Fanfics

XII

19:56, 4 September 2018

Where are you na Jema? Ikaw nalangkulang

Malapit na ako Deanns. Sorry

Okay lang. Take care!

"Malapit na daw sya guys"

Papunta kami sa MOA ngayon para manood ng movie.

Magco-commute lang kami.

"Eto na si Jema guys"

"Finally!" Ricci said

"Matchy matchy kayo Jema at Deanns ah" Ponggay said

Tinignan ko suot ni Jema.

Black shirt, denim pants and sneakers.

Pareho nga kami.

Nag SUV kami papuntang MOA.

Yung vacant seat tatlo sa dulo na inupuan ni Ricci, Luigi and Ponggay.

Then sa second to the last row. 2 vacant seat nalang. Si Jema and Bea ang nag occupy non and solo ako sa first row.

Akala ko aalis na pero may sumakay pang isa sa tabi ko.

Lalaki. Gwapo pa huhu.

Tumingin ako sa likod at nakita ko silang lima na nakatingin ng nakakaloko sakin.

Inaasar nila ako dun sa guy ng pabulong. Syempre kung malakas yun babatukan ko silang lahat.

Sinakyan ko nalang yung pang aasar nila.

Malapit na kami sa MOA pero nagtraffic pa.

Naramdaman kong may humahawak sa buhok ko.

Lumingon ako sa likod. Nilalaro ni Jema yung buhok ko.

"Why?" I said

"Wala lang"

"Ready ka na malasing mamaya?"

"Di mo ko malalasing Deanns"

"Talaga ba? We'll see"

"May tanong nalang ako Deanns. Anong tawag sa maliit na kambing?"

"Basic naman nyan Jema. E di kapirangGoat"

"Deanns naman eh! Bakit alam mo agad"

"Ganto nalang. Kapag may joke tayo ang matawa pitik sa tenga"

"Okay??? Tatalunin mo lang ako eh"

"Malay mo mapatawa mo ko. Nagpapatalo ka agad eh"

Nakabili na kami ng ticket maghahanap muna mami ng snack.

"Ayun oh. Potato corner nalang" I said

Naglakad kami papunta sa stall ng potato corner.

"Deanns. Hati nalang tayo sa isa" Jema said

"Sure. Ano bang gusto mong size?"

"Yung giga na. Barbecue ha"

"Hatiin nalang natin yung flavor para may iba naman. Okay lang ba?"

"Yup. Sure sure"

"Uhm miss do you have sweetcorn flavor?"

"Wala po Ma'am"

"Oh okay. Giga size then cheese and barbecue flavor and two bottled water"

While we're waiting sa fries, umalis si Ricci, Bea and Luigi para maghana ng ice cream because Bea is craving for it.

Natira kami ni Ponggay and Jema.

"Jema anong puno ang hindi mo maakyat?"

"Uhm ano nga ba?"

"Ano yun Deans? Anong tanong mo?" Ponggay asked

"Anong puno ang hindi naaakyat"

"Ahhh di ko maisip!" Jema hissed

"Ako nga din eh di ko maisip yung sagot. Suko na kaya tayo Jema?"

"Sige na. Ano sagot Deanns?"

"Nakatumba. Hindi mo naman pwede akuatin yung nakatumbang puno eh"

Hahampasin na sana ako ni Jema pero nakailag ako. HAHAHAHA

Nararamdaman ko na medyo comfortable na si Jema sakin. Good thing.

"Eto pa Jema and Pongs. Sino ang siga at hindi kayang tapak tapakan?"

"TAE!" Sabay nilang sabi.

Sabay natawa kami pare pareho. HAHAHAHA

Hindi ko alam. Pero ang sakit na ng tyan namin kakatawa. Corny naman right? Hahahaha!

"Ang saya nyo ah" Ricci said

Andyan na pala sila.

"Yung tropa nyo kasi ang corny!" Jema said then pointed at me.

Lumapit si Bea sa stall ng potato corner at tinanong kung okay na yung fries.

Good thing ay malapit na daw. 10 minutes nalang din kasi magsstart na yung movie.

"Giga fries, cheese and barbecue flavor po and two bottled water"

"Thankyou"

"Deanns ako na yung sa isang bottled water"

"No Jema. Okay lang. Kaya ko naman eh"

"You sure?"

"Yup!"

"Eto na yung seat number natin" Luigi said

"Kahit saan naman pala tayo umupo. Tayo lang naman ang manonood pala" Ricci said

Kami nga lang ang tao. Well meron naman palang couple sa baba. Nasa taas kasi kami.

Nauna na umupo si Ricci and Luigi then pumunta kami sa second row seat. Nauna si Bea then pinapauna ni Ponggay si Jema para sa tabi ni Bea umupo at kami ni Ponggay sana ang magkatabi pero

"Ikaw na mauna Pongs. Magkatabi kami ni Deanna" Jema said

Gusto nya ba akong katabi? Ang alam ko si Bea ang gusto nya ah? Bakit hindi sya tumabi doon?

"Hati kasi kami sa fries" dagdag pa nga.

Oo nga pala. Bakit ba nag aassume agad ako. Gawa nga pala ng fries. Okay na sana eh. Medyo kinikilig na ako sa thought na gusto nya ako katabi eh.

Never assume talaga unless otherwise stated.

Nakakakalahati na kami sa movie.

"Deanns? CR tayo. Naiihi na ako"

"Sige Jems. Kanina pa din ako naiihi eh"

"Kita mo ba? Magoopen ako ng flashlight?"

"No okay lang"

"Mali Deanns. Sa boys na CR to. Ikot tayo"

"Tara takbo tayo? 1,2,3!"

Nanakbo kami ni Jema papunta sa CR. Para kaming mga bata.

Phew! Hiningal ako don ah.

Pumasok kami sa magkasunod na cubicle

"Jema? Kayang kaya kita silipan dito oh. Ang baba ng harang"

"Ugh Deanns naman. Wag ka muna tumayo"

"Okay. Hindi naman kita sisilipan eh. Bait ko kaya"

"Where are we going next?" I asked

"Sa house ni Luigi. Inuman na!!!" Ricci

"Sama ka Jems?"

"Yes Deanns. Pero baka hindi ako magovernight. Aalis din ako bukas eh. Baka hindi ako payagan kapag nag overnight ako"

"Oh. Okay lang yun"

"Wait lang guys bibili muna akong water" Bea said

"CR muna din tayo"

"Ang cutie nung girl na nagtitinda ng water. Balik tayo don after dito sa CR ha"

Hay nako Bea. Spotting ka nanaman.

Si Bea at Ponggay yung madalas na nakakakita ng cute girls. Daig nila pa si Luigi at Ricci.

"Oh kayong anim dito na kayo sa likod"

May kasama kaming dalawang stranger sa likod ng SUV.

Magkatabi ulit kami ni Jema. Then sa right side nya si Ponggay.

Katapat ko si Ricci. Napag gigitnaan nila ni Luigi si Bea.

"Nakalimutan ko earphone ko badtrip" I said

"Wala din akong earphone Deanns. Wala tayong magagamit"

"Eh di pili ka nalang ng song dito sa phone ko then patugtugin natin. Hinaan nalang natin then hawakan ko nalang sa may tenga natin"

"Anything for music huh?"

"Syempre naman"

She played On Bendes Knees.

Sinasabayan lang namin yung song.

Nakailang song na kami stuck parin kami sa traffic.

Medyo ngalay na din yung kamay ko sa pag hawak ng phone.

"Ako naman hahawak Deanns"

"No okay lang. Hindi naman nakakangalay eh"

Bigla kong naramdaman yung ulo ni Jema sa balikat ko.

Paanong hindi ako aasa na meron ka din kahit konting nararamdaman sakin Jema?

Alam kong ayaw mo ng clingy in public pero ikaw 'tong nagawa non ngayon.

Hindi mo nga 'to ginagawa kahit kanina sa barkada natin bukod sakin eh.

Wag mo naman ako paasahin.Wag mo naman ako bigyan ng false hope.

Medyo mahaba na ata yung mga naiisip ko at andito na kami sa bahay nila Luigi.

"Tong its tayo Jema"

Ayan nanaman sila sa cards ni Bea.

Madami na kaming nainom, nararamdaman ko na ang pamumula ko. Nangangainit na din ang katawan ko.

Si Bea at Jema nagtotong its parin.

"Dapat kung sino matalo sainyong dalawa magsha-shot" I said

"Oo nga no. Okay yan Deanns" Bea said

Kinuha ko yung phone ni Jema sa ibabaw ng table.

"Password please?"

"Ano gagawin mo?"

"Titignan ko lang photos mo"

Inabot nya yung finger nya para fingerprint nalang.

Ayaw malaman ang password huh?

Nagscan lang ako sa photos ni Jema and pag nacurious ako sa isang picture tinatanong ko what's behind of that photo.

"Jema eto yung mga high school friends mo?"

Tinanggal nya muna atensyon nya sa cards and tinignan yung phone nya

"Yup. Eto yung lagi kong kasama" then she pointed on one girl sa group photo na

Ang daming photos ni Jema sa phone nya. Hindi pa ako nakakalahati.

"Hahahahaha! Shot Jema!"

"Natalo ka?" I asked

"Oo. Ginugulo mo kasi ako"

"Hala? Bakit parang kasalanan ko?"

Nagtawanan silang lahat. Hahahaha!

"Oh Deanns sayo na"

Kinuha ko yung shot glass at ininom yun.

Medyo nahihilo na ako. Feeling ko isang shot nalang susuka na ako.

"Jema password ulit. Namatay eh"

Sinabi na nya sakin yung password nya.

"Nice password Jema. Hahaha!"

Nakakatawa kasi yung password nya.

Tinuloy ko lang yung pagsscan sa gallery ni Jema.

Nakakakita ako ng mga selfie nya. Hahaha! Ang cute!

"Jema ang cutie mo dito"

"Ugh Deanns! Wag mo na tignan yan mga yan"

"Ang cute mo kaya oh"

"Ugh wag mo na ko guluhin. Natatalo ako. Nakatatlong talo na ako dahil nang gugulo ka"

Imbis na magtampo ako sakanya natutuwa ako sa ka-cute-tan nya. Omg is this inlove?

"Deanns sayo"

"Lasing na ako guys"

Binalik ko na kay Jema yung phone nya after ko inumin yung shot.

Yumuko ako sa may likod ni Jema.

Hindi ko na kaya. Nasusuka na ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Jema yung kamay ko at hinimas ito.

Pero dahil sa sobrang kalasingan ko hindi ko na mauna yung kilig. Mas nangingibabaw sakin yung pagka hilo.

"Deanns iinom ka pa ba?"

"Pass na muna ako Ricci"

Pinilit ko maglakad ng tuwid papunta sa CR kahit sukang suka na ako.

Ughhhh. Hindi ko pa nalalasing si Jema pero ako lasing na lasing na.

Naisuka ko lahat ng kinain ko.

Paglabas ko ng CR nakita kong may pinupunasan si Luigi sa sahig.

"Ano nangyari Gi?"

"Si Jema biglang nag suka. HAHAHAHAHA"

Tawang tawa silang lahat.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako or aasikasuhin ko si Jema eh.

Tanggal ang pagkalasing ko. Literal.

"Di ko napigilan bigla akong nasuka. Nasukahan ko din pants ko"

"Patingin nga"

Konti lang naman yung nasa pants ni Jema.

"Okay ka lang?"

"Okay lang ako Deanns. Pero gusto ko na mahiga"

"Luigi? Saan pwede mahiga si Jema?"

"Wala nga Deanns eh. Si mom tulog na sa room nya. Hindi naman pwede sa room ko kasi makalat. Pero sige pahigain mo muna sya sa sofa bed ni mom sa room nya"

"Tara Jema. Akbay ka sakin"

Gegewang gewang kaming nakaakyat sa room ng Mom ni Luigi

Sumunod si Ponggay and Bea samin.

Humiga ako sa tabi ni Jema.

"Hoy Jema! Sabihin mo na kung sino gusto mo. Nalasing na kita ah!" Pabulong kong sigaw

Nakakahiya kasi natutulog na si Tita.

"Oo nga Jema. Sabihin mo na"

"Pongs pwede ba kami makitulog sainyo? Nakakahiya kay tita eh. Hindi din natin mapapaamin 'to dito. Di natin masisigawan. Hahaha!"

"Sige Deanns. Pero ako muna uuwi. Aayusin ko lang yung living room maglalatag nalang ako don"

Mag isa lang si Ponggay sa bahay kaya studio type lang ang bahay nya. Yung mom and dad nya hiwalay. Tapos yung mom nya nasa US may bagong kinakasama na. Yung dad nya din naman may other family na.

Habang kinukulit ko parin si Jema na umamin dumating na si Ponggay.

"Okay na. Tara?"

"Jema kaya mo ba tumayo?" I asked

Umiling lang siya.

Patay.

"Bubuhatin kita. Lilipat tayo. Nakakahiya kay Tita. Nagigising dahil satin"

Tumango naman sya.

Hirap kausap ng lasing. Hahahaha!

"Tara na. Tara na"

Tinry ko buhatin si Jema pero nanlambot ako.

Nakalimutan ko ng lasing nga pala ako.

"Umakbay ka sakin tara"

Successful kong naitayo si Jema.

Nauna na si Bea and Ponggay bumaba.

Habang nasa hagdan kami lahat ng bigay ni Jema nasa akin.

Halatang hindi na nya kaya maglakad.

Nararamdaman ko pa na parang nasusuka siya.

"Nasusuka ka ba ulit?"

Tumango lang siya.

Medyo binilisan ko yung pag akay sakanya sa hagdan. Muntik pa kaming malaglag.

Inakay ko agad sya sa CR

Buti umabot pa sa bowl. Kung hindi may pupunasang suka nanaman si Luigi sa sahig. Hahahaha!

Hawak ko yung buhok ni Jema habang nasuka at hinihimas ko din yung likod nya.

"Kaya pa Jema? Hahahaha!"

Tinawanan ko nalang siya. First time kong natalo sa inuman si Jema eh. Hahahaha!

"Water?"

Tumango siya.

"Pongs? Bea? Can you give me some water for Jema?" I almost shouted from the comfort room.

"Oh. Ano ayos lang ba yan?" Ponggay asked

"Oo Pongs. Oh Jema. Inom ka muna"

Nilapit ko sa may labi nya yung baso.

Nakadalawang lagok lang siya sa tubig

"Tara na. Lalabas na tayo"

Akay akay ko ulit palabas si Jema.

"Eto suot mo muna tong slippers ko"

Dumaan kasi ako samin kanina kaya naka slippers na ako.

"Gi! Can I borrow your slippers? Gamit na ni Jema yung sakin eh"

"Sige Deanns kuha ka lang dyan"

Pag labas namin ni Jema ng bahay ni Luigi nasusuka nanaman siya.

"Dito nalang sa mga halaman ni Tita!"

Inakay ko sya doon para sumuka.

Hawak ko ulit ang buhok nya. Ganon nanaman ulit.

"Ano Jema buhay ka pa ba?! HAHAHAHAHA" sigaw ni Ricci tapos tawang tawa siya.

Nakitawa na din kaming lahat. Syempre bukod kay Jema na suka ng suka.

Pumasok sa loob si Ricci para kumuha ng tubig.

"Okay ka na ha?" Malumanay kong tanong kay Jema.

Tumango lang siya at nagulat ako sa susunod nyang ginawa.

Niyakap nya ako.

Sobrang higpit.

Yung mukha nya nasa may leeg ko.

Parang may nadaloy na kuryente sa katawan ko.

"Yieee bagay kayo. Di ba Gi?" Asar samin ni Ricci.

"Baliw ka Cci! Akin na nga yang tubig. Jema oh. Water. Inom ka muna"

Dahan dahan kong inalis yung pagkakayap nya sakin at niyakap sya sideways.

Pinainom ko si Jema at pinahidan ni Ricci ng yelo yung mukha ni Jema para daw mahulasan.

"Tara na. Thankyou Gi and Ricci!"

"Yung gamit ko Deanns" bulong ni Jema

"Hawak na ni Ponggay. Yakap ka sakin nahihirapan akong akayin ka"

Breezy mo din eh ano?

Agad naman yumakap sideways sakin si Jema.

Sobrang saya nitong araw na 'to.

Kahit araw araw kitang alagaan Jema hindi ako magsasawa.

"Andito na tayo"

Huminto si Jema sa paghakbang nung nasa may pinto na kami ng bahay nila Ponggay.

Tumingin sya sa akin.

Kinakabahan ako sayo Jema.

Naiilang din talaga ako kapag tinititigan mo ko.

"Ikaw ang gusto ko makita pag gising ko sa umaga"

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories