XVIII
10:23, 4 October 2018"Deanns! Bumangon ka na kasi dyan! Kanina pa tayo hinihintay sa baba. Wag ka na maligo at male-late tayo sa mass!"
"Ughhh. Hindi nalang muna ako sasama. May mass naman mamayang hapon dun nalang ako"
"Hoy Deanna! Ngayon nalang ulit kayo makakapag mass ng sama sama ng family mo ang tamad mo pa!"
"Okay fine! Give me 30 minutes"
"30 minutes?! E ang start ng mass 7:00 am. 6:35 na Deanna! Wash your face them magpalit ka na ng damit tapos bumaba na tayo"
"OK MOM! Mas malupit ka pa sa nanay ko Syd. Bumaba ka na susunod na ako"
"Where do you want to eat baby girl?"
"Mom I'm not baby anymore. Pwede ba sa tapsihan nalang? Namiss ko yun eh"
"Usual place?"
"Yes please Mom! Masarap dun Syd mageenjoy ka"
Andito na ako sa Pilipinas. Nung May 10 pa. Hindi ako sumabay sa May 7 ni Bea kasi baka magkita kami sa airport. Hindi nya din alam na nandito ako ngayon. Philippines is and always be my home.
"Wala ka pa rin bang balak ipaalam sa mga friends mo na andito ka? Makikita at makikita ka ng mga friends mo sainyo. Iisa lang kayo ng village"
"Wag muna Syd. Magpahinga muna din tayo. Nakakapagod kaya yung byahe"
"Buong maghapon ka na natulog kahapon. Hindi pa ba pahinga yun? Dalawang buwan lang tayo dito Deanns"
"Family time muna. Wag ka na makulit. Ipapakilala naman kita kay Ricci eh"
"What?"
"Sussss! Alam kong crush mo si Ricci!"
"Duh? Hell no!"
"Yieeee! Defensive! Ilalakad naman kita eh!"
"Ikaw ang gusto ko eh" bulong niya pero hindi ko masyado narinig
"Ano? Anong ako?"
"Wala! Sabi ko baka ikaw ang may gusto kay Ricci! Tara na nga!"
Ilang araw pa ang lumipas hindi ko parin sinasabi sa mga kaibigan ko na andito ako sa Pilipinas.
I chatted Bea
Hanggang kelan ka sa Pinas?
2 months naman ako lagi dito kapag nagbabakasyon ah. Wala pa akong ticket pabalik ng US
Oh. I see. Nagkita na kayo nila Luigi?
Oo. Ngayon palang. Andito kami sa bahay nila. Kasama ko si Jho. Ikaw nga lang ang kulang eh. Bakit di ka pa kasi umuwi dito?
Talaga? Ano ginagawa niyo ngayon? Baka naman hindi parin kayo nagbabago? Inom pa din?
Nope! Netflix and pizza!!! Miss ka na namin. Pinag uusapan ka nila dito. Simula daw nung nagchat ka sa group natin ayun na yun. Hindi ka na daw ulit nagparamdam.
Nakonsensya naman ako sa sinabi ni Bea. Eh kung puntahan ko kaya sila don ngayon? Ang lapit lang naman ng bahay ni Luigi samin eh.
"Anong iniisip mo dyan?"
Kakalabas lang ni Syd ng CR. Bagong ligo. Tumabi sya sakin habang nagpupunas ng buhok.
"Miss na daw ako ng barkada"
"Bakit kasi hindi ka pa magsabi sakanila?"
"Andyan lang sila sa bahay ni Luigi ngayon. Kumpleto sila"
"Ano ba kinakatakot mo pa? Si Jema? Siya parin ba laman nyan hanggang ngayon?" Tinuro nya yung puso ko gamit ang nguso nya
"Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo Syd. Dalian mo dyan. Magsuklay ka. Pupuntahan ko na sila. Isasama kita"
Si Bea nga pala. Hindi ko pa narereplyan.
Talaga ba? Miss ko na din kayo eh. Sige lilipad ako papunta sa bahay nila Luigi.
