X
03:14, 25 August 20181pm na ng nagising ako.
I reached for my phone and may chat sa group namin nila Bea.
Jema, Bea, Luigi, Ricci, Ponggay
Bea added Ponggay to group
Bea: Let's go later? Sa bahay mo Ponggay!
Luigi: G ako
Ricci: G din ako.
Talagang kailangan magkasunod na araw? Kakauwi nyo lang kaninang umaga ah. Tapos mamaya ulit? Lagot na ako kay Mom.
Ponggay: Hahahaha! Go lang. Punta nalang kayo samin.
Umaga na sila nakauwi. Hinatid ko si Jema sa bahay nila. Pinadala ko na din sakanya yung pasalubong ko sakanya galing palawan na hangin and shirt.
Nagbukas ako ng IG at tumingin ng mga story.
Meron si Jema.
I opened it. Oh dalawa.
Nagbo-boxing sya and
"Thank you for the hangin fresh from Palawan"
I smiled. Nagreply ako sa story nya
You're welcome :)
Thanks ulit!
Sama ka nga pala later?
I can't come Deanns.
Why?
May sakit ako eh.
Oh! Get well! Siguro dahil yan sa inom natin kagabi then umaga ka na umuwi tapos nagtraining ka pa. Napagod siguro katawan mo.
Oo nga eh. Kaya pass muna ako.
Sad. Hindi ka naman napagalitan ng Mom mo na umaga ka na nakauwi?
Hindi naman. Natatawa nga sya. Nakita nya yung plastic then tinanong nya ako kung ano yun. Sabi ki hangin from palawan. Kinekwento nya sa mga tita ko yung bigay mo sakin.
Hahaha! Nakakahiya Jema 🙈
Pag alis nya din daw dito magdadala sya ng alikabok from ph papunta sa Australia.
Hala. Hahaha! Cute ng mom mo! 😂
Hoy! Magkamukha kaya kami.
Mas cute mom mo 😛
Ako kaya yung friend mo!
Sige na cute ka na.
Cute ka naman talaga eh.
Sige Deanns. Help ko lang si Mom mag ayos ng gamit nya. Babalik na kasi sya agad ng Australia eh.
Oh. Ang bilis naman. Di na namin sya na-meet. Sige. Pakisabi ingat sya 😊
I will. Thanks Deanns!
I'm sad nanaman because Jema can't come. Sayang. Kung pwede lang na araw araw kami magkasama.
Pero okay na din yun. Kung magkasama kami araw araw baka mahirapan lang ako pigilan sarili ko. Lagi nalang ako malapit sakanya. Madadagdagan lang yung mga dahilan para lumalim 'tong nararamdaman ko for her.
Nasa bahay na kami nila Ponggay. Nagluluto si Ricci and Luigi ng dinner habang kami nila Ponggay at Bea ay nagvivideoke lang. Baligtad ba? Hahaha!
Lahat ng kinakanta ko sinesend ko kay Jema.
Mahilig yun mag videoke eh.
Omg! Mga boys II men din pala yung mga gusto mo. Ganyan din mga gusto kong kanta!
Hahaha! Oo mahilig ako sa mellow then yung mga old songs.
Hays! May sakit kasi ako eh.
"Hoy selfie muna tayo!" Ponggay said
Lumapit samin si Ricci and Luigi.
Tinaas ni Ponggay yung phone nya and "click!"
"Sayang wala si Jema" I said
"Sesend ko to sa group chat natin. Inggitin natin si Jema" Ponggay said
Jema! I'll video call you sama ka saselfie namin!
Okay? Sige.
"Hi Jema! Guys si Jema oh! Selfie ulit tayo sama natin sya" I shouted
Nagtabi tabi ulit kami at hinarap ko yung phone ko para makita si Jema
"Smile Jems!"
"Okay ka na?"
"Medyo okay na ako Deanns. Ano iniinom nyo?"
"The usual. Cocktails"
"Deanns kumain ka na. Ikaw nalang kumuha ng rice mo ha" Ricci said
"Kakain na pala kayo Deanns eh" Jema said
"Oo. Okay lang. Don't hang up ha. Panoorin mo nalang ako kumain. Hahaha!"
"Sige na nga"
"Oh eto yung kitchen nila Ponggay. Since di ka pa nakakapunta dito. Itu-tour kita. Hahahaha!"
Tinignan ko si Jema. Nakangiti lang sya. Habang ako daldal ng daldal.
"Kakain na ako Jema. Dyan ka lang"
Binaba ko yung phone ko at itinapat sakin yung camera.
"Para kang bata kumain Deanns. Tapon tapon na eh. Kitang kita ko"
"Shori naman"
"Wag ka magsalita. May laman bibig mo eh"
Tinapos ko nalang yung pagkain ko.
"Bea! Hindi ka ba kakain?" I asked Bea
Tinignan lang ako ni Bea at umiling.
Parang kanina pa cold ang pakikitungo sakin ni Bea. Simula nung ka-video call ko si Jema.
Nagseselos ba sya?
E sobra nya nga i-assure sakin na wala naman syang gusto kay Jema. Or should I say tinatanggi? Kasi feel ko naman meron. Kilalang kilala ko na si Bea eh.
"Tara Ponggay tayo na muna uminom habang nagpapahinga pa sila" Bea said
Nakailang ikot na yung iniinom nila. E dalawa lang sila
"Huy Bea! Easy naman. Dalawa lang tayo. May lakad ka ba? Ba't ka nagmamadali?" Ponggay said
"Bea! Gusto mo kausapin si Jema?"
"Ayoko. Wag kausapin ang mga hindi nasama"
Hala 'to. Selos ba talaga sya?
"Wag mo na pansinin yun Jema. Lasing na ata agad. Hahaha! Kantahan nalang kita. Request ka"
"Before I let you go!"
"Ang baba nun Jema. Hirap kaya kumanta ng mababa"
"Yabang neto. Dali na!"
"Sige na nga"
I can still remember yesterdayWe were so inlove in special wayAn knowing that you love me made me feel, oh so rightBut now I feel lost don't know what to doEach and everyday I think of youHolding back the tears I'm trying with all my might
Tumingin ako kay Jema. Nakikinig lang sya.
Because you've gone and left me standing all aloneAnd I know I've got to face tomorrow on my own
But baby,
Tinignan ko lang si Jema
Before I let you goI want to say I love youI hope that you listeningCause it's trueYou'll be forever in my heartAnd I know that no one elseWill doSo before I let you goI want to sayI love you
Sana hindi tayo yung parang kanta. Sana walang I let you go.
Kahit friends nalang. Kahit wala ng more than that. Basta walang I let you go.
Ganon ka kaimportante.
Ganon naman kaimportante lahat ng friends ko sakin.
Mas lamang ka lang dahil may involve na feelings.
"Magii-screen capture ako. Ngiti ka" I said
"Sige. Lalagyan ko muna ng filter mukha ko"
"Sige ako din"
Namili ako ng filter. Nakita ko yung heart.
"Wala ka namang filter sa mukha eh. Lugi ako. Pang papanget yung sakin"
"Hindi naman ah. Cute nga eh. Hahahaha!"
"Cute ka dyan. Puro nalalaglag lang na heart yung sayo oh? Paltan mo naman"
"Okay na yan. Kunwari mapagmahal ako. Kunwari may feelings ako"
May feelings naman na talaga ako eh. May feelings na ako sayo Jema. Kahit anong pigil ko lalong nalala.
"Bahala ka nga. Sige screen capture mo na"
Nagpapaulan ng heart sa cam ko.
At sana masalo mo.
Saluhin mo ako.
Kasi nahuhulog na ako ng tuluyan sa iyo
-Sobrang pasensya na guys. Sobrang busy ko na sa work. Naisingit ko lang 'to kanina kasi konti lang ang ginawa ko. Sorry at Sabaw pa ang update and maikli :(
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
![Freak In You [𝟏𝟖+] [𝐆𝐱𝐆]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/9210/conversions/ad97c53791445ffc274881e6a49d7ae6.jpg)



![A Fruitless Marriage (Gxg) [Fayeyoko fanfiction]](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/10597/conversions/f5f5b07e4f4fb8defeed322bff31571e.jpg)
