Fanfics

MARCOSES 1: BONDING

14:01, 9 April 2022

After many minutes tapos na kaming lumangoy, nag picture picture lang ganun tapos post sa instagram. Ngayon naman ay naka upo kami dito sa sand habang tinitignan ang papalubog na araw

"Tangina hoy fionna picturan mo nga ako pang new profile lang sa peysbok" sabi sakin ni carina sabay abot ng phone niya

"Tanginamo lods ginawa mo na akong photographer, ibato ko kaya tong phone mo sa tubig?" Sagot ko

"Huyy huwag naman, sorry na kase mas maganda kase kuha mo kesa sakanila kaya pleaseee pag bigyan mo na ako, huwag kang mag alala ilalagay ko naman kung sino nag pic sakin" sagot nito kaya umoo nalang ako

Picture dito picture doon, walang katapusang picture tapos ako pa yung ginawa nilang photographer

"Hoy picturan niyo din ako" sabi ko sakanila pero walang namamansin

"HOY SABI KO PICTURAN NIYO DIN AKO BAHALA KAYO HINDI KO NA ULIT KAYO PIPICTURAN KAHIT KAILAN" sigaw ko pero wala pa ding pumapansin

Tangina. Ibalibag ko kaya sila papuntang mars.

___

Tapos na kaming lumangoy, picture, kain kaya ngayon ay nandito na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Heto ako naka higa sa kama at tinitignan yung picture ko kanina, as in ako nag picture sa sarili ko like ang hirap kaya.

Pumipili ako ng picture ko para iprofile sa ig acc ko, wala akong facebook dahil wala lang ayaw ko lang.

"O-oh this one hehehe" sabi ko sa sarili ko

"Grabe self napaka ganda mo talaga" sabi ko sa sarili ko hanggang sa may nag salita at si carina nanaman yawa.

"Anong maganda, san banda teh?" Tanong nito sakin kaya inirapan ko

"Sa face malamang alangan naman sa pwet" sagot ko naman

"Dika naman maganda eh mas maganda pa yung kapatid mo" sagot nito

Putangina sampalin ko na ba 'to?

"So? I have my own beauty and you don't need to compare my beauty to my sister carina!" Sagot ko

Minsan nakakainis din siya eh. Siya yung klaseng kaibigan na pinapababa confidence mo.

Like what the hell!! The other people too they're always comparing me to Allyson, i really hate that attitude.

"Huy joke lang naman ih, bat ba kase ang seryoso mo ang hirap mong biruin" sagot nito

Tsk!

"Walang biro biro saakin carina! Alam mo naman na yan diba" sagot ko at tumalikod sakanya

"Wuyy sorry na kase diko naman sinasadya ih, i'm just doing this para maging palaban ka" sabi nito

"Palaban? For what?" Tanong ko sakanya

"Baka kasi soon may maka away ka or anything, ang soft hearted mo kasi ih, ganyan dapat maging seryoso at palaban ka" sabi nito sakin at niyakap ako mula sa likod kaya niyakap ko din ito

"Thankyou carina. Thankyou for always being here by my side" sabi ko at nginitian niya lang ako

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories