6
15:45, 8 March 2025Maingay sa buong campus. Lahat ng estudyante, may kanya-kanyang ginagawa—may nag-aayos ng stage, may nagbubuhat ng decorations, at may mga nakatambay lang, kunwaring tumutulong pero mas madalas pang nagpi-picture.
"Ano bang meron?" tanong ko habang naglalakad kami ni Sara papunta sa covered court. Kasama namin sina Jette at Adelia, parehong mukhang alam na kung anong nangyayari.
"School event," sagot ni Sara, excited ang boses. "Parang opening ng clubs and orgs, tapos may presentation din mamaya!"
Napahinto ako saglit. "Wait... ibig sabihin, may mga tao na namang magpi-perform?"
"Yup!" sagot ni Jette, naka-smirk. "Bakit, interesado ka?"
Napasapo ako sa noo ko. Syempre interesado ako—music 'yon! Pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila. Bago pa ako makasagot, biglang may dumaan sa harapan namin.
Matangkad siya, may mahabang buhok na naka-ponytail, at may suot na SSG badge. Kitang-kita ang confidence sa lakad niya, para bang alam niyang siya ang in-charge.
"Ayan na si Saoirse Vivienne Dela Fuente," bulong ni Sara.
"The SSG President," dagdag ni Adelia.
Pinanood ko ang babaeng tinutukoy nila. She was giving instructions left and right, her voice firm pero hindi naman masungit. Halatang sanay siyang maging leader, at halatang malakas ang personality niya.
"Alam mo ba, may chismis na kahit anak siya ng isang politiko, ayaw niyang sundan 'yung yapak ng pamilya niya," sabi ni Sara. "Mas gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan."
"Cool," sagot ko, habang pinapanood pa rin siya.
"Saka mas cool siya lalo kasi ang ganda niya," dagdag ni Jette, naka-smirk. "Crush ng bayan."
Napatingin agad si Sara kay Jette at biglang lumabas ang pilyang ngiti niya. "Oh? Bakit parang may admiration sa boses mo, Jette?"
Napa-roll ng eyes si Jette. "Wala ka na namang preno, Sara."
"Eh baka naman kasi may tinatago ka, di ba?" tuloy pa rin ni Sara, sabay dikit kay Jette. "Lagi mong sinasabi na crush ng bayan si Saoirse, pero hindi mo naman sinasabing hindi mo siya crush. Ano ba talaga?"
Si Adelia naman, nakahalukipkip habang nakangiti nang bahagya. "Actually, ngayon ko lang napansin, pero parang ang dami mong alam tungkol kay Saoirse, Jette."
"Ano ba, tumigil nga kayo," inis na sabi ni Jette, pero halatang may tinatago siyang ngiti.
"Hindi kami titigil hangga't hindi mo inaamin!" tukso pa ni Sara, halos manginig na sa pagtawa.
Nagkatinginan kami ni Adelia at natawa na lang din. Si Jette, as always, trying to keep her cool—pero hindi naman niya maitatanggi na may something siyang reaction tuwing naririnig ang pangalan ni Saoirse Vivienne Dela Fuente.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