Sana nga may super power ka na nakakalipad ka di ba?
Malay mo meron?
Deanna tandaan mo hindi bata ang kausap mo.
Isip bata lang? Hahahaha! Kidding! I'll see you pag nakalipad na ako ha?
Tigilan mo ko Deanna ha! Pwede ka ba namin tawagan? Video call? Miss ka na talaga namin eh.
Nope. Busy ako right now. Maybe later? Give me 10 minutes. Tatapusin ko lang tong ginagawa ko. Bye! See you!
"Ano tagal mo naman. Tara na!"
"Bakit kasi ayaw mo pa bumili ng blower eh"
"Aba aba! Ikaw nalang tong nakikitira sa bahay namin ha! Demanding ka pa"
"Aba aba ka rin! Sino ba nagsama sakin dito?"
"Fine. Tara na?"
Nauna ako tumayo ng kama at inabot ang kamay ko sakanya.
Nagpapabigat pa sya kunwari eh ang gaan gaan nya. Ang liit nya pa. Hahaha!
"Ayun bahay nila Luigi. Ready ka na?"
"Bakit ako tinatanong mo? Ikaw dapat. Ready ka na magpaliwanag sakanila?"
"Siguro? Tara na" hinawakan ko ang kamay ni Syd and intertwined it.
"Oh Deanna? Kelan ka pa nakabalik?"
"Hi po tita. Buti po nakita ko kayo dito sa labas. Gusto ko po sana isurprise sila. Wag po kayo maingay ha? Si Syd nga po pala tita. Friend ko sa Singapore"
"Hello po"
"Sige na pasok na kayo. Ako na magsasara ng gate"
"Ingat po kayo tita"
"SINONG NAMIMISS NYO?" Sigaw ko mula sa pintuan nila Luigi. Medyo nakasara kasi. Nakaawang lang ng konti. Sinisilip ko lang sila at seryoso sila sa panonood ng movie.
"Si Deanna ba yun? Love may narinig ka din bang nagsalita? Parang si Deanna" Bea said
"Wala Bei. Focus ako sa movie" Jho replied
"Huh? Minumulto ba tayo ni Deanna guys?" Ponggay said
"Bakit naman tayo mumultuhin eh hindi naman patay si Deanna?" Ricci said
"Mga baliw kayo. Kakapanood nyo ng horror yan. Comedy na isunod natin dito ha?" Luigi said
Nahagip ng mga mata ko si Jema. Mag isa lang sya sa isang couch. Bakit lalo ata syang tumahimik? Pero ganon pa din sya. Ang ganda nya padin. Parang yung una ko lang syang nakita. Ganon na ganon pa din. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganon? Masasayang lang ba yung 8 months ko sa Singapore?
"Huy Deanna? Ano dito nalang ba tayo?" Bulong ni Syd
"Oo eto na. Bubuksan ko pinto. Sisigawan ko sila. Tignan natin reaction nila hahaha!" Ang pangit nung tawa ko. Literal. Alam mo yung tawang pabulong? Ganon.
"Bakit parang may nagbubulungan?" Luigi asked
"Tange! Guni guni mo lang yun. Sa movie lang yun!" Ricci said may kasama pang batok
Mga hindi sila nagbago. Ganon parin silang lahat. Hindi kaya masira ko lang gabi nila kapag pumasok ako?
"Ano Deanns. Ngalay na ako eh. Tagal mo naman!"
"Shhh! Baka marinig ka nila"
"Guys may nagsasalita talaga eh"
"Tigilan mo nga dyan Luigi. Natatakot ako lalo eh!" Bea said
"HOOOOOY! NAKAKATAKOT BA?!!!" Sigaw ko at pumasok na sa loob ng padabog para magulat sila
"Ay puta ka!"
"Gago!"
"Bei bibig mo!" Napagalitan pa ni Jho si Bea. Hahahaha! Ang epic ng mga mukha nila!
"ASAN ANG MULTO!"
"DEANNNNAAAAAAA!" Sabay sabay nilang sigaw
"Hi guys" sabi ko at yumuko while scratching my head
Sabay sabay silang pumunta sakin or should I say sumugod sakin at niyakap ako.
Pero si Jema nakatingin lang sakin. Nakaupo parin sya sa couch pero napatuwid naman sya ng upo.
"Ah guys! *ehem* *ehem* guys! Naiipit ako. Hindi ako makahinga ng ayos"
"Oy oy awat na wait lang! Nasasaktan nyo best friend ko!" Sabi ni Luigi at pinapalayo sila sakin
"Uhm guys may kasama pala ako. Wait naiwan ko sa labas. Hahaha!"
Nakalimutan ko si Syd. Andon pa nga pala sya sa labas. Hindi pala sya sumabay sa pagpasok.
"Tara Syd" I held her hand and sabay kami pumasok sa loob.
Nakatayo lang sila sa gitna kung saan ko sila iniwan.
"Guys. Si Sydney Eleazar pala"
"Guys? Titignan nyo nalang ba kami?"
"Guys????"
"Ow. Hi. I'm Ricci"
"Bea"
"Jhoana"
"Ponggay"
"Luigi. Nice to finally meet you Sydney. Jema? Tumayo ka naman dyan. Di mo ba namiss si Deanna?"
Finally. Tumayo si Jema at katulad ng ginawa ng iba nakipag hand shake din sya kay Syd
"Jema"
After almost 9 months ngayon ko nalang ulit narinig ang boses ni Jema. Ganon padin. Wala talagang nagbago sakanya bukod ang hair color nya.
Ilang segundo nagkaroon ng katahimikan pagkatapos magpakilala ni Jema. Siguro hindi matatapos ang katahimikan na yon kung hindi sumigaw si Bea at yumakap sakin.
Noong naka recover na silang lahat bumalik na sila sa kanya kanyang pwesto.
Umupo naman kami bakante na couch which is sa tabi nalang ni Jema.
Hawak ko pa din ang kamay ni Syd at inalalayan sya umupo.
Ako ang nasa tabi ni Jema pero may space pa din naman between us.
"Kumain na ba kayo Deanns? Eto pizza oh. Syd ikaw?"
"Okay lang. Thank you Ricci"
"Yieee! Okay lang daw eh. If I know naglalaway ka na dyan sa Pizza!" Then I pinched Sydney's nose
"Ugh Deanns! Masakit!" And she swatted my hand
"Kamusta ka Deanna? Bakit hindi ka nagpaalam samin?" Ponggay asked
Eto na. Eto na yung tanong na hanggang ngayon hindi ko kaya sagutin. Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko sakanila. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Paano nga ba? Ano ba dapat ang sasabihin ko? Na gusto ko kalimutan si Jema? Ganon?
Sydney squeeze my hand.
Buti nalang talaga sinama ko si Sydney. Sobrang thankful ako to have her.
"Sorry guys. About that. Si lola kasi gusto nya ako pumunta sa Singapore. Namimiss nya daw ako. So pumunta ako. After umalis ni Bea 2 days after her flight umalis na din ako. Vacation lang naman dapat. Pero naawa ako sa lolo at lola ko. Wala silang kasama. So I decided to stay. I worked din sa resto nya where I met this girl na sobrang kulit!" Inakbayan ko si Syd at inipit sa katawan ko at ginulo ko ang buhok nya
Nakatitig lang silang lahat sa amin ni Syd. Parang hinihintay nila na ituloy ko yung kwento ko. Pero hanggang don nalang naman yun eh. Hindi ko sasabihin sa kanila kung bakit ba ako nag stay sa Singapore. Wala akong balak sabihin
Naputol ang pag iisip ng ng magsalita si Jema
"Eh bakit kailangan mong putulin connection mo samin?"
Napalingon ako sakanya and swear! I never seen this Jema before. Ang seryoso nya. Ibang iba sa laging masaya lang. Yung parang hindi mo pwede lusutan yung tanong.
Ano isasagot ko?
Wala akong maisip.
Hinihintay lang nila ako mag salita pero walang nalabas sa bibig ko.
"Uhm sorry guys pero Deanns Lola is calling"
AHHHH! Thankyou Sydney! Thankyou Lola for saving my ass here! Alam mo talaga kung kailan ka ta-timing!
"Wait lang guys ha. Sagutin ko muna"
"Hello po La?"
"Yes po. I'm with her.... yes po... opo... okay lang po kami... opo pakisabi po kay tito sa room ko naman natutulog si Syd... opo... sige po lola take care po. See you soon! Love you"
"Syd hindi mo ba sinabi kay tito na samin ka nagi-stay?"
"Shoot! I forgot. Sorry"
"Tinanong kay lola. Akala nya ba papabayaan kita? Baliw talaga yun si tito"
"Di ka pa nasanay kay Dad" and she chuckled
"Ehem! So Deanns? Yung sagot mo?" Ponggay said
"Ayon. About that. Gusto ko kasi mag focus sa work and gusto ko lang mafocus sa grandparents ko yung oras ko. Sor..."
"Eh bakit hindi mo nalang sinabi samin? Bakit hindi ka man lang nagpaalam? Maiintindihan ka naman namin ah" Jema interrupted me
Medyo natatakot ako kay Jema ngayon. Kanina ang tahimik nya. Pero ngayon, ngayon sya nagsasalita. Pero sobrang seryoso. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
Nag alala ba sya sakin kaya ganon? Nagtatampo? Sana nga ganon. Sana may care sya sakin.
"I know. I'm sorry" I bowed my head
Naramdam ko ang paghimas ng kamay ni Sydney sa likod ko.
"Yun na yon? Hindi mo talaga ipapaliwanag? Paano kaming mga nag alala dito? Hindi man lang namin alam kung buhay ka pa ba? Bigla bigla ka nalang nawala! Deanna! 8 months! Ganon nalang yun?"
Tumataas na ang boses ni Jema. Kahit magkatabi lang kami nasigaw na sya. Galit nga sya. Sino nga bang hindi magagalit sa ginawa ko?
Ang tahimik lang ng mga kaibigan ko. Ramdam ko na din ang pag taas ng tensyon. Paano ko ba sasabihin? Paano ko ba sasabihin sayo na ikaw! Ikaw ang dahilan Jema! Kasi mahal kita at alam kong hindi mo naman masusuklian yun! Kaya ako nagpakalayo! Ganon? Ganon ba? Kung ganon lang kadali sabihin yun e di sana una palang sinabi ko nalang!
"Deanns nakunot noo mo. Stay calm. Alam kong kung ano ano na natakbo sa isip mo" bulong ni Syd
And that calms me.
"Okay. I'm sorry Jema. I'm sorry guys. I'm really sorry. Hindi ko na maibabalik yun. Pero kung hindi nyo talaga ako mapapatawad sa ginawa ko okay lang. Naiintindihan ko. It's really my fault. I'm sorry"
Tumayo si Ponggay sa tabi ni Jema at hinagod ang likod nito.
"Kalma lang Jema. Hindi naman natin kailangan sumigaw para maayos to"
"Okay lang Deanns. Ang mahalaga andito ka na. And please! Wag mo na uulitin yun" Luigi said at lumapit sya sakin to hug me.
"Sorry Gi"
"It's okay" and he tapped my shoulder
"GROUP HUG!" Sigaw ni Ricci
Umikot sila samin at yumakap sila.
Sa ilang buwan na nawala ako muling nagdikit ang mga balat namin ni Jema.
Para akong nakuryente.
Ganon pa din? Ganon pa din ang epekto mo sakin?
Wala lang yung pinaghirapan ko na 8 months to forget my feelings for you? Ikaw parin? Ikaw pa rin ba Jema?
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)



![A Fruitless Marriage (Gxg) [Fayeyoko fanfiction]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/10597/conversions/f5f5b07e4f4fb8defeed322bff31571e.jpg)
