Fanfics

CHAPTER TEN

04:24, 10 April 2022

It's already Tuesday and that means may pasok na ako mamayang one pm,kaya naghahanda na ako but I scratch my head when I saw my newly arranged papers na nakakalat na naman. At sino pa ba ang gagawa nun? Edi ang magaling kong anak. He's with me dahil may pinuntahan sina mom and dad na very important daw. Si ate Mela naman ang usual na nagbabantay sa kaniya ay nag-day off din. Wala akong choice kung hindi ang papasukin siya dito sa kwarto ko dahil baka kung mapano pa siya sa labas.

It's already 12:42 at wala pa ding magbabantay kay Davin,and to make the situation worst  nagtantrums pa siya,ayaw niyang humiwalay sakin at iyak siya ng iyak to the point na din na siya makahinga at hindi ko na alam ang gagawin dahil ngayon lang to nangyari.

"Shh Davin mommy's here". Alo ko pero mas lumakas lang ang iyak niya.

I snatch my phone and thought of calling someone pero dahil Tuesday ngayon malamang may pasok din ang mga kaibigan ko.I thought of calling Terese, Ponggay's sister.

And so I pressed her number while swaying Davin dahil mas lumakas na ang iyak niya. I thank every saint when she answer my call.

"Hello Teresa! ".

"Yes Bea?". Nanigas ang buong katawan ko ng marinig sa kabilang linya ang boses ni Thirdy??

"Hello Bea?". Sagot niya ulit.

I looked at my phone and napapikit sa inis ng makitang number iyon ni Thirdy.

"Bea? Are you there? Hello? Teka..umiiyak ba si Davin?". Muling tanong niya.

"Hmm hello Thirdy sorry wrong number kasi".

"Bakit umiiyak si Davin?" Nag-aalala niyang tanong,ingnoring what I said na wrong number.

"Uhm he's just throwing tantrums but I have to put him down cause I'll be having my class na". Nasabi ko nalang.

"Okay I'll be there". Nanlaki ang mga mata ko,I was about to stop him but he just hang-up.

I gulped when the clock hit 12:55,5 minutes nalang magsisimula na ang class ko. Nabaling ang tingin ko pintuan nun ng bigla itong bumukas at iniluwa si Thirdy na hinihingal pa.

"Bea!I'm ..h-here n-na ". Imporma niya as if hindi ko alam.

Agad namang naagaw ng iyak ni Davin ang atensyon namin pero Ngayon ay nakabuka na ang mga kamay niya kay Thirdy,I sighed and hand him to Thirdy.

"Shh Buddy I'm here". Pag-alo niya pero umiiyak pa rin si Davin though humina na iyon.

Napatitig ako sa kanilang dalawa,pero naagaw din ng alarm ang atensyon ko ng,agad akong puwesto sa study table at nag-open ng gmeet. Tumingin lang ako kay Thirdy he "go on ako na bahala" then pointed at Davin who's about to fall asleep.

I nodded and listen to my class. As much as I wanted to focus I couldn't dahil ramdam Kong nanlambot ang kalooban ko ng maalala kung ano ang ginawa ni Thirdy kanina. Hindi ko akalaing pupunta agad siya dito para bantayan si Davin.Parang hinahaplos ang puso ko.. okay kinilig Ako kanina ng very light lang dahil sa ginawa niyam I mean who wouldn't? Sino naman ang gagawa ng mga ginagawa niya? I shouldn't put meaning sa lahat ng ginagawa niya dahil "magkaibigan" naman kami like what we agreed kagabi pero di ko maiwasang isipin na 'what if mahal niya pa ako katulad ng mahal ko pa rin siya?'.

Pero kasi.. I know meron na eh. May bago na. Huminga nalang ako ng malalim at agad na tinuon Ang atensyon sa lecture. Nasa kalagitnaan ako ng klase ng bumukas ulit ang pinto,lumabas kanina si Thirdy na dala si Davin,I think they're in the guest room. Nakita kong si Thirdy ang pumasok at may inilapag na coffee at slice ng cake he smiled at lumabas ng kwarto ko.

Huminga ako and I stopped myself from smiling like a fool,damn it! Damn Thirdy and his actions! Hanggang sa matapos ang klase ay may munting ngiti sa labi ko kahit hirap ako sa mga lectures kanina and I really know why I'm like this. If I keep on ignoring my feelings mas nagiging bida-bida naman kaya instead of denying I'll admit it. Wala namang masama doon,for now. I guess for now it's okay dahil alam ko namang wala ding mangyayari samin dahil may mahal siyang iba,it's just the truth that I am still in love with my ex whom I owe an explanation and truth but I still choose to lie.

Ng lumabas ako ay nakita ko Sila ni Davin na nagtataguan sa living room namin sa baba,I can hear Davin's laugh and Thirdy's voice. I smile and imagine,how will it be if he knows that Davin is his? Will I expect to see them like this everyday. Only of I could find answers to all the what if's that I have.

Natigilan ako ng mula sa kinatatayuan ko Nakita kong nakasilip si Mom and Dad mula sa dinning area namin,sinisilip nila ang dalawa sa living room. So.. they're here na? Kanina pa?

Agad akong bumaba kaya namam nabaling ang atensyon ng lahat sakin. I gulped and look at mom,kinayawan ako ni Thirdy at Davin,ngumiti lang Ako ng tipid.

"What lang bud". Narinig kong sabi ni Thirdy kay Davin.

"Hello? Yes? Wait what? Ngayon ba yun? Okay I'll be ... Sigeee ..see you". Aniya na may kausap sa phone agad namang kumunot ang noo ko.

Binuhat niya si Davin at naglakad papunta sakin.

"Bea,tito,tita I need to go na po". Paalam niya pero hindi Ako sumagot kunot-noo ko lang siyang tiningnan.

"Hindi ka ba muna maghahapunan Thirdy?". Si Mom

"No tita,kailang ko na talagang umalis eh". Sagot niya at hinalikan ang ulo ni Davin bago niya inabot sakin.

"San ka ba kasi pupunta?". Hindi ko na napigilang itanong.

Nakita kong natigilan siya bago sumagot.

"Hmm may lakad kasi kami ni Julia..".

"Okay,ingat ka." I said coldly bago ako tumalikod at pumasok ng living area.

Narinig kong nagpaalam siya ulit kina Mom but I don't care,I don't know why I'm acting like this when I shouldn't be pero hindi ko lang mapigilan ang inis ko,he could have stay here for dinner pero hindi dahil..kainis.

"Hinay-hinay lang baka mabulunan namanang anak mo". Natigilan Ako sa pagsubo kay Davin at nakitang puno-puno pa nga ang bibig niya.

"Kung galit ka sa Daddy niyan wag mong idamay ang bata,kawawa eh". Si Mom

"Hindi ako galit mom Hindi ko lang napansin na puno na ang bibig niya dahil may iniisip Ako".

"And sorry kung nandito siya kanina". Patuloy ko

Huminga ng malalim si dad bago sumagot.

"It's fine,nasabi na ni Thirdy ang rason kanina and I don't mind him being here at makipagbonding sa 'anak' dahil honestly naawa ako sa kaniya for not knowing the truth but because I understand you I will wait for your move". Si Daddy at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

Even me,I wasn't able to answer him dahil maging ako ay nalilito din,it's just that things were so complicated now. If I'll tell him the truth now,what will happen? Ayokong makihati si Davin sa oras niya,ayokong maipit si Davin sa gitna kapag bigla nalang magkagulo,ayokong umasa at higit sa lahat ayokong masaktan kapag nagalit siya sakin. I am not afraid of people judging me for being a mom in a young age,for.. well,atleast now I am not afraid of him knowing about Davin kasi nakita ko namang gusto niya si Davin at gusto din siya ni Davin pero alam kong magagalit siya sakin kapag nalaman niyang nagsisinunggaling ako.

I'm selfishly selfless.. may ganun ba?

I just sighed cause the question in my mind keeps on adding on everyday at nakakpagod na.When we all finished our dinner,kaniya-kaniya kami ng akyat para makatulog na.

1 message received.

Agad ko itong binuksan.

From: Thirdy

Hey! I wasn't able to say good bye kanina dahil tumalikod ka na. Anyway just wanted to say I enjoyed accompanying Davin earlier and you don't need to thank me,good night. Kiss Davin for me :)

Tsk,whatever and yeah I won't say thank you talaga dahil sa loob ng 3 years ngayon ka lang naman nagbabysit sa anak mo. I just closed my phone not replying because he doesn't deserve it.

Agad akong humiga at natulog same as Davin who's laying next to me. I carries his face,I will do everything to protect this young man. I will choose him over and over again no matter what.

Agad akong nakatulog matapos nun. The next morning I woke up and saw Davin looking at my face,his forehead is crumpled and he's wearing that serious look.

"Hey good morning baby". I greeted him,para naman siyang nabalik sa realidad at agad na ngumiti now he looks like me na.

"Ning my". Aniya at ngumiti bago yumakap sakin.

I hugged him back and both of us got up,agad akong bumaba habang bitbit si Davin sa mga braso. Pero natigilan ako ng makita ang di ko inaasahang tao sa hapag namin at prenteng nakaupo sa UMUPUAN KO!

"Hey!". Tawag ko and I bumped my waist to his shoulder.

"Uy gising na pala kayo,good morning". Aniya at ngumiti.

I rolled my eyes.

"Walang maganda sa morning, nothing when you're sitting on MY chair". Inis kong sagot.

"YOUR chair? How was that? I didn't see your name here". Pang-aasar din niya.

"So kailangan bang ganun when this whole household knew that it's mine and no one is going to use it but me".

Sasagot pa sana siya ng ..

"My mik". Ani Davin at kinalabit Ako.

"Okay". Ngiti ko sa kaniya.

Agad akong pumasok sa kitchen para magtimpla ng gatas.

"Paano mo ginagawa yan?". Inis kong nilingon si Thirdy ng magtanong siya habang nagtitimpla ako.

Hindi ko siya sinagot pero pinakita ko sa kaniya kung paano. Ng matapos ay ibinigay ko kay Davin Ang milk niya at agad naman siyang nagpakuha kay Thirdy,I had roll my eyes before giving him.

"Magsama kayo". Inis kong bulong at nauna ng maglakad.

"Magsama daw tayo". Narinig ko ding bulong niya.

Hindi ko na siya pinansin pero napangisi ako dahil doon,gago talaga. When I went back to the dinning area,umupo ako sa upuan ko,yes my chair at sisguraduhin kong ako ang uupo dito  at lilipat siya.

Ng makabalik din siya ay narinig kong bumuntong-hininga siya at umupo sa tabi ko. Whatever his doing here is pestering me pero somehow gusto ko din,it's a battle between not wanting him to be included in our lives anymore and my feelings for him that I can't seem to fight na.

..........................

Napakamot ako ng ulo ng pagbalik ko nakaupo na si Bea sa kaninang inuupuan ko dahil it's HERS daw,kahit kailan hindi talaga ako mananalo sa babaeng to. She will always win and I don't have a choice but to sit in the chair beside her. Tinaasan niya ako ng kilay before she stick her tongue out. Parang bata!

Kinuha ko nalang ang plate ko sa harapan niya agad naman siyang binigyan ng yaya niya ng bagong plato. We all continue eating while Davin is having his milk,magaan talaga ang loob ko sa batang to,at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siyang Makita kaya before I knew it nandito na ako waiting for him to wake up. At nagkakapagtaka dahil ang bilis Kong naattach sa kaniya. Nilingon ko si Bea na kumakain lang ng tahimik habang nag-uusap sina tita at tito.And I was grateful that tita at tito doesn't seem to have a problem with being here. Nilingon ko si Davin,hindi kaya dahil anak siya ni Bea kaya ganun nalang ang pagkagaan ng loob ko? I look away and wonder...

Even if he's the reason why we broke up,that he chose Davin over me before that's why she left. Hindi ko maiwasang mapangiwi ng bigla akong nakaramdam ng pait sa lalamunan ko. She chose the child she had when we are still together. But I can't seem to hate this child,Wala naman siyang kasalanan. Sobra akong nasaktan dati,aaminin kong halos itigil ko na ang lahat noon,I want to quit basketball,the league,I just wanted to stop dahil everything hurts. But when I tried going on the league I had myself distracted.

Distracted but still hurt,pero hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang pagpunta kay Bea ngayong nakabalik na siya galing sa pagpang-iiwan sakin.

"Dy done". Bumaba ang tingin ko kay Davin ng itaas niya Ang feeding bottle niyang Wala ng laman.

"Very good little bud,what do you want to eat?". I tried to ask kahit alam ko namang once na nakainom na siya ng milk hindi na siya kakain.

"That". Turo niya sa ham and rice na nasa plato ko.

Gulat ko siyang tinitigan,napalingon din ako kay Bea.. gulat din siyang nakatitig kay Davin. Tumikham ako at agad siyang sinubuan at talaga namang magana siyang kumain. How come?

"Aren't you full enough Davin?" Suway ni Bea ng akmamg susubuan ko ulit si Davin. Agad naman nitong tinikom ang bibig at umiling sakin. He seem to be scared sa mommy niya.

"Bea,let him eat parang gusto pa eh". Suway ko din sa kaniya. I saw Davin open his mouth again.

"No,stop na baka sumakit na ang tiyan niyan he can't take too much ma-ooverfed mo siya". Sagot din niya,napakamot din ng batok,yeah she's right.Ng makita ni Davin ang pagkamot ko agad niyang itinikom ang bibig at malungkot akong tiningnan ganun din ang tingin na binigay ko sa kaniya.

"Sorry bud takot din Ako sa mommy mo eh". Bulong ko sa kaniya.

"Buti naman". Narinig kong sagot ni Bea at nagtuloy sa pagkain,parehong bumagsaka ang balikat namin ni Davin,as if he understands the situation.

Matapos naming kumain ay nagpahinga lang kami sandali before we decided to swim sa pool,I don't want to go home yet wala naman akong ginagawa kaya dito nalamg muna ako at okay lang naman kina tito so I stayed. Kami lang ni Davin ang nasa pool,while Bea is just sitting in the side and reading,I think she's studying. Nag-eenjoy na kami ni Davin ng sabihin ni Bea na Tama na and once again Wala kaming nagawa kundi ang umahon at magbihis and because she haven't change her closet yet nandoon pa rin ang mga hoodies na 'hiniram' niya sakin na di na nasuli kaya may nasuot ako.

I stayed there for the whole day,kahit ang pagtulog ni Davin sa tanghali ay nandoon ako. Parang ayokong umalis sa tabi niya. Pero I have to go home na pagsapit ng hapon dahil may practice pa ako bukas and I can't really stay for the night. Hinintay ko munang makatulog si Davin at saka Ako nagdecide na umuwi panay ang halik ko na akala mo anak ko,it's just that I'm so attach with him.

Hinatid ako ni Bea hanggang sa labas ng bahay nila when I was about to get in my car..

"Why are doing this Thirdy?",she asked the same question I keep on asking myself.

Yeah,why Thirdy?..

a/n: hello guys,I just want to clarify something dahil baka malito kayo,base sa google( google girl kasi ako) ang time difference ng California at Philippines ay 15 hours,ibig sabihin kapag Monday sa California, Tuesday na dito sa Philippines kaya Tuesday Ang pasok ni Bea,if 10 am sa Calif. 1 pm na dito sa Pilipinas. Kung napansin niyo sa last chapter yung pov ni Bea Sabi niya Monday na dito sa Philippines at may pasok na ang mga kaklase niya no wrong pala kasi basically Sunday palang sa California nung Monday dito. Sorry po kasi talagang lutang Ako ng isulat ko ang last Chap. 😭

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories