Fanfics

27

11:30, 29 March 2025

"Wait, what?!" Napalakas ang boses ni Sara habang halos mapatayo siya mula sa kinauupuan niya. "Si Mil? Si Ate Millicent?!"

Napangiwi si Adelia. "Pwede bang 'wag mo nang ulitin?"

"Aba, siyempre hindi!" Halos mapanganga si Sara sa gulat. "Ate ko 'yun, Adelia! Tapos ngayon ko lang nalaman na kayo pala dati?! Akala ko ba—"

"Akala mo ano?" putol ni Adelia, nakataas ang kilay.

"Akala ko straight siya!" sagot ni Sara na parang hindi makapaniwala. "I mean, never siyang nagkwento, never siyang nagpakilala ng kahit sino—kahit man lang clue!"

"Eh 'di hindi ka niya sinabihan," sagot ni Adelia, sinasandalan ang upuan niya. "Wala naman akong kasalanan doon."

"Hindi ako makapaniwala," bulong ni Sara habang hinahawakan ang ulo niya. "Si Ate Millicent at ikaw. Kayo."

Tumawa si Jette. "Ang ganda ng reaction mo, Sara. Parang ikaw ang iniwan ni Mil."

"Hoy!" Umirap si Sara pero kita sa kanya ang excitement. "Pero seryoso, bakit 'di ko alam 'to? Bakit 'di mo man lang sinabi?"

"Siguro kasi hindi na relevant?" sagot ni Adelia, kunwari walang pakialam.

"Wow. Cold," sabi ni Jette, pero nakangiti.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ulit ni Sara, mas kalmado na pero kita pa rin ang pagkamangha sa mukha niya.

Tumingin si Adelia sa malayo bago sumagot. "Hindi kami magkasundo. Masyado kaming magkaiba."

"Pero paano kayo naging kayo kung magkaiba kayo?" pilit ni Sara, halatang hindi pa rin maka-get over.

Saglit na natahimik si Adelia bago siya bahagyang ngumiti—pero hindi ito masaya. "Minsan, kahit alam mong mahirap, susugal ka pa rin."

Walang nakapagsalita pagkatapos noon.

Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi pa tapos ang kwento ni Adelia at Millicent.

There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!

More by inkedinbruises

Similar stories