean kaya natigilan ang tatlo sa labanan
"Oh panu ba yan, talo ko kayo." natatawang sambit ni Jairo
"Yabang mo talaga!" sambit naman ni Parker
"Kayong apat sumunod kayo sa dalawa may inihanda kami para sa inyo.. enjoy muna kayo, congrats new members." masayang sambit ni Sean
masayang umalis ang apat, naiwan naman ang tatlo sa ibaba..
🍢: dre parang gusto ko ng umaatras🐣: tarantado andito na tayo ohh🍢: parang di ko kaya ginagawa nila🐣: kaya yan ano ka ba.. wag kang matakot
🌽🍓🌭POV
🍓: Parker pagamot mo muna sugat mo🌭: Hindi ok lang mababaw lang naman ohh🌽: btw nandiyan na yung dalawa na gusto rin sumali🍓: Oo nga pala, sino ba yan?🌽: (tumingin ito sa itaas) ayun oh🍓: (napatingin ito sa itaas) what the hell!! bakit sila nandito!!? (bulyaw nito) 🌭: wag ka sakin magalit.. si Jairo ang nag pumilit sakin na isali yang dalawa dito🌽: hoy wag kang ano! nag agree ka din naman ah..🍓: Bullsh*t!! (tatalikod sana ito pero pinigilan siya ni Jairo)🌽: Hey wag kana magalit.. please (kumapit ito sa batok ni Sean)🌭: Teka nga e alis mo yang kamay mo🌽: bakit ba!.. Sean kilala mo naman ako, hindi naman kami kukuha ng tao kung hindi namin nakitaan ng potential 🍓: pababain nyo yung dalawa dito! (seryosong sambit nito)🌽: Bumababa daw kayo dito (sigaw nito)-Agad naman bumaba ang dalawa..🌭: welcome to our zone (natatawa nitong sambit sa dalawa)🍓: ano bang kaya nyo gawin!? (Galit na tanong nito)🍢: wow ang yabang ah, bakit hindi ka ba dumaan sa training huh??🍓: Abay sumasagot ka pa ah!! bastos ka!!🌽: Ahmm Sean pag pasensyahan mo na (pag aawat nito)🌭: wag ka naman ganyan sumagot kay Sean, Jace.. tandaan mo bago ka palang dito!🍓: Dahil kayong dalawa ang nag pumilit na ipasok yang dalawa dito.. kayo rin dalawa ang mag training sa kanila! 🌽: Sean naman hindi mo kami tutulungan? 🌭: Pag hawak lang ng baril maituturo ko sa kanila🌽: ako naman pakikipag karate lang.. eh ikaw kaya mo ituro sa kanila lahat..🍓: (hindi naman ito sumagot)🐣: (agad itong lumapit kay Sean) Yung leeg mo dumudugo 🌭: (inalis nito si Kai) Halika Sean gagamutin natin, nasugatan ka pala sa leeg.. 🌽: ako na gagamot kay Sean🌭: Ako na!🍓: tumigil nga kayong dalawa! may taga gamot tayo dito! trabaho na nila 'toh!!🌭: (humawak ito sa kamay ni Sean) sorry na.. wag ka ng magalit🌽: (lumapit ito sa mukha ni Sean) mamaya e massage kita para mawala yung pagod mo🐣: *his mind* kanina ko pa napapansin 'tong dalawa! hawak sila ng hawak kay Sean! ang sarap nilang sapakin!! 🍓: Mag umpisa na kayong e train 'tong dalawa! maging patas kayo huh! hindi porket kilala nyo 'toh eh magiging madali ang buhay nila dito! Hindi ganun.. Remember Jai, Parker, nakikita ko ang bawat galawa nyo! (tumalikod ito at umalis)🍢: ang sungit naman nun! makaasta akala mo sya ang boss dito!!-nagulat sila ng biglang mag sarado ang lahat ng lagusan,🌭: Ok the show begin (nag simula itong mag unat-unat)🐣: anong gagawin? 🌽: ito yung unang task (laugh)🍢: what do you mean?🌭: Jairo sakin si Kai.. sayo si Jace.. Mauna na kayo
🍢Jace POV-
Pagkasabi ni Parker na kami mauna ni Jai bigla akong kinabahan.. umupo naman si Kai at Parker. samantala si Jairo ay inahahanda na ang sarili.
"Teka lang naman, seryoso ba.. ito pa talagang matangkad ang ipapares nyo sakin?" tanong ko sa kanila, tinawanan lang nila ako.
"Alam mo wala naman yan sa matangkad o maliit nasa potential yan.. nasa galing ng performance." tugon ni Jairo
"Kaya mo yan dre!" sigaw ni Kai sa akin
Hinanda ko ang aking sarili, ready na akong masapak ng taong ito.. nag umpisa na ang laban, umiiwas lamang ako sa bawat suntok ni Jairo.. nasapak ko sya sa kanyang labi pero parang wala lang sa kanya iyun.. nang bigla nya akong tinamaan kaya agad akong nahilo at natumba.. nilapitan nya ako at inalalayan para tumayo naka bwelo ako hinila ko sya at ginamit ko ang paa ko para mabilis ko syang maitumba.. nasa ibabaw na nya ako ngayon, nagkatingginan kaming dalawa, napatingin ako sa labi nya.. dumugo pala ang pag sapak ko sa kanya.. hahawakan ko sana ang labi nya ng bigla syang bumuwelo at ako naman ngayon ang nasa ilalim. ngumisi sya sa akin..
🌽: Gusto mo pa ata akong halikan ah. (nakangiti nyang sabi sa akin)🍢: Kapal mo! hindi noh! yung labi mo kasi dumugo na oh..
Nakatinggin lang ako sa mukha nya, tang*na sobrang gwapo nya pala pag ganito kalapit.. Tskk bakit ko ba sinasabi na gwapo sya eh mas gwapo naman ako.. napatingin ako sa leeg nyang puro na pawis, pero parang ang bango-bango parin.. p*ta! bakit ko ba naiisip toh! Tinulak ko naman sya at agad syang tumayo.. bumangon naman ako at umupo..
🍢: Pwede bang tama na muna, pagod na'ko.(paki usap ko sa kanya)🌽: Fine, o kayo naman Parker.. (sambit nito sa kanila at umupo ito sa tabi ni Jace)
🐣Kai POV-
Tumayo agad ako.. dahil kanina ko pa gustong sapakin itong si Parker, Ewan ko ba ngayon lang ako nakaramdam ng inis sa kanya.. masyado na syang madikit kay Sean.. Pag kalapit ni Parker sakin, magsasalita pa sana ito pero bigla ko na syang sinapak.. kita ko naman na nagulat sya sa ginawa ko.. kaya nanggigil siya, umikot ito bigla at ginamit nya ang kanyang paa kaya natumba agad ako.. Tumayo naman agad ako, bawat sipa at sapak nya ay naiiwasan ko.. nakakasapak sya sa akin.. ganun din ako sa kanya, nang matumba sya, agad kong sinapak ang mukha nya.. Gusto ko nang basagin ang pag mumukha nya ng bigla akong pigilan ni Jairo.
🌽: Tama na yan! (sigaw nito)🍢: Ang galing mo dun dre ah, solid!🌭: Gigil na gigil? parang may personal kang problema sakin ah.🐣: W-wala naman pasensya na. (cold tone)
🍢: Hanggang kailan ba ang training?🌽: One week🐣: one week lang pala eh🌭: I Hope makaya nyo lahat..🌽: wala lang 'toh sa mga susunod pang training.. umpisa palang ito🌭: kabahan na kayo pag si Sean na ang mga training sa inyo🌽: marami nang nag train dito.. nag tangkang tumakas kaya pinatay, yung ibang umaatras, hindi na nakakauwe ng buhay..🍢: grabe naman yun!! bakit naman pinapatay?🌽: malalaman nyo rin kung makakapasa kayo..🐣: Si Sean ang pumapatay?🌭: No, mga tauhan lang din dito..🍢: Sa inyong hide out toh?🌽: lahat nang tanong nyo masasagot din yan pag miyembro na kayo ng grupo, ngayon wag muna kayo mag tanong🐣: Diba may bagong trainee bukod samin?🌽: Oo, pero iba ang mag tuturo sa kanila.. hindi lang naman kami ang magagaling dito🍢: Ahh ganun ba..🌭: simula ngayon kasama na namin kayo dito, Lalabas lang tayo pag may pasok🐣: Paano kung may personal na lakad?🌽: Basta hanggat hindi kayo miyembro ng grupo, Dito at sa school lang kayo palagi..🐣: Paano kung hindi makapasa?🌭: Eh di rest in peace (laugh)🌽: Pero sure akong makakapasa kayo.. may tiwala ako sa galing nyo🐣: Salamat sa tiwala.. 🍢: Si Sean saan yun ngayon?🌭: nakiki party na siguro sa mga new members, yung nakita nyo kanina-Bigla naman nag bukas ang lagusan, hudyat na pwede na silang Lumabas 🌽: Oh mag pahinga na muna kayo.. (tumalikod ito at umalis)🌭: pag pasok nyo sa kwarto nyo, may pagkain na dun.. (umalis narin ito)
-pagkaalis ni Parker.. nagtungo naman ang dalawa sa kanilang kwarto..
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
