29
11:39, 29 March 2025Pagkatapos ng klase, nauwi kami sa paborito naming café. Tahimik akong nakikinig habang nagkukulitan sina Sara at Millicent, pero sa loob-loob ko, nag-iisip ako kung paano ko sisimulan ang gusto kong itanong.
Habang hinihintay ang order namin, sinubukan kong gawing kaswal ang approach. "Napag-usapan niyo na ba kung susundan niyo ang yapak ng mga magulang niyo?"
Napatingin silang lahat sa akin.
"Biglaan naman 'yang tanong mo," natawang sabi ni Sara, sabay higop ng inumin niya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala lang. Naisip ko lang kasi... halos lahat naman ng magulang natin may established na trabaho, 'di ba? Parang expected na susundan natin 'yon."
"Not happening," mabilis na sagot ni Jette.
Napakunot-noo ako. "Talaga?"
Umirap siya. "Do you know how exhausting it is to be a lawyer? Lalo na 'yung tipo ng mga kaso na hinahandle ng parents ko? They barely even have time for anything else."
"Well, at least magaling sila sa ginagawa nila," sabat ni Adelia, pero ramdam ko ang bahagyang pag-aangat ng tono niya—parang automatic ang depensa niya. "Mataas ang respeto ng mga tao sa kanila."
Napangiti si Jette. "Yeah, I guess. I mean, Ravienne Law Firm wouldn't be that big kung hindi sila magaling, right?"
Napatingin ako sa kanya. "Pero... 'di ba minsan may mga kaso na hindi sila nanalo?"
Napataas ang kilay ni Jette. "Well, syempre. That's part of the job."
Nagtagal ang tingin ko sa kanya. "Pero paano kung may kaso na... hindi dapat nila tinanggap? I mean, something that goes against—"
"Gail," putol ni Jette, seryoso ang tingin. "Lahat ng kaso may gray areas. My parents don't take cases just for the money. They take them because they believe in their clients."
Tumango ako, pero hindi ako sumuko. "Paano kung may isang kaso na alam mong mali 'yung side na pinagtanggol nila?"
Naningkit ang mata ni Jette. "Are you implying something?"
"Wala naman," sagot ko agad, ngumiti nang kaunti. "Curious lang ako."
Tahimik akong napaisip. Kung alam ba ni Jette ang totoo tungkol sa isang partikular na kasong hawak ng mga magulang niya noon... magiging ganoon pa rin kaya siya kasigurado?
Lumipat ang tingin ko kay Adelia. "Ikaw, Adelia? Balak mo bang sundan 'yung pamilya mo?"
Napairap siya. "Alam niyo naman na ayoko. I don't like the pressure."
"Pero sila 'yung tipo ng tao na hindi mo pwedeng isnabin," biglang singit ni Millicent, pero walang bahid ng lambing ang tono niya—malamig, parang hindi pa rin nawawala ang distansya sa pagitan nila ni Adelia.
Napangiti si Adelia, pero kita ko ang bahagyang paninigas ng panga niya. "Well, duh. Xyronne ang apelyido ko."
"Pero seryoso," dagdag ni Sara. "Like, they're big names sa—"
"Yeah, yeah, I know," putol ni Adelia. "Pero just because mataas ang posisyon nila, doesn't mean I want that life. Masaya ako sa music at sa designing ko, at wala sa kanila 'yung desisyon kung anong gusto kong gawin."
Nagkibit-balikat ako. "Pero, Adelia... may mga bagay ba silang nagawa na hindi mo matanggap?"
Napatingin siya sa akin, bahagyang nagdududa. "Ano 'yang mga tanong mo, Gail?"
"Wala lang. Ang intense kasi ng mundo nila, 'di ba?" Pinilit kong gawing casual ang tono. "Like, if ever may malaking issue, sila agad 'yung nilalapitan para mag-fix ng mga bagay."
Natawa si Adelia, pero halata ang bahagyang tensyon sa mata niya. "Kasi kaya nila. My parents aren't corrupt, Gail. They wouldn't do anything na labag sa batas."
"Yeah," sabat ni Jette, "and for the record, just because they handle difficult cases doesn't mean may tinatago sila."
"I never said that," sagot ko agad, hindi nagpapahalata. "It's just... interesting to know how things work."
Tahimik akong sumandal sa upuan ko.
Jette, anak ng mga abogadong kayang baluktutin ang isang kaso. Adelia, mula sa pamilyang may kapangyarihang magtakip ng ebidensya.
At kahit anong sabihin nila... hindi nila alam kung gaano kalalim ang kasalanang itinago ng kanilang pamilya.
Sa kabila ng mga sagot nila, hindi mawala sa isip ko ang mga tanong na hindi nila sinasagot—o hindi nila alam na dapat nilang itanong.
Tahimik akong nakikinig habang bumalik ang usapan sa ibang bagay. Millicent at Sara, nag-aasaran tungkol sa kung sino ang mas magaling sa arcade. Georgia, abala sa pag-text. Jette, muling nagsasawsaw ng fries sa ketchup habang kausap si Adelia tungkol sa bagong design na ginagawa nito.
Pero kahit nagkukulitan na ulit kami, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sagot nina Jette at Adelia kanina. Hindi ko sila masisisi kung buo ang tiwala nila sa pamilya nila. Ganoon dapat, hindi ba? Dapat ipagtanggol nila ang pamilya nila. Dapat hindi sila magduda.
Pero paano kung isang araw, malaman nila ang totoo?
Napatingin ako kina Jette at Adelia. Hindi nila alam. Hindi nila alam na ang mga magulang nila—ang mga hinahangaan nilang magulang—ay may tinatagong kasalanan.
Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kanila.
"Hoy, Gail, anong iniisip mo?" tanong ni Sara, sabay tulak ng slice ng cake sa harapan ko. "Masyado ka nang seryoso diyan, parang ikaw 'yung may kaso."
"Wala," sagot ko, pilit na ngumiti. "Nagugutom lang siguro ako."
"Gutom o may iniisip?" sabat ni Millicent, nag-aangat ng kilay. "You've been weird lately, Velasco. Parang ang dami mong iniisip."
"Lagi naman akong maraming iniisip," balik ko, pilit na dinadaan sa biro.
"Yeah, pero iba 'to," dagdag ni Jette. "You've been acting strange. Tapos puro tanong mo, tungkol sa pamilya."
Napatingin sa akin si Adelia, bakas sa mata niya ang pagsusuri. "Bakit nga ba, Gail? Ano bang meron?"
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko puwedeng sabihin. Hindi pa ngayon.
Mabilis kong iniba ang usapan. "Wala namang masama kung maging curious, 'di ba?"
Tahimik silang tumingin sa akin. Alam kong hindi ganoon kadali para sa kanila na kalimutan ang naging usapan namin.
At alam kong hindi rin ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang sagot.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


