26
11:29, 29 March 2025Habang tinititigan ko ang larawan sa aking phone, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Malia Delos Reyes... Hindi ko lang siya basta nakita noon—kilala ko siya. Bata pa ako, pero naaalala ko ang mukha niya, ang tinig niya. Isa siya sa mga kaibigan ni Mama. At ngayon, sinasabi ni Detective Alcaraz na nasawi siya sa parehong insidente?
"Gail," malumanay pero may bigat ang boses ni Detective Alcaraz. "Ang tunay na pangalan niya ay Marina Argente."
Parang bumagsak ang mundo ko. "Ano?"
Tumango siya. "Siya ang unang asawa ni Richard Illustre. Ang tunay na ina ni Noelle."
Nanlamig ako. "Noelle..."
Napatingin si Detective Alcaraz sa akin bago siya muling nagsalita. "Gail, gusto kong tanungin ka tungkol sa umaga bago mangyari ang aksidente. May napansin ka bang kakaiba? May sinabi ba ang mama mo?"
Napakurap ako. Hindi ko alam kung gusto kong maalala. Pero hindi ko rin kayang kalimutan.
"Nagising ako sa iyak niya," mahina kong sagot. "Nasa loob siya ng kwarto niya... parang may kinakatakutan siya. Sinabi niya sa akin na kahit anong mangyari, huwag akong aalis sa tabi niya."
Hinayaan akong magsalita ni Detective, hindi niya ako minamadali.
"Nagbihis siya nang mabilis, kinuha ang isang kahon mula sa aparador. Hindi ko alam kung ano 'yon. Pero tandang-tanda ko ang sinabi niya sa akin... 'Mahalaga ito, Gail. Kapag may nangyari sa akin, siguraduhin mong mapupunta ito sa tamang tao.'"
Napahinto ako. Noon ko lang naisip—ano ang laman ng kahon na iyon?
"Nasaan ang kahon na 'yon ngayon?" tanong ni Detective.
Napatingin ako sa kanya, saka bumuntong-hininga. "Hindi ko alam. Hindi ko na siya muling nakita pagkatapos ng gabing 'yon."
Tahimik siyang tumango. "Gail, hindi lang simpleng aksidente ang nangyari sa mama mo. May iniwan siyang ebidensya. At ngayon, kailangan nating alamin kung ano 'yon."
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Tumitig ako sa larawan nina Richard Illustre at Marina Argente. Napatingin din ako sa pangalan sa lumang dokumentong nasa mesa ni Detective Alcaraz.
Celine Lirazan Velasco. Ang tunay na pangalan ng mama ko.
At ang susunod na hakbang? Alamin kung paano ito lahat konektado.
There are no comments yet. Log in to be the first to leave a review!



![The Virgin[K.NJ] ✔️](https://fanficsread.net/media/fs-stories-1/5897/conversions/1108c1ed5e8371286893ea1dcce7297c.jpg)


