Fanfics

Chapter 3

14:01, 22 May 2023

"Mon! Hindi mo naman sinabi na anak pala ni Don Clavio ang bisita niyo." bungad ni Joli sa'kin ng makarating kami sa bahay ni Veina.

"Ngayon ko nga rin lang nalaman." sabi ko.

"Grabe ang ganda niya at ang bango, ano kaya sa tingin mo brand ng perfume niya? Parang ang sarap gayahin ng perfume niya." parang kinikilig pa niyang sabi.

"Hindi mo magagaya yan, she has her own perfume." sabat ni Veina. Bakit niya alam?

"Grabe nakakainspire naman siya. I love her already." napairap naman ako sa sinabi ni Joli.

"Right." pagsang-ayon din ni Veina.

Really? Kakarating lang niya dito mukhang na-hook na lahat ng tao sa kaniya dito.

Nagsimula na kaming kumain lahat at ang lahat ay masayang nagk-kwentuhan.

At ako ay naiwan dito sa sala dahil si Joli at Veina ay kinakausap si Sam.

Wow, nawalan pa ako ng kaibigan dahil sa kaniya.

Napatingin ako sa tatlong nagk-kwentuhan at napadako ang mata ko kay Veina.

Ang ganda talaga ng mga ngiti niya, ang ganda titigan hindi nakakaumay.

Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako dahil sa iniisip ko.

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko ng bumungad sa'kin ang mukha ni Samantha na nakangisi parang nang iinis pa.

Inirapan ko naman siya at nagpatuloy na kumain. Hindi ko rin alam kung bakit inis ako sa kaniya.

Kung sa pagandahan naman ay pantay lang naman kaming dalawa well mas mabango lang siya ng konti pero konti lang. Sa tangkad naman ay mas matangkad siya pero konti lang, ang hahaba kasi ng legs kaya siguro. Tapos yung buhok niya ang shiny parang bagong rebond na parang hindi.

Tss, alright, everything about her is perfect, I guess?

Wth, Mon? Did you just checked her out? No!

Tatayo na sana ako ng biglang tumabi si Sam sa'kin.

"So, I guess that girl over there is the apple of your eye?" bulong niya.

"Tss, shut up ka na lang." pagsusungit ko.

"Let me help you make her fall for you." napatingin ako dahil sa sinabi niya sa'kin.

"Nahihibang ka na ba? Bakit mo ba 'to ginagawa?" Tanong ko sa kaniya.

"This is my way of saying thank you sa pagpapahiram mo sa'kin ng slippers mo kanina." sabi niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. I really want Vein. But do I need someone to help me just to get her?

"Think, this is my only offer." sabi niya.

Napatingin ako kay Vein at nakitang nakikipag usap kay Jed na kababata rin namin, I know that Vein likes him.

Napatiim bagang ako dahil sa nakita, I looked at Samantha again.

She raised her left eyebrow to me and smirk.

"Okay, help me then." sabi ko.

"Good choice, let's start tomorrow." ha? ang bilis naman.

"Wait, hindi naman ako nagmamadali." sabi ko.

"Why? She seems like that guy baka mahuli ka." I gritted my teeth on what she said.

"Okay." sabi ko na lang.

"I'll fetch you tomorrow, we need some flowers." sabi niya bago tumayo at pumunta kay Nanay.

Napahinga ako ng maluwag, gosh, is this really happening?

Am I going to court, Vein? Damn.

"Heads up here everyone." napatingin kaming lahat kay Samantha.

"I just want to thank all of you for being here, It was so overwhelming that you guys welcomed me with a big smile on your faces." nagsipalakpakan naman ang mga kapitbahay namin.

"Tomorrow we will gather a small party at the hacienda and all of you are invited, if you guys wondering what to wear, just wear whatever makes you comfortable. I would love to see same faces tomorrow at the hacienda. Aasahan ko kayong lahat, thank you!" nakangiting sabi nito.

Lumapit naman ako sa kanila ni Nanay.

"Nanay, I need to go now. Uncle is waiting for me there." rinig kong pagpapaalam niya kay Nanay.

