35
18:35, 6 April 2025ADELIA POV
Nang makuha ko ang message na gusto akong kausapin ni Saoirse, alam kong may mali.
Pero hindi ko puwedeng palampasin 'to.
Nagkita kami sa gilid ng library, sa isang sulok kung saan hindi kami madaling mapapansin. Nakangiti siya sa akin, parang isang mabuting kaibigan na nag-alala.
"Adelia," malambing niyang sabi, may bahagyang pag-aalala sa boses niya. "Napansin kong ilang araw ka nang parang balisa. May problema ba?"
Muntik na akong matawa sa pagiging aktres niya, pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong laro lang 'to para sa kanya.
"Huwag mo nang daanin sa mga paawa effect mo," sagot ko, matalim ang titig. "Alam mong hindi ako tanga."
Nanatili ang mabait niyang ngiti. "Oh? And what exactly do you think I did?"
"Alam mong nandun ka." Humakbang ako palapit. "Alam mong may alam ka sa nangyari noon."
Nagkibit-balikat siya, tila nag-iisip. "You know, Adelia, I really don't like being accused of things without proof. It's just... unfair."
May bahagyang lungkot sa mukha niya, pero hindi ako nagpalinlang.
"Unfair?" Napatawa ako nang mahina. "Saoirse, alam mong nakita mo silang mamatay, and you did nothing."
Sa isang iglap, nawala ang lungkot sa mata niya.
At napalitan ng isang malamig na titig.
Parang biglang nabasag ang ilusyon ng pagiging mabait niya, at kitang-kita ko ang tunay na siya.
"So what if I did?" bulong niya, nakangiti pa rin, pero wala nang buhay sa mata niya. "And so what if I enjoyed it?"
Parang nanigas ang katawan ko.
"You-"
"Shhh." Dahan-dahan siyang lumapit, at hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umatras.
"Alam mo ba ang pinaka-fun na part?" bulong niya, bahagyang nakayuko sa mukha ko. "Hindi ko sila pinatay, Adelia. Pero nanood lang ako. Tahimik lang ako. At gusto ko silang makitang mawala."
Pinanindigan ko ang tapang ko kahit gusto kong humakbang palayo.
"You're sick."
Natawa siya nang mahina. "Maybe."
At bago pa ako makalayo, hinawakan niya ang kamay ko-hindi mahigpit, hindi agresibo, pero sapat para maramdaman ko ang malamig niyang palad.
"Pero Adelia," aniya, mabagal ang tono, "siguraduhin mong kaya mong tapatan ang laro ko."
Bumitaw siya, ngumiti ulit nang parang walang nangyari.
"See you around~" masaya niyang sabi, bago tumalikod na parang walang bigat ang usapan namin.
Habang pinagmamasdan ko siyang lumayo, alam kong hindi pa tapos 'to.
At hindi ako papayag na ako ang matalo.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] โ๏ธ](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


