Fanfics

V

20:31, 29 July 2018

"HOY DEANNA WONG WAG KA NA MATULOG DYAN!" Bea shouted

"Ano ba Bei. Pagod ako sa byahe. Patulugin mo naman muna ako"

"Hindi tayo nagpunta ng Baguio para matulog Deanna ha"

"Bei naman. Kahit konti lang"

"Sige, after namin tatlo maligo gigisingin ka na namin tapos maligo ka na ha"

Hindi na ako sumagot at nagtaklob na lang ng kumot.

Sobra yung pagod ko dahil sa nagka problema sa pina-book namin na accommodation. Nakarating kami ng 4am sa Baguio pero nakapasok kami sa Condo ng 9am.

Hindi na talaga kinakaya ng mata ko at tuluyan na akong nakatulog.

I reached for my phone pagkagising ko. 12pm? Bakit hindi nila ako ginising.

Lumingon ako sa side ng Bed ni Bea at Jema at titig na titig sila sa TV even Luigi.

Akala ko ba aalis kami? Bakit nanood nalang sila ng movie? Baka nagkatamaran na din.

"Uhh guys? Akala ko aalis tayo?"

"Oh yea. Hinihintay ka lang namin magising. Maligo ka na" Luigi said

Oh? Sabi nila gigisingin nila ako. Mga baliw talaga.

Simula umalis kami ng Manila hanggang makarating sa Baguio ang tipid tipid mag salita ni Jema. Lagi lang syang tahimik. Maybe nangangapa pa samin. Ilang beses pa lang din naman nya kami nakakasama.

"Saan tayo pupunta ngayon?" I asked

Kakatapos ko lang maligo at nagpupunas lang ako ng buhok.

"Mag grocery na lang tayo. Tayo na magluto ng food natin sa mga susunod na araw" Bea suggest

"Sige marunong ka naman magluto eh" Luigi butted in

"Si Deanns ang marunong eh" Bea said

"E di kayong dalawa" Luigi

"Wag na kayo magtalo dyan. Let's go?" I said

"Tapusin na natin yung movie!" Bea said

"Saan tayo kakain?" I asked

"Pepper Lunch tayo? Or Fridays?" Bea suggest

"Let's go. Nasa left wing ata yun ng mall"

After namin kumain dumeretso na kami sa supermarket to buy our stuff and food for the next days.

"Eto yung rice oh"

"Anong dish ba gusto nyo?"

"Eto nalang"

"2kg po nyan"

After namin mag grocery nadaanan namin ang liquor store.

"Bili muna tayo ng drinks!" Luigi said

"Okay Gi. Sagot mo ba?"  Bea said

"Sige uwi nalang pala tayo"

"HAHAHA kuripot! Sige tara bili tayo" I said

Bumili kami ng titimplahing cocktail and umuwi na sa Condo after.

Pahinga muna ang plan namin for today since pagod din lahat sa byahe. Iinom lang kami sa gabi then bukas na yung gala.

"Oy Deanns! Bumangon ka dyan!" Bei said

Lasing na ako. Agad. Di pa namin nauubos yung cocktail pero lasing na agad ako.

Nahiga na ako. Nagpapalpitate na kasi ako sa sobrang lasing. Pulang pula na din ako.

"Yako na bei lasheng na ako and nagpapalpitate na ako"

I reached for Bea's hand para ilagay sa puso ko para malaman nya kung gano kabilis yung heartbeat ko.

"Ay oo nga no. Ganyan ka pala malasing Deanns! HAHAHA!"

I reached for Jema's hand too para malaman nya din.

"Hala Deanns. Inom kang tubig. Wait kukuha ako" Jema said

"Wag na Jema. Okay lang ako"

"Uminom ka na"

"Okay lang talaga Jema. Thankyou"

Nakaramdam ako ng kamay sa likod ko.

Hinahagod ni Jema yung likod ko. Hindi ko ma rin pinansin dahil sa sobrang kalasingan.

Dumapa na ako dahil hindi ko na talaga kaya.

Nasa bed kaming apat ni Bea and Jema. Napagdesisyunan din nila na magsiksikan nalang kami dito dahil nanood kami ng horror.

Nagtakip ako ng kumot sa katawan ko dahil sobrang lamig na din.

Inalis ni Jema ang kamay nya sa likod ko nung naglagay ako ng kumot kaya binaluktot ko na din ang aking sarili.

Pagkatapos ko iayos ang pwesto ko, well hindi sya talaga maayos kasi nasa dulo ako ng kama. Sa may paanan nila. Nakaupo pa kasi sila dahil nainom parin sila.

Naramdaman ko ulit yung kamay ni Jema pero sa may pwet ko na?! Omg?

Pero hindi ko na pinansin dahil gusto na talaga pumikit ng mata ko.

Nagising ako sa yugyog pero sobrang sakit ng ulo ko.

"Deanns! Ano weak? Gumising ka dyan! Pareho na kayo netong si Jema na tulog!"

"Yung paa mo nasa mukha ni Jema!"

"Ang sarap ng tulog ni Jema dahil sa paa mo!"

Mga naririnig ko kay Luigi at Bea. Pero hindi ko sila pinansin.

"Hoy Deanns! Alam kong gising ka! Bumangon ka dyan!"

"Nagtutulugtulugan lang yan!"

Hindi pa rin nila ako tinitigilan alugin kaya bumangon na ako.

"Aishhh! Kainis kayo. Ang sakit na ng ulo ko!"

"Tignan mo si Jema tulog din. Gisingin mo yan! Yung paa mo nakadikit na sa muka nyan kanina. HAHAHAHA"

Tawang tawa sila dahil nasa mukha na daw ni Jema yung paa ko. Haynako lakas na ng tama ng dalawang 'to.

"Gisingin mo na yan si Jema! Mag iinom pa tayo. Ubusin muna natin yan!" Luigi said

Mapag tripan nga to si Bea. Ginising gising mo ko ha. Lagot ka sakin.

"Jema!!! Gumising ka! Gusto ka daw ni Bea oh!" Asar ko kay Bea habang inaalog ko si Jema

"Hoy Deanna Wong! Pinagsasabi mo dyan!" Bea said

Hahaha! Lagot ka sakin!

"Jemaaaaa!!!!""Gusto ka ni Bea!""Hoyyy!"

Pero hindi magising si Jema.

Hinawi ko yung mga buhok na nakatakip sa mukha ni Jema bago pisil pisilin ang pisngi nya habang sinasabi ko na gusto siya ni Bea.

"Hoy Deanna! Tigilan mo yan!" Sabi ni Bea at pumunta sa kabilang higaan at sinama si Luigi.

Inulit ulit ko lang yun hanggang sa napangiti si Jema.

"HOY! Bea! Ayan na gising na si Jema! Napangiti sa sinabi ko. Umamin ka na oh!"

Hindi na ako pinansin ni Bea at nakipagkwentuhan nalang kay Luigi.

I know how to stop you Bea. Hahahaha!

Dahil gising na din naman si Jema kukulitin ko nalang sya.

"Oy Jema may gusto daw sayo si Bea yieeee!"

Ngumiti lang si Jema habang nakapikit

Bakit parang ang cute ni Jema? Well she's cute talaga eh.

Aish tigilan mo nga yan Deanna.

"Jema gising ka na dyan!" Ginigising ko parin si Jema

"Hmmmm"

"Bangon ka na dyan!"

Hindi ako pinapansin ni Jema. Pangiti ngiti lang.

Hinahawi ko lang ang mga buhok ma tumatakip sa mukha ni Jema.

Ang ganda pala ni Jema. Lalo pag nangiti na sya.

Aminado na ako. Nagagandahan ako kay Jema. Ano naman di ba? Maganda naman talaga si Jema.

Natapos na magkwentuhan si Luigi at Bea hindi parin bumangon si Jema.

Tumabi na samin si Bea at Luigi.

Ang pwesto namin ngayon Luigi, Bea, ako at Jema. Nagsiksikan kaming apat sa isang kama na pang dalawahan lang.

Niyakap ko lang si Bea habang nagkekwentuhan kami.

Naisip ko na asarin ulit si Bea.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ko kay Bea at inilagay ko sa noo ni Jema. Nakatalikod samin si Jema kaya hindi maayos yung pagkakapwesto ng kamay ko sa noo nya.

Kinukulbit ko si Jema sa noo nya habang sinasabi na gusto siya ni Bea.

Pinapatigil ako ni Bea hanggang sa kinuha ni Jema yung kamay ko sa noo nya and she intertwined with her hand.

Nagulat ako sa ginawa ni Jema pero hinayaan ko nalang. Ganon naman talaga yung iba diba? Holding hands yung mga friends na girl. Bka clingy lang si Jema.

Pero alam ko nabanggit sakin ni Bea na hindi clingy si Jema kaya nga sila nagbreak ni Fhen? Kasi ang gusto ni Fhen clingy? Parang ganon.

Aish. Hayaan na nga yan.

"Bea. Look at my hand. Hawak ni Jema"

"Ayieeeee" Bea teased

Hala? Bakit ako ngayon inaasar nito. Baliw talaga.

Si Luigi ayun tulog na.

Nangangalay na ako sa pwesto ng kamay ko pero ayako naman galawin bka tamggalin ni Jema? Bakit parang gusto kong hawak ang kamay nya?

Inalis ko na sa isip ko yung mga naiisip ko at tumutok nalang ako sa TV at nanood.

Hanggang sa antukin na ako.

Nakatulog ako magkawahak ang kamay namin ni Jema.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

Similar stories