"Sige, Sam. Mag iingat ka, andyan na ba ang sundo mo?" tanong ni Nanay sa kaniya na tinanguan niya naman.

Sinamahan naman namin siya ni Nanay sa labas at nandun na nga ang sundo niyang sasakyan.

"I'll see you tomorrow." nakangising sabi nito.

Nang makapasok ito sasakyan ay bigla pa itong kumindat sa'kin. Wth?

At bakit bigla akong kinabahan?

"Mon, tara na sa loob." bumalik na kami sa loob ni Nanay. Sinalubong naman ako ni Joli.

"Feeling ko magiging mag besty na rin kami ni Sam." tiling tili na sabi ni Joli.

"Assumera ka beh." sabi ko sa kaniya at tinalikuran siya.

"Hala siya, tampo naman agad ang bata. Syempre ikaw pa rin ang main bessy ko, wag ka ng magtampo, uwu." inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Parang tanga.

"Pero ang ganda at bango niya talaga! Wait! Anong susuotin natin bukas?" excited niyang tanong sa'kin.

"Can I tell you something, Joli?" tanong ko sa kaniya, bigla namang nag iba ang expression ng mukha niya dahil alam niyang seryoso na ako.

I decided to tell her what I am, sana lang ay wag niya akong layuan.

"Sure, tungkol saan?" tanong niya, hindi ko sinagot ang tanong niya at tunalikod na lang at naglakad papunta sa likod ng bahay.

Nararamdaman ko naman siyang sumusunod kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Promise me one thing first." sabi ko sa kaniya ng tumigil na kami sa paglalakad.

"Nako naman, Mon. Pinapakaba mo naman ako, sige ano yun?" tanong niya.

"Na kahit ano mang sabihin ko, best friend pa rin tayo." sabi ko.

"Oo nga, ano na yun?" kinakabahan niya na rin tanong.

"I'm gay." deritsahan kong sabi sa kaniya. Napapikit naman ako ng madiin dahil kinakabahan ako sa reaksyon niya.

"Tapos?" tanong niya, napamulat naman ako at tiningnan siya. Ganun lang?

"Anong tapos? Ganyan lang reaksyon mo? Kaloka naman!" sabi ko.

"Beh, halata naman yang pagkabading mo simula pa lang ng mga bata pa tayo, si Veina lagi ang rason ng mga ngiting yan sa mga labi mo kapag nakikita mo siya. Hindi mo matatago sa'kin yun, kasi sa halos araw araw ba naman nating magkasama lahat ng maisesekreto mo alam ko na agad." napanganga naman ako sa sinabi niya.

"A-alam mo?" tanong ko.

"Ulit ulit? Oo nga, gusto ko lang naman na ikaw mismo ang magsabi at heto na nga nasabi mo na, proud na proud ako sayo, Mon!" bigla namang nangiligid ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Oh iiyak ka na naman." sabi niya na nagbabadya namang tumulo rin ang luha niya.

"I'm just happy na best friend kita." sabi ko.

"Wag ka ng umiyak bakla ka." sabi niya sakin at tsaka ako niyakap.

"Tikom mo muna bibig mo ha, hindi pa alam ni Nanay." sabi ko tsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sakin at umaktong zinizipper ang bibig niya.

"Balik na tayo sa loob at maghuhugas ka pa." sabi ko sa kaniya na ikinasimangot niya.

"Ay hindi na pwedeng mag pass?" sabi niya kaya naman isang hampas ang binigay ko sa kaniya.

"Sige, wala kang balot." sabi ko.

"Eto naman joke lang e. Tara na maghuhugas pa ako." sabi niya at hinila ako papasok ng bahay.

Nakauwi naman na ang ibang bisita at hindi ko na rin nakita si Veina, nagsimula na kaming maglinis ni Joli.

Bigla naman akong napangiti ng makita ang tsinelas na pinahiram ko kay Samantha kanina, iniwan niya na pala to.

Kinuha ko naman yun at nilagay sa kwarto ko. I put them on a shoe box and I didn't know why I did that.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories