Fanfics

39

18:35, 6 April 2025

GAIL'S POV

Noelle was staring at me, her hands gripping her cold coffee cup like it was the only thing grounding her. I could see it-the slight tremor in her fingers, the way her lips pressed together as if she was holding something back. She was nervous. Desperate.

And she was asking for my help.

"Alam kong delikado 'to," she said, her voice quiet but firm. "Pero hindi ko na kayang palampasin. Kung may tinatago sila, kung may kasalanan silang pilit nilang nililibing, gusto kong malaman."

Pinagmasdan ko siya. Noelle Illustre-the mayor's daughter, the girl who never had to dig through the dirt to survive. And yet, here she was, willingly stepping into the dark just to find out the truth.

It was almost admirable.

Almost.

Huminga ako nang malalim at nilapag ang kutsara sa platito. "Alam mo bang hindi lang buhay mo ang pwedeng masira dahil dito?"

Nagtagpo ang mga mata namin. "Alam ko."

"At hindi mo alam kung anong klaseng gulo ang pinapasok mo."

"Hindi ko alam." Tumuwid siya ng upo. "Pero hindi ako uurong."

Matagal akong nanahimik. Ang isang bahagi ko, gusto siyang pigilan. Gusto kong sabihin sa kanya na wag na siyang makialam, na bumalik na lang siya sa marangyang buhay niya at hayaang manahimik ang multo ng nakaraan.

Pero hindi ko magawa.

Dahil matagal ko nang hinahanap ang pagkakataong ito.

Matagal ko nang gustong hukayin ang katotohanan.

At ngayon, si Noelle mismo ang nag-aabot sa akin ng pala.

"Fine," sabi ko sa wakas. "Tutulungan kita."

Para bang bumagsak ang bigat sa balikat ni Noelle, at kitang-kita ko ang ginhawang dumaan sa mukha niya. "Salamat, Gail. Hindi mo alam kung gaano-"

Itinaas ko ang kamay ko, pinutol ang sasabihin niya. "Pero may isang kondisyon."

Napakurap siya. "Ano?"

"Sa sandaling makita natin ang sagot, sa sandaling malaman natin ang totoo... hindi ka na puwedeng umatras." Matalim ang tingin ko sa kanya. "Kailangan mong tanggapin kahit gaano kasama ang kalalabasan."

Hindi siya umatras. Hindi niya ibinaling ang tingin.

"Alam ko," sagot niya. "At hindi ako matatakot."

Tumingin ako sa kanya sandali bago tumayo. "Good," sagot ko. "Dahil 'pag natakot ka-mauuna ka nilang tatapusin."

At sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang pagdadalawang-isip sa mata niya.

Pero huli na.

Wala nang atrasan 'to.

LATER THAT NIGHT

Ang unang hakbang ay alamin kung sino talaga si Marina Argente bago siya naging asawa ni Richard Illustre.

Nagkita kami sa isang maliit na internet café-hindi sa bahay niya, hindi rin sa bahay ko. Mas ligtas na may ibang tao sa paligid, at hindi namin afford na may makinig sa pag-uusapan namin.

Noelle's laptop was open, her fingers typing in searches faster than I expected. Old newspaper archives, public records, anything that could give us a clue.

"Marina Argente, pre-Illustre days," bulong ko habang pinapanood siyang mag-scroll. "Ano bang buhay niya noon?"

Noelle didn't answer right away. Then-

"May nahanap ako," aniya, binubuksan ang isang luma at grainy na newspaper scan.

Laking gulat ko nang makita ang headline.

"ARGENTE HEIRESS CAUGHT IN FINANCIAL SCANDAL-FAMILY REPUTATION IN JEOPARDY"

Heires?

Napakunot ang noo ko. "Wait-heiress?"

"Marina was an heiress?" Noelle whispered, eyes scanning the article.

I leaned in closer, my mind racing. If Marina was an heiress, then that meant...

Ang pamilya niya ay may kapangyarihan noon. Mayaman. Makapangyarihan.

Pero kung totoo iyon, bakit siya nawala sa mata ng publiko?

At higit sa lahat-sino ang nagpabagsak sa pamilya niya?

At bakit?

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories