Fanfics

41

18:45, 17 April 2025

Tahimik kaming dalawa ni Noelle habang palabas ng opisina ni Alcaraz. Marami pa ring tumatakbo sa isip ko—mga bagong impormasyon, mga bagay na hindi ko pa rin lubusang maintindihan. Pero isa lang ang sigurado ako.

Mas lumalim ang gulong pinasok namin.

Habang naglalakad sa tabi ko si Noelle, ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang lahat ng narinig kanina. Si Marina, ang Argente family, at ang katotohanang si Lola Grace—siya si Celestina Argente.

Siya ang lola na nagpalaki sa akin.

At ang buong buhay niya ay isang pagtatago.

Hindi ko namalayan na huminto si Noelle sa likod ko.

"Gail," mahina pero matigas ang boses niya.

Lumingon ako, nakitang hindi siya nakatingin sa akin kundi sa sahig, para bang sinusubukang buuin ang sasabihin niya.

"Ano?" tanong ko, lumalalim ang kunot ng noo ko.

Napatingin siya sa akin, saka dahan-dahang binitiwan ang mga salita. "Ano'ng pakiramdam?"

Nagtaas ako ng kilay. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Dahan-dahan siyang huminga, at ngayon lang ako nakakita ng ganoong klaseng pagkalito sa mata niya. Para bang hindi siya sigurado kung ano ang dapat niyang maramdaman.

"Pakiramdam na... matagal mo nang hinahanap ang sagot, pero sa bawat bagay na natutuklasan mo, mas lalo ka lang naliligaw," she admitted, her voice barely above a whisper. "Yung pakiramdam na... habang lumalapit ka sa katotohanan, mas lalo mong nararamdaman na hindi mo na kilala ang sarili mo."

Tumigil ako.

Alam kong hindi lang ito tungkol kay Marina, tungkol sa Argente family—tungkol din ito sa kanya. Sa sarili niyang pamilya.

Sa pamilya ng mga taong gumawa ng lahat ng ito.

Mabigat ang dibdib ko habang tinitingnan siya. Hindi ko in-expect na si Noelle Illustre, ang babaeng palaging sigurado sa sarili, ay mararamdaman ang ganito.

Napatingin siya sa akin, halatang pinipilit maging matatag.

At doon ko napagtanto kung gaano kami magkatulad.

"Masakit," sagot ko, hindi inalis ang tingin sa kanya. "Masakit dahil kahit gaano mo gustong hanapin ang sagot, hindi mo alam kung kakayanin mo bang marinig ang totoo."

Hindi siya nagsalita.

Nagpatuloy ako, mas mahina ang boses. "Pero kahit masakit, hindi ako titigil."

Saglit siyang natahimik bago dahan-dahang tumango.

Nagpatuloy kaming maglakad, pero ngayon, mas magaan na ang pagitan namin.

At nang maramdaman kong lumapit siya nang kaunti sa tabi ko, hindi ko nagawang lumay

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories