40
18:35, 6 April 2025Sa loob ng opisina ni Detective Alcaraz, ramdam ko ang bigat ng tensyon sa hangin. Hindi ito ang unang beses na nandito ako, pero ngayon, iba ang sitwasyon. Hindi lang ako mag-isa.
Nasa tabi ko si Noelle.
At halatang-halata sa mukha ni Alcaraz kung gaano niya hindi nagugustuhan ang idea na kasama ko siya rito.
"Tell me you're joking," malamig niyang sabi habang nakasandal sa desk niya, nakatitig sa aming dalawa. "Sinama mo siya rito, Velasco?"
"Noelle can help," sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
"Tulungan kayo o ilagay kayo sa mas delikadong sitwasyon?" Bumuntong-hininga si Alcaraz at tumingin kay Noelle, na tahimik lang pero matalim ang tingin. "Miss Illustre, alam mo ba kung gaano ka delikado 'tong pinapasok mo?"
Nagtaas ng kilay si Noelle. "Mas delikado pa ba sa hindi ko alam ang totoo?"
Napangiti ako nang bahagya. Kahit kailan, hindi nagpapatalo si Noelle.
Napatingin ulit si Alcaraz sa akin bago bumuntong-hininga. "Tsk. Velasco, ano bang iniisip mo?"
"Hindi lang ito tungkol sa akin," sagot ko, mas seryoso ngayon. "Noelle deserves to know. At kung gusto nating lumalim pa ang imbestigasyon, may mga bagay na siya lang ang may access."
Tahimik si Alcaraz ng ilang segundo, parang tinatantiya kung mapipigilan niya pa ako. Pero alam niyang hindi na.
"Kailan ka pa natutong sumuway sa akin, Velasco?" Umiling siya bago naupo sa swivel chair niya. "Fine. Pero kapag may nangyaring masama sa kanya, sagot mo siya."
"Sagot ko siya."
Nagtagpo saglit ang tingin namin ni Noelle, at alam kong pareho kaming determinado.
Alcaraz leaned back and crossed his arms. "Okay. Ano bang gusto n'yong malaman?"
Noelle was the first to speak. "Marina Argente."
Mabilis ang naging reaksyon ni Alcaraz-isang bahagyang pagkunot ng noo, isang saglit na hesitation.
Napansin 'yon ni Noelle. "Alam mo na."
"Matagal na naming iniimbestigahan ni Velasco ang kaso ng nanay niya," sagot ni Alcaraz, tinapik ang mesa bago tumingin sa akin. "At doon namin natuklasan ang tungkol kay Marina Argente."
"Anong nalaman n'yo?" tanong ko.
Sandaling natahimik si Alcaraz bago siya nagsimulang magsalita. "Si Marina Argente... hindi siya ordinaryong babae. Siya ang anak ng isang prominenteng pamilya noon-ang Argente family. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat sa kanila."
Noelle frowned. "Anong nangyari?"
Huminga nang malalim si Alcaraz. "Ang pamilya niya... gumuho dahil sa isang tao. Ang kuya niya mismo-si Elixi Argente. Isa siyang tusong tao, at siya ang sumira sa pangalan ng pamilya nila. Embezzlement, money laundering... lahat ng iyon, itinuro niya sa sariling pamilya."
Ramdam ko ang kaba ni Noelle. "And then?"
"Ang tatay niya, si Elias Argente, tumakas. Ang nanay niya, si Celestina Argente..." Tumigil saglit si Alcaraz bago nagpatuloy. "Nagpalit ng pangalan. Nagkubli sa isang maliit na bayan sa Pampanga."
Parang tumigil ang mundo ko saglit.
Noelle was the one who spoke. "Celestina...?"
Tumango si Alcaraz. "Siya si Grace. 'Yung kinilala mong lola, Velasco."
Halos hindi ako makahinga.
Si Lola Grace. Si Celestina Argente.
Matagal bago ako nakapagsalita. "So... si Marina, alam niya?"
Alcaraz nodded. "Yeah. Kahit nagkahiwalay sila, hindi pinutol ni Marina ang koneksyon sa nanay niya. Patago silang nag-uusap, nagkikita, hanggang sa..."
"Hanggang sa pinatay siya," malamig kong dugtong.
Hindi makapagsalita si Noelle. Kita ko ang gulat sa mukha niya, pero sa ilalim ng lahat ng iyon, may isa pang bagay na mas matindi.
Galit.
Tumingin siya kay Alcaraz, matalim ang mga mata. "At sino ang pumatay sa kanya?"
Alcaraz sighed. "Iyon ang gusto naming malaman."
Nagkatinginan kami ni Noelle. Pareho naming alam-hindi pa tapos 'to.
At kung may isang bagay na sigurado ako, mas lalo lang itong magsisimula.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] โ๏ธ](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


