Chapter 46
11:55, 8 November 2021*Your Pov*
Pauwi na kami ngayon sa bahay at kasalukuyan ko siyang binibihisan. Kakaiba lang ngayon kasi ang cute niyang ngumiti at ang tahimik niya, kasi nga di niya kami marinig.
"Taas mo kamay mo hun, ganito oh" saad ko kahit na hindi niya ako naririnig at itinaas ko ang dalawa kong kamay para maintindihan niya.
Itinaas naman niya ang mga kamay niya at tuluyan ko na siyang binihisan pati na rin sa pang ibaba niya. Di naman siya mahirap bihisan tyaka mukhang naiintindihan naman niya ang mga ginagawa ko. Sinuklay ko na rin ang buhok niya at nag-spray ng konting pabango sa kaniya. Walang pinagbago ang mukha niya parang hindi siya naaksidente eh.
"Tara na?" saad ko at inialok ang kaliwang kamay ko sa kaniya tyaka ko itinuro ang pintuan.
Tumayo siya sa pagkakaupo niya, ngumiti siya sakin at tyaka niya ko niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik at bumulong na "Sana bumalik ka na sa dati"
Nakaramdam ako ng patak ng luha mula sa mata ko. Humiwalay na sa yakap si Sandro tumingin sakin. Ang ngiti sa mukha niya ay napalitan ng nagtatakang expression. Umiling ako at pinunasan ang luha sa mata ko. "Tara na, naghihintay na sila sa labas" sambit ko ulit.
Hinawakan ko ng kamay niya at lumabas na ng kwarto. Ang sabi nila Simon marami daw media sa labas kaya sa likod kami dumaan kasama ng mga bodyguards ni Tito Bong.
Tinignan ko si Sandro na normal ang paglakad at tumitingin lang kung saan saan. Palabas na kami sa maliit na gate dito sa likod at nakita ko si Vinny na nakatayo sa tapat ng van.
Pinasakay ko na si Sandro bago kami sumakay ni Vinny.
"Okay, let's go" saad ni Tito Bong sa driver at tuluyan na kaming umalis. Kasunod naman ang isang pang van ni Tito Bong at nasa unahan namin ang isa pa.
"So, did he understand you nung binibihisan mo siya?" tanong ni Tita Liza sakin at lumingin siya kay Sandro.
"Opo, madali naman po niya naiintindihan yung gestures na ginagawa ko" sagot ko at tumingin sa nakangiting si Sandro.
"That's good atleast nasusundan niya kung anong gusto nating sabihin o ipagawa sa kaniya" saad ni Tito Bong at ngumiti kay Sandro na siya ring ngunitian ni Sandro.
"What time later dad?" tanong ni Simon na nasa likod namin ni Sandro.
"Before 5 pm. I already talk to the police" tugon ni Tito Bong kay Simon
"Okay, got that" saad ni Simon. Gusto ko sanang itanong kaso nahihiya ako "By the way, I have a piece of paper here and a pen" dagdag niya pa.
"We'll use that later Si. I thought you're just joking" natatawang sambit ni Vinny.
"Kayo talaga" saad ni Tita sa dalawang nasa likod namin.
Naalala ko ang phone niya sa bulsa ko kaya ibinigay ko ito kay Sandro at ipinakita ang wallpaper nito. Halata ang gulat sa mata niya at lumingon sakin. Lumingon ulit siya sa phone niya at lumingon sakin. Paano ko ba sasabihin na ako talaga yung nasa phone niya?
"Ako... Yan" saad ko. Itinuro ko ang sarili ko at ang mukha sa phone niya.
"Mmm" dinig ko mula sa kaniya at napatingin naman silang lahat kay Sandro.
"What's that?" nakangiting tanong ni Tita Liza kay Sandro pero di siya napansin ni Sandro. Kaya't kinalabit ko siya at tinuro si Tita.
Agad namang pinakita ni Sandro ang nakita niya sa phone niya at tinuro ako. Di ko alam kung dapat ba kong maging masaya o ano. Parang ang daming gustong sabihin ni Sandro pero di niya magawang sabihin. Marami din siyang hindi maintindihan na gusto niyang itanong pero di niya magawa. Tumulo na naman ang luha ko. Bilang asawa ng sakit na makitang ganyan ang kabiyak ko.
Ngumiti sa kaniya si Tita at Tito at pareho silang sumang-ayon sa kung ano mang gustong sabihin ni Sandro.
"You... and Y/n... are married" saad ni Tito Bong habang tinuturo kaming dalawa ni Sandro at ipinakita ang wedding ring nilang dalawa ni Tita Liza na nasa kamay nila.
Napatingin din si Sandro sa dalawang kamay niya at laking tuwa niya ng makita ang wedding ring niya. Masaya niya iyong ipinakita kay Tita at Tito.
Ang kanina pang nagpipigil ng tawa na si Vinny at di na napigilan at nagawa na bahagya. Tumingin ako sa kanila ng masama na siya naman niyang ikinatahimik. Lumingon naman ako kay Simon na nakayuko at halatang nagpipigil rin ng tawa.
Tumingin akong muli kay Sandro. Pinakita ko sa kaniya ang wedding ring na nasa kamay ko. Ngumiti siya sakin at niyakap ako.
Lumayo ng tingin si Tita at nagpunas ng luha niya sa kamay. "Mamaya kayo sakin" mahinang sambit ko kina Simon at Vinny.
"Ikaw kasi" bulong ni Simon at nagpipigil pa rin ng tawa si Vinny.
-----
-----
PS. Sorry for wrong grammars.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
