Chapter 25
09:09, 18 July 2023Szymon's
"By the way, good afternoon young lady." her voice, it has a british accent on it.
"Sino po kayo?" tanong ko.
"You really look like me." she said.
"Pwede ko po bang malaman kung sino kayo? Hind po pwedeng basta basta na lang kayong pumasok sa bahay namin." sabi ko pero ngumisi lang ito.
"But you got your attitude from your mama." sabi niya at parang naaaliw pa.
"Oh I'm sorry it's so rude of me, I didn't formally introduce myself " tumayo siya sa kinauupuan at inayos ang suit na suot niya bago lumapit sa'kin at inabot ang kamay niya.
"I'm Vonara Atkenson, does it ring a bell?" nakangiting sabi niya.
Tinitigan ko lang ang kamay niya at nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba yun.
Sa huli ay tinanggap ko rin ang kamay niya at nakipagkamay.
"Szymon." maikling sagot ko.
"I know." sabi niya ng nakangiti.
Vonara? Sa tingin ko ay parang narinig ko na yun.
Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. Lumayo ito sa'kin at bumalik sa kinauupuan niya.
"Take a sit." sabi niya. Ako pa talaga ang pinapaupo?
"Pwede po bang umalis na kayo? Maya maya kasi ang uuwi na sina mama baka maabutan kayo at magalit yun sa'kin." sabi ko.
"It's okay, she won't get mad at you. Come here, take a sit." sabi niya. Ewan ko ba kung bakit sumusunod ako sa sinabi niya.
"Do you have some questions? I'll answer it." sabi niya.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili at nagtanong na.
"Are you somehow related to my biological dad?" diretsahang tanong ko.
Natigilan naman ako dahil bigla siyang natawa. Anong nakakatawa sa tanong ko?
"Your dad? Do you really think that you have a dad?" tanong niya sa'kin.
"What do you mean?" tanong ko.
"It's really a long story but..." She paused.
"I'm your mom too." dugtong niya na nagpakunot ng noo ko.
My mom? Nagpapatawa ba siya? E ano ko si mama? Am I adopted? Hindi naman.
"Seryoso po ako." sabi ko.
Her face changed into a serious one. What the hell is happening?
"Do I look like I'm joking?" sabi niya.
"Pwede po bang umalis na lang kayo? Hindi ko po kayo kilala." sabi ko, pero tinitigan niya lang ako and I saw a hint of sadness on her eyes.
"Can you please let me talk to yo---" hindi natapos ang sasabihin niya ng biglang pumasok si mama.
"Mon? May binili akong pasalubong para sa---" bigla namang natigilan si mama pati na rin si Nanay na nasa likod nito ng makita kung sino ang nasa loob ng bahay namin.
"Ma, hindi ko po siya pinapasok, nakita ko na lang po siya di---" natigilan ako ng biglang sumigaw si mama.
"Pumasok ka sa kwarto mo, Mon!" sigaw ni mama.
"She don't need to, Veron. Let my daughter knows me too." sabi ng babae sa harapan ko.
Naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya. Daughter? Hindi ko na alam ang nangyayari.
"Mon, sumunod ka sa'kin. Pumasok ka na sa kwarto mo." sabi ni mama.
"You can't be this selfish, Veron. I want to talk to my daughter!" hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng lungkot dahil sa mga nangyayari.
Gulong gulo na ako, hindi ko alam kung anong nangyayari.
Nagsimula namang nag unahan ang luha sa mga mata ko at hindi ko na kayang pigilan to.
"Anak ko lang siya, umalis ka na dito!" sigaw ulit ni mama.
"Mama, naguguluhan ako." sabi ko.
"Just tell her the truth, Veron." sabi niya kay mama.
"No." matigas na sabi ni mama tsaka lunapit sa'kin at hinawakan ako sa wrist ko.
"Umalis ka sa pamamahay ko, Von." natigilan naman ako sa sinabi ni mama.
Von? She was once said that name.
When I was asking her about my dad.
"Ma, who is she?" tanong ko kay mama.
Nakita ko naman ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni mama.
"Ma, gusto kong malaman kung sino siya." sabi ko.
Napabitaw naman si mama sa pagkakahawak sa wrist ko.
"Mon..." naiiyak na sabi ni mama sa'kin.
"Please ma, sabihin mo na sa'kin." naiiyak na sabi ko.
"S-she's your m-mom too." nangunot naman ang noo ko sa sinabi ni mama.
"Mama naman, hindi 'to oras para mag biro. Ma naman, adopted ba ako." sabi ko.
"Hindi, hindi ka adopted. Galing ka sa'kin." sabi ni mama at hinawakan ang dalawang pisnge ko.
"Ma! Mama kita tapos mama ko din siya? Please enlighten me po." naiiyak na sabi ko, I can't help my tears. Napatingin naman si mama kay Von bago magsalita.
"We were once married..." naputol ang sasabihin ni mama ng magsalita si Von.
"We're still married." sabi niya.
Mas lalong nangunot ang noo ko but I want to know the story.
"Shut up." sabi ni mama sa kaniya at umakto naman itong zinipper ang bibig.
"We're once married but we're not now. We did an IVF kaya ka nabuo, anak. I'm sorry at hindi ko kayang sabihin sayo noon." sabi ni mama.
So they're both my parents? They were married?
And I have two moms?
"I have waited this for so long. I want to feel complete too. I want to feel of having a dad and it turns out that I have another mom. It's... It's hard to accept it all. Masyado po akong naguguluhan sa mga nangyayari. Please let me excuse myself po. I'm so sorry." sabi ko at tumakbo papunta sa kwarto ko at ni-lock yun.
Napaupo ako sa sahig at doon umiyak.
It's just so hard for me right now.
I mean, I'm not complaining of having two moms but for this long? They kept it from me?
Didn't I deserve to know what's the truth?
If Von I mean mom did not come here, hindi ko talaga malalaman?
I want to complain but I don't want to. Gusto ko silang sigawan but I can't.
Napatayo naman ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko at narinig ang boses ni Nanay sa labas.
"Mon? Pwede ba akong pumasok?" sabi niya mula sa labas.
Dahan dahan ko namang binuksan ang pintuan tsaka ako yumuko.
Hinawakan naman ako ni Nanay sa braso at inalalayan akong maupo sa kama ko.
Sinimulan niyang suklayin ang buhok ko.
"Alam kong mahirap para sayo ang lahat, Mon." sabi ni Nanay.
"Pero alam ko na matalino ka at maiintindihan mo din ang mga magulang mo." dugtong ni nanay.
"Pasensya ka na at hindi ko sinabi sayo. Humingi ng pabor ang mama mo sa'kin na kung pwede na huwag kong ipaalam sayo ang tungkol kay Von. Gusto ko mang sabihin sayo pero ayoko namang sirain ang tiwala ng mama mo sa'kin kaya pinili kong manahimik. Marami kaming pagkukulang sayo, apo. At humihingi akoo ng paumanhin sayo para sa lahat lahat." sabi ni Nanay na nakapagpaiyak lalo sa akin.
"Hindi ko po ba deserve malaman ang lahat nanay? Bakit naitago niyo sa'kin ng ganito katagal?" tanong ko kay nanay.
"Pasensya ka na apo. Pero hayaan mo silang magpaliwanag sayo. Kasi apo..." putol niya sa sasabihin at tumingin sakin tsaka ako nginitian bago magsalita ulit.
"May mga taong kailangang maghiwalay para sa ikabubuti nilang dalawa at may mga tao ring binibiyayaan ng pagkakataong makapagsama ng matagal. At yung mga magulang mo ay kasali sa unang sinabi ko. Hayaan mo na sila ang magkuwento sayo at para maliwanagan ka apo." nakangiting sabi ni nanay sa'kin.
Hindi ko na alam ang sasabihin kaya sumandal na lang ako sa braso ni nanay.
Alam kong may sari-sarili silang rason pero hindi ko pa kayang malaman ang mga yun. Kakausapin ko sila kung saan handa na akong malaman ang lahat.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)




