Akap
13:45, 13 July 2018Synopsis:
Survivor si Jade ng child abuse. Musmos pa siya nang ibenta ng mga magulang dahil sa kahirapan. Bugbog, child labor at iba't- ibang kalapastanganan ang mararanasan ni Jade sa kamay ng foster parent niya.
Tahimik ngunit palaban ang batang si Jade. Makakatakas siya sa kalbaryo at mapupunta sa bahay-ampunan.
Lilipas ang panahon, makakatapos si Jade ng highschool. Magta-trabaho siya sa patahian habang unti-unting pag-aaralin ang sarili sa *kolehiyo - state college kung saan siya iskolar.
Sa kasamaang palad, mag-iiwan ng emotional at mental scars kay Jade ang masaklap niyang nakaraan. Philophobia is the fear of intimacy, falling in love, being in love or emotional attachment. Jade will suffer from that condition.
Magbabago ang malungkot na mundo ni Jade mula nang makilala si Althea. Professor si Althea sa state university. Gumagawa ito ng research about child abuse and trauma. Madi-discover niya si Jade.
Ang simpleng research ni Althea ay mapapalitan ng concern para kay Jade sa paglipas ng mga araw na magkausap sila. Maiintriga si Althea talambuhay ni Jade, mamumulat sa mga mapapait na karanasan nito at masasakit na ala-ala. Hanggang sa magigising siya isang araw na mahal na niya si Jade.
*Bawal na pag-ibig. Professor siya at estudyante si Jade. Although mid-twenties na si Jade dahil huli nang nakapag-kolehiyo.
Mabigat man ang problema ni Althea, mas masalimuot ang ordeal ni Jade. Gulong-gulo siya kay Althea. Jade suffers from a strange phobia caused by her traumatic past at hirap na hirap siyang unawain ang naglalaban niyang puso't isipan. Developing feelings for Althea is one thing, being intimate with her is self-betrayal on Jade's part. In short, Jade's psyche is torn to pieces - to the point she's suicidal. Takot na takot na siya sa nararamdaman niya... dahil nahulog na rin siya kay Althea.
Genre: Drama
Status: Writing prompt - major research on Philophobia needed.
-------------------------------------------------
Minsang sinubukang isulat ng inyong lingkod. Sadly, hindi talaga siya marunong magsulat ng love scene - na kailangan sa kwentong ito. Ang ending, nabwisit siya at sumulat ng ibang kwento. :p
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!





