Chapter 45
10:32, 8 November 2021*Your Pov*
Nakauwi na ngayon si Vinny kasama si Tito at Tita. Magkakasama kami ngayon sa kwarto ni Sandro. Tinawagan rin ako ni mama para kamustahin ako, maayos naman ako, ang iniintindi ko ngayon ay si Sandro.
Sasalang siya ngayon sa operating room at titignan ang ulo niya. Hanggang ngayon kasi di pa siya nagigising.
"Do you want anything Y/n? Konti lang ang kinain mo kanina" tanong ni Tita Liza sakin.
"Di po, ayos lang po ako" tugon ko at naupo sa bench sa labas ng operating room katabi si Tita.
"I hope umayos na lagay niya" sambit ni Vinny at nakasandal sa pader.
Wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa phone ni Sandro. Maraming nagtext siya sakin nung mga nakaraang araw about sa trabaho niya.
Ginawa niya ring wallpaper ang wedding picture namin na halata ang pilit niyang ngiti. Tinignan ko rin ang text convo namin. Grabe namiss ko yung mga replies niya sakin, namiss ko siyang katext.
May nakita akong tubig na pumatak sa screen ng phone niya at agad akong nagpunas ng mata ko.
Makalipas ang isang oras ng paghihintay, ibabalik na ulit si Sandro sa kwarto niya. Pero nagulat ako ng sumigaw si Tita Liza.
"Anak ko!" sigaw ni Tita na ikinalingon ko sa kaniya tyaka ko nakita ang gising na si Sandro habang nakahiga.
Lumapit din ako sa kaniya at hinawakan ang kamay nito "Hun? G-gising ka na. Ayos ka lang ba? Ma-may masakit pa ba sayo?" sunod sunod kong tanong sa kaniya.
Tumingin lang ito sakin at sunod na tumingin kay Tita Liza at Tito Bong.
"Maam, Sir, mas mabuti po na ilagay muna natin siya sa room niya para na rin makapag-pahinga siya" sambit ng doctor na sinang-ayunan naman namin.
Sumunod samin ang doctor at dalawang nurse.
"I told you Y/n, kuya is strong kaya niya yang lampasan" saad ni Vinny at ngumiti ako dito.
Excited na kong makausap siya muli, sana tuloy tuloy na to please. Itatanong ko na sana kung ano nang lagay ni Sandro ngayon pero naunahan na ko.
"Ayos na ba ang anak ko?" tanong ni Tito Bong sa doctor at huminto kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni Sandro.
"Fortunately, maayos na ang damage sa loob ng ulo ni Mr. Sandro nawala na ang pamumuo ng dugo but unfortunately, he lost his memories even ang pandinig niya ay nawala rin. Kaya kailangan pa rin siyang i-monitor. Ang malaking problema is ang communications niyo to Mr. Sandro. You can teach him sign language or through lettering/writting. May chance pa namang bumalik ang pandinig ni Mr. Sandro but I'm not sure kung kailan" pag-e-explain ni doc.
"Thank you doc" pagpapasalamat ni Tito Bong.
"Thank you po doc" pagpapasalamat ko din.
"Pwede na ba namin siyang iuwi?" tanong ni Tito Bong.
"Maybe tomorrow Mr. President kung may private doctor siya na pwede niyong pagkonsultahin" tugon ng doctor.
Nag-excuse muna ako sa kanila at tyaka pumasok sa kwarto kung nasaan si Sandro. Pinapakain siya ngayon ng isang nurse. It's lugaw.
"Ah, ate ako na po magpapakain sa kaniya" nahihiya kong sambit sa nurse. Sumang-ayon naman ito at ibinigay sakin ang medyo mainit sa mangkong.
Tumingin sakin si Sandro na ngumunguya. Di naman nagbago ang itsura, sobrang anghel pa rin ang itsura niya. Nang maubos na niya ang nginunguya niya ay isinubo ko na ang lugaw na nasa kutsara.
"He can't reay hear us even remember us" saad ni Vinny na nasa likod ko. Tumingin sa kaniya si Sandro ng ilang segundo.
Palingon lingon si Sandro sa buong na mukhang naninibago siya.
"What a behave boy" saad ni Tita Liza na nakangiti. Ngumiti pabalik si Sandro sa kaniya na siyang ikinangiti nilang dalawa ni Tito Bong.
"Should I buy him some paper and pen? I hope he still knows how to write" sambit ni Simon.
"We'll try it tomorrow at home" Tita Liza said and patted Sandro's head.
Sinubuan ko ulit si Sandro at ipinaubos tong lugaw.
------------------------------------
PS. Sorry for wrong grammars.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!
